Samantala..
Naaya si Roswald ng bespren niyang si Lex na maglibot sa isang mall sa Cainta. Sa Sta. Lucia Grand East mall. Naalala niyang nabanggit sa kanya ni MJ kahapon na may kapatid itong nakaassign sa isang mall naman sa Antipolo. Isang sakay lang mula sa lugar na iyon. Kapareho daw nito ang trabaho ng kapatid. Sales lady sa perfume store. Nacurious siya sa itsura ng kapatid nito. Kung maganda din ba at matangkad kagaya ni MJ. Baka pwede din niyang maging kaibigan kung sakaling maging close sila nito. Naisipan niyang ayain si Lex na Antipolo. Naikwento na niya dito ang tungkol kay MJ at kapareho niya may pagusyosero din ito. Curious din sa kapatid ng babaeng kahapon pa tumatakbo sa isip niya nang walang puknat.
Nakarating sila sa naturang mall sa Antipolo. Kakabukas lang niyon nitong taon kaya hindi pa masyadong dumugin ng tao. Wala pa din masyadong bukas na establishments sa loob mismo ng mall. Maliit lang ito kung tutuusin.
Agad naman nilang nakita ang pakay. Ang kapatid ni MJ. Pano niya nalamang yun nga ang kapatid ng babae? Well, they looked like each others photocopy.. They resemble each other. Almost. Matangkad din ito, maputi, mahaba ang buhok at slim na slim din. Pero para sa kanya mas may dating pa din si MJ. Kahit nakasimpleng white t-shirt lang ito kahapon at nakauniform naman ang kapatid nito.
Nagulat na lang siya ng nawala si Lex sa tabi niya. Paglinga niya, nasa harap na mismo ito ng kapatid ni MJ. Loko talaga!
Lumapit na din siya at nagkunwang customer na tumitingin ng pabango habang walang tigil sa pangungulit ang kaibigan sa babae. Nagtatanong ng direksyon kung saan ang pwedeng kainan maliban sa Jollibee na malapit sa entrance ng mall. Nabistahan niya ng malapitan ang babae. At kumbinsido na siya. Lamang nga ng bahagya si MJ. Mga tatlong paligo. Hindi naman nagtagal at nag-aya na din si Lex na sila'y kumain at nagugutom na daw ito.
"P're ang ganda ng kapatid. Ligawan mo na agad! Baka maunahan ka pa!" Pagtalikod nila ay anito sa kanya.
"Hindi p're eh.. Mas maganda si MJ. Simple lang. Mas may dating para sakin. " sagot niya.
"Naku. Kahit sino sa dalawa. Ligawan mo na agad. Pakilala ka muna. Di ka naman sure kung sasagutin ka din. Matu-turn off pa sayo yun katagalan! " biro nito.
"Kaibigan ba talaga kita? Haha.. " ingos niya sa kaibigan.
Naglibot lang sila at nanuod ng cine. Nag-aya na din agad pauwi si Lex dahil wala daw kasama sa bahay ang mama nito. Ganun din naman siya. Ang mama lang niya at pinsan na isang taon palang at pinapaalaga ng tiyahin niyang nasa abroad ang tanging kasama niya sa bahay.
Nakauwi siya ng maayos sa bahay. Alas syete palang ng gabi.
Nagtipa siya ng mensahe. Sinend niya kay Kharlyn. Nangungumusta lang naman siya. Pero ang totoo gusto niya malaman ano pa ang sinabi ni MJ tungkol sa kanya kahapon. Kung meron man. Medyo nagsisisi siya na di niya kinuha ang numero ng phone ni MJ. Pero mabuti na din dahil ayaw naman niyang lumabas na presko dito. Saka di rin siya siguradong bibigay nito ang numero sa kanya. Baka masopla pa siya.
Matagal bago nagreply ang kaibigan.
Naikwento niya dito ang ginawa nilang pagpunta sa Antipolo ni Lex. Hindi magkakilala ng personal si Lex at Kharlyn, pero may idea naman ito ukol sa bespren niya. Alam nito ang mga kalokohan nila pag magkasama. Tawa ito ng tawa ng malaman na sinadya pa talaga nila ang kapatid ni MJ sa Antipolo para lang bistahan kung sino ang mas maganda. At masatisfy ang kuryosidad nilang magkaibigan.
"O, eh ano nangyari? Satisfied ka naman nga ba sa nadatnan mo dun? Sino nga ba mas maganda sa magkapatid? "-Kharlyn
"Ha ha! Aminado kong nacurious din ako talaga. Mas maganda pala si MJ. Iba siya. May kakaiba sa kanya eh."- Roswald.
"Luh? Anong kakaiba? Ginawa mo pa atang engkanto yung kaibigan ko? Haha"-Kharlyn
"She's different from other women na pinakilala mo sakin. Innocent looking. She looks smart too. Tahimik lang sa isang tabi pero intimidating. Parang behind those silent gaze and simple smiles may tinatagong pamatay na kaalaman.. Profound and strikingly beautiful.."- Roswald
Maging siya ay nagulat sa mga sinasabi niya sa text kay Kharlyn. As if he knows her that much. Parang wala pang 24 oras na magkakilala sila ng dalaga. Pero sincere siya sa mga sinabi. Hindi niya yun sinabi para lang mambola. Hindi para lang iparating nito sa dalaga ang sinasabi niya o para ilakad siya nito kay MJ. Ganun lang talaga ang tingin niya dito. Base sa first impression.
Natapos ang conversation nila ni Kharlyn na sobrang positive ng feedback niya tungkol kay MJ. Subalit wala naman itong masyadong comment tungkol sa kanya. Ang sabi lang daw kay Kharlyn ay mukha namang "okay lang siya". Ang tipid ng reviews sa kanya. Pero hindi naman kasi aware ang dalaga na nirereto na nga ito ng kaibigan sa kanya. At hindi din ito aware na inaalam niya kung ano ang sinabi nito. At least hindi nito sinabing panget siya o kung anuman na masama kay Kharlyn. Though affected din siya ng konti sa sinabi ni Lex na baka maturnoff pa ang dalaga sa kanya once nagkakilala pa sila at mas lumalim ang samahan. Napakunot noo siya sa naisip. He'd be grateful kung maging smooth sailing ang future instances na pwede nilang pagsamahan ni MJ. Kung hindi man sila maging magkarelasyon na gaya ng plano ni Kharlyn kaya binubuliglig siyang kilalanin pa ang dalaga eh baka kahit papano eh maging close friends sila sa hinaharap. Ok na siguro yung ganun munang thinking, aniya.
Lumipas ang Sabado at Linggo. Lunes na naman. Gustong hilahin ni Roswald ang mga araw dahil naipangako ni Kharlyn na gagawan nito ng paraan na magkita ulit sila ni MJ sa Biyernes. Pupunta daw kasi umano ito sa SSS at NSO para asikasuhin ang ilang papeles. Nagpapasama daw ito sa dalaga. Walking distance lang ang mga naturang lugar sa opisina niya. Aayain daw nito na dumaan sa kanya si MJ pagkatapos mag-asikaso ng mga papeles. Lunes palang pero excited na siya mag-Biyernes. Mula nung makilala niya ang dalaga apat na araw na ang nakaraan ay lagi na itong laman ng isip niya. At hindi din niya maipaliwanag kung bakit tila may kilig siyang nararamdaman. Nakakabakla kung tutuusin. Lakas makateenager. Eh trenta'y singko anyos na siya. Parang ngayon palang siya nagkacrush sa tanang buhay niya. Kung tutuusin ay nagkagelpren naman din siya for a very long time. Hindi siya tipong papalit-palit ng babae dahil kahit may itsura siya, insecure siya sa height niya. Hindi nga talaga siya katangkaran para sa isang lalaki. His last relationship was 4 years ago. With Jasmine. Pinagpalit siya nito sa ibang lalaki to make the story short. But he has moved on. And then, there's Celestine. Ito ang pinakahuling nakadate niya for a long time. Complicated ang relasyon niya sa babae. Hindi niya matawag na relasyon kung anuman ang meron sila. Nalukot ang mukha niya pagkaalala sa babae. 3 buwan na din mula nung huli silang mag-usap nito. Ni ha, ni ho, wala na naman siyang balita tungkol dito. But he was exclusively dating her back then. Ang minsanang pagrereto sa kanya ni Kharlyn sa mga kaibigang babae nito ay noon pa bago niya makilala si Celestine. Ni isa sa mga yun ay wala naman siyang nagustuhan. First and last meeting lagi ang nangyayari. Until he met Ma. Janella o MJ. Ito lang ang bukod tanging babae na hiniling niyang makita at makasama ulit after ng first meeting.
"Emjiiii!!! Good morning!! " bati sa kanya ni Kharlyn ngayong umaga. Kakapasok lang niya sa trabaho. Alas onse ang bukas ng mall na pinapasukan nila. Kadalasan ay alas diyes y medya ay nasa store na siya para mag-ayos ng display. Gaya ngayon. Maaga siyang pumasok.
"Hi, ate. Good morning din!" bati niya dito. "Ikaw lang? Wala kang kasamang "witch" ngayon? " tanong niya dito. Tinutukoy niya ang superbisor nitong ubod ng sama ng ugali. Animo mangkukulam. Kaya binansagan nila itong "witch".
"Haha wala. Mamaya pa yung mangkukulam. Closing. May inaayos sa City hall." sagot nito.
Mabilisan silang nagsipag-ayos ng kanya-kanyang display. Maya-maya lang kasi ay magdadatingan na ang mga tao. Lalo na ang mga seniors. May paballroom kasi ang admin tuwing Lunes at Martes para sa mga ito. Ganun din ang cine. Libreng napapanuod ng matatanda ang anumang naisin nito na pelikula. Kaya dagsa ang mga ito sa mga ganoong araw. Nakakapagod magentertain sa kanila dahil kadalasan ay mas sutil pa sila sa mga bata. Pero nakakatuwa din naman pagmasdan lalo na kapag umiindak na ang mga ito sa saliw ng tugtugin. Sobrang enjoy ang mga ito. Napapanuod nila ang ballroom dancing lagi dahil nasa harap ng store nila ang activity center.
Malaya silang nakapagkwentuhan ni Kharlyn dahil wala nga ang kasama nitong bruha. Wala din siyang kasama dahil day off ng partner niyang si Lenie. Nabanggit nito na kinukumusta siya ni Roswald. Sinabi daw nito na gusto pa siya makilala mabuti at maging kaibigan. May dagdag pang bola na sabi daw nito na, "She's different from other women na pinakilala mo sakin. Innocent looking. She looks smart too. Tahimik lang sa isang tabi pero intimidating. Parang behind those silent gaze and simple smiles may tinatagong pamatay na kaalaman.. Profound and strikingly beautiful.."
Hindi naman siya naniniwala na masasabi ng lalaki iyon tungkol sa kanya. Malamang na dinagdag lang yun ni Kharlyn para tingnan ang magiging reaksyon niya. Kung kikiligin ba siya o ano? Eh sadyang "dead skin" siya. Patay malisya kumbaga. Ayaw niya haluan ng malisya ang anumang sabihin nito. Ayaw na niya mag-assume. Nagawa na niya yun dati. At sobrang lumagapak siya. Ayaw na niya ulitin.
Nagpapasama ito sa kanya sa SSS sa Biyernes. Madami pa naman siya rest day para sa naturang buwan kaya pinaunlakan niya ito. Gusto din naman niya icheck sa SSS mismo kung magkano na contributions niya.
Nabanggit nitong malapit lang doon ang opisina ni Roswald. Kung ayos lang daw ba na dumaan sila sa opisina nito matapos sa SSS. Pumayag naman siya at nagpatianod. Ayaw naman niya hayagang tumanggi. Ayaw na ayaw niyang nagpapaimportante pa. Wala naman masama kung sasamahan niya ito dun. Sasamahan lang naman niya. Saglit lang. Uuwi din sila pagkatapos. It's not like they are going to spend their entire lives there.