Lesley glanced at Kieran who barely ate his food. Mukhang wala rin itong gana katulad niya. "Thank you," basag niya sa katahimikan. "Nahihiya lang talaga ako magsabi na nasusuka na ako. Ayoko kasing maging pabigat." Sumulyap ito sa kaniya. "You're not a liability." "Sa tingin mo?" "Yeah," tipid nitong sagot tapos ay uminom ng tubig. "Okay. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para mas makatulong pa." Hindi ito sumagot na muling pinakatitigan ang mukha niya. "Napapansin ko kanina ka pa tumitingin sa'kin. May gusto ka bang sabihin?" "Pero ikaw naman ang nauna," he rebutted. "Do you want to say something to me?" Natigilan siya. Kinagat niya ang ibabang labi para umipon ng sapat na lakas ng loob at itanong ang kanina pang gumugulo sa isipan niya. "Uhm, Kieran, gusto mo na bang makipag

