"Welcome to Luxies Plate!" bati ng lalaking naka-tuxedo nang malapit na sila sa entrada. Linagpasan lang ni Mrs. Dapit ang lalaki na kaniya namang nginitian. Pagkapasok ay lalong nanlaki ang mga mata niya sa eleganteng mga upuan at lamesa. Nang tumingala siya ay nasilayan niya ang napakagagandang mga chandelier. Halatang mayayaman lang ang nakakakain dito dahil pormal ang suot ng lahat na nasa loob mapa-customer man o waiter. Napatingin siya sa suot niyang asul na polo, puting pantalon at puting sneakers. She felt out of place all of a sudden. Mukha siyang taga-hugas ng pinggan rito. Bakit ba kasi siya sumama sa masungit niyang bisor? May lumapit sa kanilang lalaki na may pulang ribbon sa leeg at nakaputing long sleeves. Binati sila nito saka nakangiting iginiya sila sa isang lamesa ta

