Naging masaya at maayos ang pagsasama nina Jasmine at Dylan. Laging umuuwi ng maaga si Dylan, upang maalagaan ang asawa at anak nito. Kabuwanan na din ni Jasmine, kaya kung maari ay ayaw ng iwan ni Dylan ang asawa. Lagi din niya itong sinasamahan na maglakad lakad sa loob ng Subdivision si Jasmine, upang maka exercise ito at madaling manganak. Si Jayden naman ay excited na sa paglabas ng kanyang twin brother and sister. "Mommy, kailan lalabas ang baby brother and sister ko? Can i play with them po kapag naka labas na sila?" tanong ni Jayden sa kanyang Mommy. "Kuya, hindi pa sila puweding maglaro kahit lumabas na sila. Dahil ang newborn ay hindi pa nakaka lakad at nakakapag salita." paliwanag ni Jasmine sa anak. Sabik na talaga sa kalaro si Jayden, kaya hindi na ito maka paghintay na

