MULING BINUHAT ni Dylan si Jasmine at mabilis na tumakbo patungo sa kanilang kotse. Si Nathan naman ay nilapitan si Leo Gonzales at binigyan ito ng magkaka sunod na suntok. Agad naman siyang inawat ng mga Pulis at NBI, dahil baka mapatay nito si Leo. Inilayo na rin nila si Leo kay Nathan at kinaladkad nila ito, patungo sa kanilang sasakyan. Medyo malayo ang pinag iwanan ni Dylan sa kanyang kotse, kaya kinailangan niyang maglakad patungo doon habang buhat nito ang kanyang asawa. Labis din siyang kinakabahan dahil sa kalagayan ni Jasmine. Wala itong malay at napaka lamig ng katawan nito. Nangingitim na rin ang mga pasa nito sa mukha, kaya lalo siya nagalit sa mga taong may kagagawan nito sa kanyang asawa. Naka sunod naman si Nathan sa kanila, kasama ang mga NBI at Pulis na may dala ng

