Naging mas malabo na ang magkaroon sila ni Bangs ng mas malalim na relasyon. Pero kahit na may nobyo na siya ay tutuparin pa rin niya ang pangako rito. She will not abandon him. She will still look for a way to save him from that hell called MNA. Dumating na ang hapon at naghanda na siya sa pagpasok sa MNA. Inaayos niya ang laman ng sling bag niya nang may biglang yumakap sa kaniya mula sa likod. "H'wag ka na bumalik don," bulong ni Patrick sa tenga niya habang mas pinahihigpit pa ang yakap sa kaniya. Pinakalma niya ang sarili. "Kailangan kong magtrabaho. May kontrata ako roon," kalmado niyang sagot para hindi nito mahalatang naiilang siya sa pagyakap nito. Sumimangot ito. "Ihahatid sundo ulit kita para makita ng mga tao don na may nagmamay-ari na sa'yo." Marahan niyang inalis ang kam

