Chapter 16 – Favorite

1779 Words

Hindi ako makagalaw... Napaawang ang labi ko ngunit walang lumalabas na mga salita galing sa akin. Patuloy akong nanghihina habang sinasalubong ko ang lakas ng intensidad ng mga titig ni Dylan. “Umalis ka na rito!” malakas na bulyaw pa niya sa akin. Panay ang pag-awat ni Donna sa kanya. Hinawakan siya nito sa kaliwang braso. Ngunit hindi pa rin siya nagpatinag. “Hindi ka ba aalis?” pagbabanta pa niya. Nangangatal na ang labi ko dahil sa talas ng mga salitang natatanggap ko galing sa kanya. Nagsimula ng magbagsakan ang mga luha ko. “D-Dylan!” pagtawag ko sa pangalan niya. Nanginginig na ang boses ko. “Hindi mo na ba talaga ako maalala?” Tinanaw niya akong muli, malamig ang kanyang ekspresyon. “Nagpakasal ka sa akin!” hirap ko pang sabi. Ngunit wala akong nakuhang sagot galing sa kanya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD