Labag man sa kaniyang kalooban, hindi ngayon pumasok si Lesley sa eskwela upang makipag-usap sa nagrerebelde niyang kuya. Pinilit siya ng ina-inahang makipag-ayos dito dahil kung hindi ay palalayasin na siya nito at tuluyang itatakwil. Masama ang loob niya pero nandoon pa rin ang kaniyang pagmamahal sa pamilyang ito. Lalo na ngayon na nalaman niya ang pinaghuhugutan ng galit ni Amanda sa kaniya. Her real family killed Patrick's father and grandparents. Alam niyang hindi dapat pagbayaran ng anak ang kasalanan ng mga magulang pero nakokonsensya pa rin siya at gusto niyang bumawi sa lahat ng pighati na naranasan nito. She somehow feel responsible for what happened to them. Kanina bago umalis si Amanda patungong salon na pinagtatrabahuan ay tinanong niya kung bakit siya nito kinupkop gayong

