16

1339 Words

Lalo siyang nataranta sa sinabi nito. Lockdown? Hindi siya makapaniwalang ganoon na kalala ang sitwasyon. "Please po kahit kaunting impormasyon lang. Gusto ko lang malaman kung okay si V-03. Sobrang nag-a-alala ako sa kan'ya." Hindi siya nito sinagot pero hindi siya tumigil sa pagtanong. "Ayos lang po ba s'ya? Bakit po may lockdown? Ako po kasi yung naka-assign na janitress sa ward na 'yan kaya curious po ako." Natigil ito sa paghila sa kaniya at dumako ang mga mata nito sa ID niya tapos ay namimilog ang mga mata nitong napatingin sa mukha niya. "Ikaw ba iyong Lesley na bantay ni V-03?" Mabilis siyang tumango. "Opo." Kung kanina ay hinihila siya nito palayo ngayon naman ay halos kaladkarin na siya nito papunta sa ward ng alaga niya. "She's here! She's here!" sigaw ng babaeng hu

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD