Nagising silang mag-asawa dahil sa mga katok sa kanilang pintuan. Agad naman na bumangon si Dylan saka mabilis na isinuot ang kanyang mga damit. Inayos din niya ang kumot ng kanyang asawa, dahil wala itong saplot sa katawan, pinulot din niya ang mga damit ni Jasmine saka inilagay sa ilalim ng Comforter. Binuksan ni Dylan ang pinto at sinilip kung sino ang kumakatok. Nakita niyang si Aling Lumen ang nasa labas, kaya medyo niluwagan na niya ang awang ng pinto. "Sir Dylan, naka handa na po ang pananghalian n'yo ni Ma'am. Bumaba na muna kayo para maka kain." wika ng kanyang kasambahay. "Salamat aling Lumen, gigisingin ko lang ang asawa ko at bababa na kami." sagot naman nito saka isinara ang pinto. Agad na nilapitan ni Dylan ang asawa, saka niya ito tinawag. "Love, bangon na. Kakain

