Prologue
Hey, this is risellexc. I'm reminding all of you that I am not a professional writer. You can encounter errors along the way, please bear with me. I am quite busy so expect slow updates. This is also my first time to write in Dreame! I hope all of you would liked this story. Stay safe and have fun reading. ?
Disclaimer:
All of the things, places, characters, names, events, occasions, accidents, problems or anything is definitely written by the author. If you see something that is related to other stories' then I believed that it is purely coincidental.
__
My day was wonderful, peaceful and perfect. Maglalaro sana ako sa mga kaibigan ko kaso nga lang, hinahabol ako ni mama.
"BUMALIK KA RITO, STELLA AMADYA ZORE!" Sigaw ni mama na tumatakbo habang hawak ang isang tsinelas na paniguradong hahalik sa pwet ko.
Buong hapon ay nagtatakbuhan lang kami, marami tumitingin sa amin ni mama pero wala lang ito sa 'min. Hindi ko nga rin maintindihan kung bakit hindi tumitigil si mama kahit halata naman ay napapagod na siya. Ikaw raw ang tumakbo from 11 am to 1 pm, sinong hindi mapapagod? My mom's is already 38 pero kung makatakbo ay parang dose lang. Curious ka kung bakit kami tumatakbo? Eh kasi nga, may kasalanan ako at ayoko mapalo kaya ayon tumatakbo kami.
"Mama, sorry na nga eh!" I shouted habang tumatakbo, hinihingal na talaga ako kaya napahinto ako na isang malaking pagkalamali.
"Huli ka! Naku kang bata ka, pinaghirapan mo pa talaga ako." aniya at saka ako binuhat. Alam na alam ko ang kaniyang gagawin. Kung hindi niya 'ko papaluin ay kililitiin niya naman ako. Our village is a bit small kaya agad agad makikita ng mga tao ang mga nangyayari, katulad ngayon ay nanonood sila sa amin ni mama, kanina pa. Marami pa ngang nagsasabi na ang cute raw kami pero I doubt that because my life is in danger right now because of my mother. Ayaw ko makiliti. Ayaw ko pang mamatay ng maaga, hindi ko pa nga alam kung sino pumatay kay Lapu-Lapu. Kung si Balmond ba, Gusion, Layla o Nana?
"Ano ba nga ba ang gagawin ko sa 'yo? Hmm" ani ni mama habang nakatingin sa langit. Pinipilit ko pa ring umalis sa pagkahawak ni mama pero masiyado siyang malakas. I pouted. Ihhh, hindi ko pa napakain si Jaja, ang pusa namin.
"MA!" Nagulat ako sa bigla niyang yakap sa 'kin. Hindi pa rin ako makagalaw. Akala ko kung ano na ang gawin sa 'kin ni mama, mabuti na lang maganda ako kaysa sa kaniya kaya hindi niya 'ko papaluin ng tsinelas o hindi kaya kilitiin sa bewang. Bigla yata nagbago ang desisyon niya, ah? Akala ko kanina ay papaluin niya ako dahil may hawak siyang tsinelas pero hindi pala. Masiyado lang yata ako napaparanoid.
"Alam mo, noong bata pa ako ay ganito rin ako. Tumatakbo o tumatakas para hindi niya ako mahabol. Masakit kaya ang mapalo," I heared her laugh, napatawa rin ako. Kung gano'n ay kay mama ako nagmana sa kakulitan, sa kaniya ko na-mana ang personality kong ito. "Pero hindi naman gano'n kalakas ang palo ni nanay. Alam ko naman na mahal niya ako kaya mahinang palo lang ang ginagawa niya. She just wants me to be careful of the things that's danger for kids like me before at alam mo gano'n din ginagawa ko kaya hinahabol kita."
Alam ko naman, may tiwala rin ako kay mama eh pero AYOKONG MAPALO. Caps lock na 'yan ah? Para dama talaga. Kawawa ang makinis kong pwet kung gano'n. Wala ng magandang tae ang lalabas kung halikan ng tsinelas ang pwet ko. Hayyyyy, ano ba 'tong iniisip ko? Nabitin yata ako sa tatlong large cheeseburgers, dalawang large barbique fries, isang malaking scoop ng rice, tinola at isang large cup of milktea. Parang gusto ko yata ng mangga na bagoong ang sawsawan.
"Ma," tawag ko kay mama na naibaba na rin ako sa wakas. Hindi ko alam kung natiis niya ang kabigatan ko eh, kanina pa rin niya 'ko binubuhat habang niyayakap sa mga bisig niya. Achuuu ang sweet ni mama.
"Hmm? Bakit 'nak?"
"Ah, nasaan na pala sina lola?" Weird to hear pero hindi ko kasi nakikita ang mga magulang ni mama. Mga kapatid niya lang.
Siya kasi ang panganay sa pamilya niya, katulad ko at may bunso siyang mga kapatid. Isang lalaki at babae. Kamukhang kamukha silang tatlo, no doubt. Magaganda't gwapo sila tapos parehas pang may talent. Kaya namana ako kay mama eh! Talented sa katamaran, bongga! Napatawa ako at nailang sa mga pinagsasabi ko. Bawas-bawasan ko na nga sa pagshashabu ng mga pagkain. Marami na masiyado ang kinakain ko araw-araw at baka mapagkamalan ko na patay gutom ako kahit totoo naman.
"Matagal na silang wala." Mom answered that caught me off guard. I should not asked. Bakit hindi mo mapigilan ang bibig mo? Sinasabi ko sa sarili ko na, I want to be like Maxpein Zein Del Valle but I ended up Zarnaih Marchessa. Hindi mapigilan ang bibig sa pagkadaldal. Arghhhh.
"Uhm. S-Sorry ma. Hayaan mo na po, hindi na ulit ako nagtatanong. Tara na po, mukhang uulan yata." Ani ko at tiningala ang langit. Kung kanina lang ay maaraw-araw pa ay ngayon ay hindi ko na nakikita ang clouds sa sobrang dilim nito. Wala rin kami payong at kung swertehin nga naman ay medyo malayo ang bahay namin. Hindi ko rin alam kung ano oras na dahil wala naman ako cellphone. Ano akala niyo sa akin? Mayaman? Hindi 'no. Maganda lang na humihinga pa.
"Okay lang naman kung magtanong ka, anak at isa pa ay tanggap ko na," huminga siya ng malalim bago ituloy ang sasabihin niya, "People come and go at kahit ayaw mong mawala sila ay hindi p'wede dahil ibinigay ng Diyos ang buhay natin na panandalian lang kaya habang nabubuhay tayo ay pahalagaan natin ito, ipakita sa mga mahal natin sa buhay na mahal natin sila, gawin natin kung ano ang tama.. dahil hindi natin malalaman kung kailan ang huli natin sa mundong ito."
Nakakunot ang noo ko ng may naramdaman na basa sa kanan braso ko—hindi lang isa kundi marami. Agad napalaki ang mga mata ko ng napatanto ko na umuulan na! S'yempre! Hay, ang stupid mo kahit kailan Stella!
"Ma! Umuulan na!" Sigaw ko kay mama at tumitingin sa paligid kahit naman wala na ako makita dahil sa ulan. Pero let's try!
Tingin nang tingin lang ako sa paligid hanggang sa may nakita ako. Isang karinderya! P'wede na 'to.
"Ma, halika rito sa karinderya at sumilon-" hindi ko tinuloy ang sasabihin ko ng makitsi si mama na masaya naglalaro sa ulan. Naku! Kaya pala matigas ang ulo ko eh!
"Mama! Baka magkasakit kayo." sabi ko pero hindi niya 'ko pinansin. Seriously? Is she still 38 years old? Parang ako 'tong 38 ah.
Tawang tawa si mama habang naglalaro sa ulan at sa hindi malaman na dahilan ay napangiti at napatawa na rin ako. Sumali na rin ako kay mama at kaming dalawa ang nagsasayang naliligo sa ulan.
July 15, 2016. I will never forget this day. Me and my mom.. laughing and having fun in the rain.
-----
"Ma! Bakit ka naman nagpaulan? Tignan mo mga damit natin oh. Naputikan na rin." seryosong sambit ko kay mama pero hindi nagtagal ay napatawa ako ng malakas habang pumapasok sa loob ng bahay.
Agad kami sinalubong ng kuya't kapatid ko. Wala si papa ngayon dahil panigurado ay nagtratrabaho 'yon, medyo nagaalala ako sa kaniya dahil umuulan ngayon at nagmamaneho siya ng jeep. Yup. Katulad ng sinabi ko kanina ay hindi kami mayaman kaya jeepney driver ang trabaho ng papa ko pero wala akong reklamo ro'n o kami basta ligtas lang siya ay okay na sa amin.
"Oh ma, Stella. Nagpabasa kayo sa ulan?" Tanong ni Kuya Lencer.
"Gusto kasi si mama eh" napanguso ako. Masaya man maligo sa ulan kaso baka magkasakit kami kaya hindi kami nagtagal kanina.
Pumunta ako sa kwarto ko, malapit lang sala. As you can see ay maliit lang ang bahay namin. Na sa left side ang main door kung saan kami dumaan kanina tapos pagkapasok mo ay sala na agad ang makikita mo, may maliit na T.V at sofa ro'n. Kung dumeretso ka ay makikita mo na agad ang mga kwarto namin though ang kusina ay na sa left side. Gets mo?
"Jamija, kumain ka na?" Tanong ko sa puso ko nang natapos na ako ayusin ang sarili ko.
Agad na pumunta ang pusa sa hita ko. Aw, ang cute! Mana sa akin, s'yempre, ako ang nag-aalaga. "Kamusta araw mo?" Tanong ko muli pero tanging meow lang ang natatanggap ko. Napatawa ako. Of course, hindi naman nagsasalita mga pusa eh pero hindi ko maintindhan eh, nakarerelax kapag kinakausap mo ang pusa o kahit sa anong hayop.
"Pasensya na ah at nakagabihan kami ni mama. Nagpaulan kasi eh haha." patuloy lang ako sa pagsasalita kahit nagmukha ako t*nga rito eh. Napahinto ako saglit at tipid na napangiti, kaya pala sinasabi nila na perfect ako kahit simple lang pero kung alam lang nila.
"Wala salitang perfect."