"Mang Ernesto!" sigaw niya tapos ay mabilis niyang tinakbo ang matanda na umuubo ng dugo sa sahig. "Ayos lang po ba kayo?!" Walang paglagyan ang gulat, takot at pagtataka sa isip niya. How can a weak and old woman do something that strong? How is that even possible? And why? Asawa niya ito hindi ba? Mabilis siyang lumuhod sa harapan ni Ernesto at maingat na humawak sa balikat nito. Aalalayan sana niya itong umupo ngunit hindi kaya ng katawan nito. Hindi rin niya makontrol ang panginginig ng kamay niya nang makita ang maraming dugo na lumabas sa bibig nito. Mariin siyang napakagat sa labi. "T-tatawag ho ako ng tulong! Huwag po kayong masyadong gumalaw!" natataranta niyang saad tapos ay liningon niya ang may kagagawan nito. Nang tignan niya si Rosana, tila naging bato siyang natulala rit

