Masayang masaya ang pamilya Altamera, dahil sa pag silang ng kambal. Sina Amanda at Clay ay naging mas masigla, dahil meron na naman silang panibagong apo. Lagi nilang dinadala ang dalawang baby sa Garden, upang paarawan. Isang buwan na din ang nakalipas, mag mula ng maisilang sina Amarie at Amelie sa mundo. Ngayon ay masasabi na rin nila kung sino ang kamukha ng kambal. "Kamukhang kamukha talaga ni Jayden itong si Amarie, si Amelie naman ay kahawig ni Jasmine. Parang nakikita ko na na magiging sikat na Model din itong apo natin sa hinaharap." ani ni Amanda sa kanyang asawa. Naka upo sila sa garden habang binabantayan ang kanilang mga apo na naka higa sa malaking Stroller. "Siyempre! saan ba naman sila mag mamana kundi sa kanilang magulang. Sana lang ay makita ko pa ang unang pagram

