60

1075 Words

"Ilagay n'yo na yung mga gamit n'yo sa kotse. Ilang minuto na lang aalis na tayo," ani Dan kina Lesley at Kieran na katatapos lang ihanda ang mga inimpakeng gamit. Alam na ng MNA ang lokasyon ng 7th hideout kaya hindi na ito ligtas pagkutaan. Lahat sila ay lilikas sa Main hideout kung nasaan ang utak sa likod ng Crimson Clan. Kieran's older sister, Catharina Kingsley. "Ready na kami. Wala naman kami masyadong gamit. Mga damit lang 'to," sagot ni Lesley kay Dan na nakatayo sa pinto. "Sige, hihintayin ko na lang kayo do'n." "Ikaw ba ang magdi-drive sa'min Kuya Dan?" "Oo. Apat tayo sa loob. Kasabay natin si Iston." "Pero, magaling na ba yung mga injuries mo?" Ngumiti ito. "H'wag kang mag-alala sa'kin. Ayos lang ako. Magaling na doktor si Iston at mabilis din maghilom ang mga sugat ko."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD