63

1011 Words

Dahan-dahan na iminulat ni Lesley ang mga mata nang magising sa haplos ng isang kamay sa pisngi niya. "Wake up. We're here." Ang nakangiting mukha ni Kieran ang sumalubong sa kaniyang paningin. Napaigtad siya at inilibot ang tingin sa paligid. Kabababa lang ni Iston at Dan sa sasakyan na sumulyap sandali sa kaniya at ngumiti din. Inihilamos niya ang palad sa mukha upang mas lalong magising ang diwa. "So-sorry... Medyo napuyat kasi ako," aniya sa inaantok pang boses. Ang huli niyang naaalala ay ang pag-alok ng binata sa balikat nito para patungan ng ulo niya. Hindi niya namalayang nakatulog na pala siya. "It's fine. Come on. They're waiting." Mabilis na inayos niya ang sarili tapos ay sabay silang bumaba ng sasakyan. Bumungad sa kanila ang isang dosenang mga armadong lalaki at babae.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD