Halos kainin na ng lupa si Lesley sa sobrang hiyang nararamdaman habang nakayuko at kagat ang mga labing nakaupo sa sofa ng opisina ni Dr. Shane. Dito siya pinadiretso ni Mrs. Dapit matapos nitong putolin ang eksena nila ni Bangs kanina. Binigyan rin siya nito ng bagong uniporme dahil nagmantsa ang mga dugo mula sa kamay ni Bangs ng yakapin siya nito at buhatin. Naaalala pa niya ang mukha ng lahat ng naroon na halos malaglag na ang mga panga at lumuwa ang mga mata sa nasaksihang mainit na halikan nila ng binata. Siguradong mas lalo siyang magiging sikat sa ospital na ito. Gusto niyang sabunotan ang sarili. Bakit ginawa ni Bangs iyon? Tapos hinayaan naman niya! First kiss pa man din niya iyon! Gusto niyang magpapadyak at umiyak sa sobrang inis. "Do you want coffee?" anang doktor na kapap

