MABILIS na sinalo ni Nathan ang katawan ng kanyang kakambal, dahil bigla na lang itong nahimatay matapos mag hysterical. Agad din na tinawag ni James ang ibang mga Nurse, upang dalhin si Jasmine sa Emergency Room. Nahimatay ito dahil sa sobrang takot at pag-aalala sa kanyang asawa. Samahan pa na mahina ang katawan nito dahil dehydrated siya. Malakas na iyak ni Emily ang maririnig sa paligid, dahil sa sobrang pag-aalala nito kay Jasmine. Kahit sinong ina kung makita mo ang anak mo na biglang mawalan ng malay ay talagang kakabahan sa kalagayan nila. Mahigpit na niyakap ni James ang kanyang asawa. Awa ang namayani sa puso ni James para sa kanyang asawa at takot para kay Jasmine at Dylan. Si Nathan naman ay sinundan si Jasmine sa Emergency Room. Hindi siya mapapalagay hangga't hindi ni

