Masyadong na apektuhan si Jasmine sa pagkaka Coma ni Heather. Hindi din siya maka paniwala na nag lihim sa kanya si Heather, tungkol sa kanyang kalagayan. "Love, kumain kana para ma-inom mo na ang mga Vitamins mo." wika ni Dylan sa asawa. Kabuwanan na niya at anumang oras ay manganganak na ito. Kahit walang ganang kumain si Jasmine ay pinipilit pa rin niya ang kanyang sarili, dahil ayaw din niyang mapahamak ang mga babies niya sa loob. Sa kanya kumukuha ng pagkain ang mga baby, kaya kailangan din niyang kumain ng tama at uminom ng Vitamins. Mag mula ng ma Coma si Heather ay naging malulungkutin na si Jasmine. Napapa ngiti lamang siya kung kasama niya ang kanyang asawa at anak. Sina Amanda at Clay na din ang naghahatid sundo kay Jayden, dahil hindi na maiwan ni Emily ang baby ni Nat

