Matapos kumain ni Lesley kasama si Mrs. Dapit sa Luxies Plate ay hinatid na siya nito pabalik sa MNA. Dito na lang muna siya sa ospital magpapalipas ng oras hanggang mag-umpisa ang trabaho niya mamayang gabi. She checked her cellphone and saw dozens of missed calls and texts from Patrick. Hindi na siya nasorpresa. Kilala niya ang ugali nito at alam niyang hindi ito agad susuko kaya napabuntong hininga na lang siya. Kailangan na muna niyang lumayo rito. Sinilip niya ang kaniyang pitaka at napangiti nang makitang may sapat siyang pera para mamalagi muna sa hotel ng ilang araw. For what it's worth, MNA pays their employees well. Buti na lang kakasahod lang niya at malaki ang naitabi niyang pera para sa sarili. Naglakad-lakad muna siya sa palibot ng MNA para hindi maburyo. Hindi naman nabig

