Dylan's POV God, bakit ba ako kinakabahan ng ganito? pakiramdam ko'y para na akong bibitayin sa araw na ito. Ganito pala ang pakiramdam ng ikakasal... parang gusto nang tumalon ang puso ko sa lakas ng kaba. "Bakit ba hindi ka mapakali?" pagpuna sa akin ni Luke. Siya ang Bestman ko sa aking kasal. "Wala pa ba si Jasmine?" tanong ko sa kanya, dahil miss na miss ko na ang aking asawa. Kung bakit kasi kailangan nila kaming paghiwalayin na dalawa, e, matagal na naman kaming mag-asawa at meron na ring anak. Buntis na naman ang asawa ko sa kambal namin, pero bakit kailangan na sundin pa rin namin ang lintik na pamahiin na yan. "Parating na sila... nag text na sa akin si Heather at sinabing malapit na daw sila." sagot sa akin ni Luke, kaya medyo na relax ang aking pakiramdam. Agad ko d

