"Guys! Sama raw si Lesley!" "Ha?! Wala akong sina—" "Wala akong pakialam basta kumain na tayo. Nagugutom na ako!" singhal ng masungit na lalaki kay Rio tapos ay nagpatuloy na sa paglakad. "O, pwede ka na raw sumama." Gusto niyang bawiin ang kamay mula sa mahigpit nitong pagkakakapit at sigawan dahil hindi niya nagustuhan ang ginawa nito. Ngunit tila wala siyang lakas para magalit. Nanlalata siya at wala siyang gana. "Okay..." ang tanging nasabi niya. Tahimik siyang sumunod sa tatlo habang si Rio ay walang tigil ang kasasalita at kakukuwento ng kung anu-anong bagay tungkol sa kuta nila at sa mga mutants dito. She just nodded and agreed to everything he said until they reached their destination. Napatigil siya sa paghakbang at manghang-mangha na nilibot ang tingin sa paligid. Isang ma

