Umupo siya saka hinablot ang kumot at nagtakip ng katawan. "So-sorry..." nakayuko niyang sabi na halos mangiyak-ngiyak na. Nahihiya siyang hindi makatingin ng diretso rito dahil sa nangyari. "I can't believe this!" galit nitong sabi habang iniiling ang ulo tapos ay pinulot ang mga damit at mabilis na nagbihis. "K-kieran, I-I'm sorry!" muli niyang paghingi ng tawad sa nanginginig na boses. "Yeah, I'm sorry too!" sarkasmo nito saka nagmartsa palabas ng kwarto na hindi tumitingin sa kaniya. Mariin niyang kinagat ang ibabang labi at nagtaklob ng kumot hanggang ulo. Kumuyom din ang mga palad niya at nangingilid na ang mga luha nang mapagtanto kung ano ang nagpapabigat sa pakiramdam niya. Kung bakit hindi siya lubusang masaya sa kabila ng lahat ng magandang nangyari ngayong araw. Hindi niy

