Pati ang mga kasambahay nila ay nagsi labasan na din, dahil sa malakas na sigaw ni Jasmine. Nagtataka ang mga ito kung ano ang nagyayari sa kanilang mga amo. Kung bakit biglang nagsisigaw sa galit si Jasmine, dahil sa ilang lingo nilang kasama ito ay wala naman silang nakitang pangit na ugali ng kanilang amo. "Lumayas kayo dito! dahil ayaw ko nang makita pa ang pagmumukha n'yo dito. Layaaas!" nanggagalaiting sigaw ni Jasmine kay Dylan at Sarah. Agad naman na tumayo ng tuwid si Sarah at inayos nito ang kanyang damit. Medyo lumayo din siya kay Dylan, dahil sa takot nito kay Jasmine. "Love, makinig ka naman sa akin. Wala kaming relasyon ni Sarah. May asawa si Sarah at mga anak, kasal din tayo. Kaya napaka imposibling magkaroon kami ng relasyon." pagkumbinsi ni Dylan sa kanyang asawa. Tinan

