Sabi nila minsan daw mas maganda kapag magdadasal ka iyong paulit-ulit ang paghiling mo. Iyong tipo na makukulitan na ang Diyos sa mga panalangin mo. Sa tagal ng panahon ng pagdarasal ko, hindi ko na alam kung ilang beses ko na bang naipanalangin sa Panginoon na sana ay ibalik na niyang muli ang mga nawalang alaala ni Dylan. Para naman bumalik na ang lahat sa dati. Iyong ine-enjoy naming mabuti ang buhay ng mga bagong kasal, iyong magsisimula kami sa pagbuo ng aming sariling pamilya. Iyong unti-unting natutupad ang lahat ng pangarap na binuo namin noon. Kinabukasan ay pumunta ako agad sa law office ni Atty. Dominquez. Mabuti na lang talaga at available siya ngayong araw. Ipinakita ko sa kanya iyong kopya ng Petition for the Declaration of Nullity of Marriage na ipinadala sa akin ng abog

