74

1371 Words

Maraming beses na huminga ng malalim si Lesley pagkarating nila ni Catharina sa munti nitong hardin sa itaas ng kuta. Lumabas sila upang lumanghap ng sariwang hangin para sa ganoon ay mahimasmasan siya at kahit papaano ay gumaan ang loob mula sa lahat ng natuklasan niya ngayong araw. Inikot nila ang hardin habang ibinibida ni Catharina ang ilang halamang pinaghirapan nitong palakihin at pabulaklakin. Salamat dito nalibang siya kahit kaunti. Matapos nilang malibot ang hardin ay may lumapit na isang babae at may ibinulong kay Catharina. Kutis porselana ang magandang babae at may kasingkitan. Mukhang hindi nagkakalayo ang edad nito sa kaniya at higit sa lahat nararamdaman niyang hindi ito mutant. Ito ang unang beses na may nakita siyang tao sa dalawang hideout ng Crimson Clan na napuntahan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD