. . PATULOY pa rin ang mga NBI sa ginagawa nilang pagtrace sa tawag at messege na natanggap ng cellphone ni Dylan. May mga nakuha na rin silang ibang detalye, ngunit pinag-aaralan pa nila ito ng mabuti. Upang malaman ang eksaktong location ng tawag. Hanggang sa ma klaro na nila ang lugar, kaya agad nilang sinabi ito sa kanilang pinuno. "Lt. Rosario, nalaman na namin ang iksaktong location ng tawag. Nasa Pampanga po sila, Sir." pagbibigay alam ng IT na kasama ng mga NBI. Agad naman na sinabi ni Lt. Rosario ang kanyang nalaman sa Pamilya Del Valle at Altamera. Agad naman na nagsilapitan ang mga ito sa Dinning table, kung saan naroroon ang mga IT expert. Agad din nilang ipinaliwanag ang mga gagawin nila upang iligtas si Jasmine sa kamay ng mga kidnaper nito. "Sasama ako sa inyo, hi

