MASAYA ANG BUONG PAMILYA DEL VALLE, dahil doon matutulog sina Jasmine. Matapos nilang mag hapunan ay naupo silang lahat sa sofa sa may Living Room, habang umiinom ng Green Tea. Nasa harapan din nila ang Calamay na gawa ni Emily. Sarap na sarap si Jasmine sa pagkain ng Calamay, kaya kumuha na din si Dylan upang tikman ito. Hindi pa kasi siya nakaka kain ng ganitong pagkain, dahil wala naman nagluluto ng ganito sa kanilang Mansion noon. Kahit si Yaya Ligaya niya ay hindi din siya pinakain ng kalamay o kahit anong uri ng kakanin. Dahil mahigpit na ipinag babawal noon ng kanyang Mommy na pakainin siya ng kung anu-ano. "Ang sarap pala nito? ngayon ko lang ito natikman." wika ni Dylan, habang nginunguya ang Calamay. "Ako nga Bro, saka ko lang ito natikman ng magkasama na kami ni Nanay. Lag

