Chapter 3

1095 Words
Chapter 3 “Ikaw ba? Hindi ka ba mag-o-audition?” Napalunok ako ng tanungin ako noong hurado. Wala naman akong balak na mag-audition at ang gusto ko lang naman ay manood sa kanila upang malibang ako sa mga problema ko sa buhay. Nalibang naman ako kahit walang kuwenta ang kanilang mga saogt. “Hindi po.” Huminga ito ng malalim. “Akala ko pa naman. May ganda ka naman at sayang din kasi ang fifty-thousand na makukuha kung makakapasok ka sa first twelve.” Fifty-thousand? Nanlaki ang mata ko sa sinabi ng hurado. Iyon ang perang kakailanganin namin pagpapa-opera kay tatay. Tama ba ang narinig ko? “Fifty-thousand?” Tumango ito. “Oo, fifty-thousand ang ibibigay sa’yo kung qualified ka. Anim pa lang ang natatanggap sa iba’t ibang panig ng Luzon at malay mo isa ka sa labing-dalawang kasali.” “Totoo po ba na fifty-thousand ang makukuha.” “Oo nga. Ang kulit mo rin, eh. Mag-o-audition ka pa ba?” Dahan-dahan akong tumango kahit hindi ko alam sa sarili ko kung dapat ko bang ipagpatuloy itong binabalak ko. Masyado akong nasilaw sa fifty-thousand at kung susubukan ko lang naman ay walang mawawala sa akin. Kung hindi nila ako magustuhan ay iiyak na lang muli ako sa mga tuhod ko sa paghahanap ng pampaopera ni Tatay. “Tell us about yourself,” sabi noong babaeng katabi noong bakla kanina na nagpapilit sa akin na mag-audition. “Ako po si Pauleen Javilinar, twenty-four years old, at graduate ng BS PolSci. Dalawang taon na akong cashier at hindi ito ang gusto ko sa buhay. Gusto ko maging abogado ngunit hindi naman kami mayaman. Masungit daw ako sabi nila ngunit ‘di naman dahil may ipinaglalaban lang ako.” Napatango-tango ang tatlong hurado. Sunod na nagtanong ay ang lalaki na katabi noong babae. “Bakit gusto mo sumali rito?” “Para sa tatay ko. Para maipaopera na siya.” “Iyan lang? Ayaw mo ba magkaroon ng asawang mayaman?” “Kung iyon ang kahihinatnan ko, bakit hindi? Wala naman akong pakialam kung mayaman o mahirap ang mapapangasawa ko. Kung ako man ang mapiling ikasal sa heir ng kumpanya, malugod ko ‘tong tatanggapin dahil ito ang daan na tinahak ko.” Nagtanong pa sila tungkol sa pagiging anak at babae ko. Nasasagot ko naman iyon at pakiramdam ko nga ay mas matagal pa ang interview nila sa akin kumpara sa mga job interview. “Paano mo masasabi na maganda ka?” tanong muli ng baklang nag-i-interview. “Ang ganda naman hindi lang iyan sa panlabas na kaanyuan. Maari rin natin na masabing maganda ka batay sa paniniwala at ugali mo. Masasabi kong maganda ako dahil maganda ang hangarin ko sa palarong ito. Maganda ako dahil nandito ako ‘di para sa personal na pantasya kundi dahil para sa pangarap ko at para sa pamilya ko. At naniniwala ako na ang bawat babae ay maganda sa paningin ng tamang lalaki. At alam ko rin sa sarili ko na, maganda ako.” Napangiti ang lalaki at baklang hurado samantalang napangisi naman ang babae. Hindi ko alam kung tanggap na ba ako. “Tapos na po?” pagtatanong ko dahil parang limang minuto na akong nakatayo sa tapat nila. “Oo, tapos na,” sabi ng babaeng hurado. Naglakad ako palabas ng tent nang tawagin akong muli. “Saan ka pupunta? Hindi ka maaring umalis dahil pasok ka na sa The Sweetheart’s Tournament! Congratulations!” Napakunot ang noo ko at hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko? Totoo ba na pasok na ako? Papaano ako nakapasok? “Nakita namin na kakaiba ka mula sa ibang mga kalahok kaya naman napagdesisyunan namin na kuhanin ka para sa tournament,” iyong baklang hurado ang nagsalita. “Dahil sa minamadali na ang larong ito ay hindi ka na maaring umalis pa. Sasama ka na sa amin sa Manila para sa briefing ng contest.” Gusto ko pa naman munang silayan si Tatay sa ospital bago ako umalis. Akala ko pa naman ay mga isang linggo bago umalis dito. “Muli, congrats!” saad naman ng lalaking judge. Pinaupo muna nila ako sa table at may pinasagutan na form kung saan ilalagay ang address namin at ang pangalan ng kukuha ng fifty-thousand pesos. At least maipapaopera na si Tatay. “Kailan po maibibigay ‘yung pera sa pamilya ko?” nahihiya kong tanong sa baklang hurado. “Pagkaalis natin ay ibibigay na ‘yan. Nakaka-excite ang tournament at sana ikaw ang manalo! Ikaw ang pambato naming tatlo at sa tingin ko naman ay kaya mong manalo.” Sana pagkaalis namin, maoperahan na si Tatay. Sumulat ako ng sulat para kina Nanay upang ‘di na sila magtaka pa kung bakit ako bigla na lang mawala. Ibinigay ko ito sa isa sa mga hurado upang makarating. Pinakain din nila ako ng binili nilang pagkain bago kami sumakay sa van papuntang Maynila. Nakatulog ako sa biyahe at ginising na lang ako ng mga kasama ko sa van nang nasa tapat na kami ng isang mansyon. Napapaligiran ito ng malalaking gate at may dalawang security guard na nagbabantay. Kinausap sandali ng security guard ang mga kasama ko bago kami papasukin. Nanginginig ang tuhod ko pagpasok at hindi ko maipaliwanag ang abnormal na t***k ng puso ko. Para bang nananaginip pa rin ako na kasali na ako sa tournament na ‘to. Isang tournament upang mahanap ang taong ipapakasal sa heir ng isa sa pinakamalaking kumpanya sa bansa. May labindalawang mala-tronong upuan sa tapat ng mansyon. Berdeng-berde ang kapaligiran dahil sa puno at mga bushes sa paligid. Ang mga halaman din ay nakaayos gaya ng sa mobile game na Farmville. Iisang trono na lang ang bakante at ako ang naupo roon. Nagkiskisan ang mga ngipin ko nang napatingin sa akin ang iba pang kalahok. Mga ilang minuto kaming naghintay nang may lalaking naka-formal suit ang pumasok sa mansyon. Siguro ay mas matanda lang sa akin ito ng limang taon. Pumasok ito nang confident na confident sa kaniyang paglakad. May hawak itong microphone at tiningnan kami isa-isa. “Welcome to The Sweetheart’s Tournament wherein we will find the right woman with the right character for the heir of one of the greatest companies in our country which is the Santelmo group of companies.” Napalingon ako sa likod ko, may mga camera man pala. May camera man din sa gilid. Hindi man lang ako nakapagpalit ng maganda-gandang gamit. Naka-pants at t-shirt lang ako. “Nandito tayo ngayon sa garden ng tinatawag nating Sweetheart’s Mansion kasama ang labindalawang suwerteng mga babae na ipapakita ang kanilang mga sarili at papatunayan na sila ay karapatdapat na mapangasawa ng heir ng ating kumpanya. Bago ang lahat, let us welcome Mr. George Santelmo, the President of the Santelmo group of companies!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD