bc

The Love I Never Saw Coming: I Love You, Goodbye

book_age18+
39
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
HE
drama
detective
office/work place
addiction
like
intro-logo
Blurb

May mga taong matagal mong hinihintay bago dumating sa buhay mo.

At may mga taong sana hindi mo na lang nakilala dahil sa sakit na iiwan nila.

Sa edad na dalawampu't lima, tanggap na ni Maria Janella "MJ" De Jesus na baka hindi para sa kanya ang mga love story na nababasa niya sa mga nobela. Oo, nagkaroon siya ng boyfriend noon. Nagkaroon din ng mga lalaking dumaan sa buhay niya. Pero wala ni isa sa kanila ang nagpatibok ng puso niya sa paraang matagal na niyang pinapangarap.

Hanggang sa makilala niya si Roswald Aguirre.

Sa unang tingin pa lang, alam niyang may kakaiba rito. Hindi lang dahil gwapo ito o dahil may taglay itong natural na karisma. Kundi dahil sa tuwing magkausap sila, pakiramdam niya ay may taong sa wakas na nakakaintindi sa kanya.

Unti-unti, nahulog ang loob niya.

At sa unang pagkakataon, naniwala siyang baka ito na nga ang lalaking hinihintay niya sa loob ng maraming taon.

Ngunit hindi lahat ng magagandang simula ay humahantong sa masayang wakas.

Dahil habang buong puso siyang nagmamahal, may isa pang babaeng lihim na bahagi ng buhay ni Roswald.

Si Celestine.

Ang babaeng hindi niya alam na matagal nang naroon bago pa siya dumating.

Ang babaeng ayaw bumitaw.

At ang babaeng may asawa na.

Sa isang iglap, gumuho ang mundong maingat niyang binuo. Ang lalaking akala niyang magiging tahanan niya ay siya palang magiging dahilan ng pinakamalaking pagdurusa ng kanyang puso.

Pero hanggang kailan kayang mahalin ng isang babae ang taong paulit-ulit siyang sinasaktan?

At kapag dumating ang araw na kailangan niyang mamili sa pagitan ng pagmamahal at respeto sa sarili, alin ang mas pipiliin niya?

Isang kuwento ng pag-ibig na dumating nang hindi inaasahan, mga lihim na hindi dapat natuklasan, at isang babaeng matututong piliin ang sarili kahit masakit.

Dahil minsan, hindi sapat ang pagmamahal para manatili.

At minsan, ang pinakamahirap sabihin sa taong pinakamamahal mo ay...

**"Mahal kita... pero kailangan na kitang bitawan."**

chap-preview
Free preview
I. Ang Pagkikita
April 2, 2015 Tunog ng cellphone ang gumising kay Ma. Janella de Jesus, o MJ sa mga mas nakakakilala sa kanya. Nakapikit ang isang mata, inaantok pa rin, hinagilap niya ang cellphone sa tabi ng unan para tingnan kung sino ang nag-text—at kung ano na namang kailangan ng kung sino, gayong Huwebes Santo at plano niya lang sana ay humilata buong maghapon sa kama. Wala sa isip ang pagkain, kahit kumakalam na ang sikmura niya na kahapon pa huling nalamnan. “Emjiiiiiii!!!!!! Anong oras ka pupunta sa bahay? Pwede after lunch na lang? Ang gulo kasi ng bahay, ang kalat ng mga bata. Hindi pa ako nakapaglinis. Saka after lunch din daw darating yung iba.” —Kharlyn Napatapik si MJ sa noo. Oo nga pala. Pupunta nga pala siya sa bahay ng kaibigan niyang si Kharlyn. Si Kharlyn ay isa sa mga piling malalapit niyang kaibigan. Nakilala niya ito sa pinagtatrabahuhan niyang mall—sa Fairview Terraces, Ayala Mall, kung saan magkatabi lang ang mga store na binabantayan nila. Noong una, naiilang pa siya rito. Natural naman sa kanya iyon, lalo na at mas matanda si Kharlyn sa kanya ng ilang taon. Akala niya nga hindi sila magkakasundo. Pero habang tumatagal, hindi niya namalayan na naging sobrang close na pala sila—yung tipong halos alam na nila ang bawat galaw at ganap ng isa’t isa, kahit magkasama man o hindi. At dahil doon, naging sobrang “concerned citizen” si Kharlyn sa buhay pag-ibig niya—o mas tamang sabihing kawalan nito. Alam naman nito ang dahilan kung bakit hanggang ngayon, sa edad na 25, tila running joke na ang pagiging “old maid” niya. Nasa healing phase pa kasi siya. Moving on. Galing siya sa isang masakit na love affair—kung matatawag man iyong affair—gayong hindi naman sila naging officially “sila” ng lalaking dahilan kung bakit siya hanggang ngayon ay unti-unti pa ring bumabangon mag-isa. Iyon din ang dahilan kung bakit palagi siyang binubuliglig ng mga kaibigan niya na maghanap na ng iba, mag-try ulit, at buksan ang sarili sa panibagong pag-ibig. Lalo na si Kharlyn. Ang kulit nito. Paulit-ulit siyang iniimbitahan, pilit siyang ipinapakilala sa mga kaibigan nito—mapa-lalaki man o babae—para lang daw lumawak ang mundo niya. Noong una, absurd para sa kanya ang ideya. Hindi naman siya desperada. Para sa kanya, 25 is still young. Walang dapat ipagmadali. Baka masaktan lang siya ulit kung pipilitin. Pero para sa mga kaibigan niya, tila ba na-stuck na siya sa nakaraan. Wala nang nagawa si MJ sa kakakulit ng mga ito. Hanggang sa mapapayag siya ni Kharlyn—isang simpleng get-together kasama ang mga kaibigan nito, para lang daw “lumabas siya sa lungga” at magkaroon ng bagong circle. Wala naman daw mawawala. Win-win situation. Kaya pumayag siya. At ngayong Maundy Thursday, gaganapin ang get-together sa bahay ni Kharlyn sa Fairlane, Quezon City. Na… nakalimutan niya. Na nawala na naman sa isip niyang puro trabaho at bitterness ang laman. Naghikab si MJ habang dahan-dahang bumangon. Kailangan na niyang kumain, desisyon niya sa sarili. At sa simpleng pag-iisip pa lang ng pagkain, lalo pang nagreklamo ang sikmura niya. Dumiretso siya sa maliit na kusina ng inuupahang bahay niya. Tiningnan kung ano ang puwede niyang almusalin. Agad siyang napasimangot. Instant noodles. Puro instant noodles na naman ang laman ng cupboard. “Haist, noodles na naman?! I guess ikaw lang talaga ang natitirang loyal sa buhay ko.” Kausap niya ang hawak na noodles, akala mo sasagot ito sa kanya. Napangiti siya sa sarili niyang hugot line. Nakakangiti na siya ngayon. Good thing. Kahit papaano, nakakabawi siya sa bigat na dala niya nitong mga nakaraang buwan. Nasaktan din siya nang husto sa huling “affair”—kung matatawag man iyong ganoon, gayong hindi naman sila naging opisyal. Ipinilig niya ang ulo, parang sa simpleng galaw na iyon ay mabubura ang mga alaala ng masakit na bahagi ng buhay niya ilang buwan na ang nakaraan. Niluto niya ang noodles at nagpakulo rin ng tubig para makapagtimpla ng gatas. Oo, gatas. Sa edad niyang beinte-singko, para pa rin siyang batang hindi makatulog nang walang iniinom na mainit na gatas. Sa baso niya iniinom, hindi na nakatsupon—iyon lang ang pagkakaiba. Hindi siya pinapatulog ng kape, kaya wala siyang choice. Gatas ang kanyang pampakalma. Kinuha niya ang cellphone at binuksan ang f*******:. Wala naman siyang partikular na fina-follow—random posts lang ang bumabaha sa newsfeed niya. Napangiwi siya nang makita ang post ng isang dating kaklase—sobrang proud sa “English skills” nito, pero halatang mali-mali ang grammar at misspelled pa ang karamihan ng salita. Halos puro yabang ang laman ng posts—travel, bagong gadgets, at bagong sasakyan. Kung hindi lang niya alam ang totoong kwento, aakalain mong ganoon kaganda ang buhay nito. Lugmok pala sa utang, ayon sa mga chismis. At ang “success” daw nito? Isang matandang Hapon na kinabitan niya. May pa-retoke pa ng ilong na dati raw ay parang “runway ng eroplano” sa sobrang flat. Muntik na siyang mag-comment. “b***h is my life” Kasabay ng mga larawang halos labas na ang kaluluwa sa bikini habang nasa beach. Pero napahinto siya. Sa halip, inunfollow na lang niya ang profile nito. Ayaw niya ng dagdag ingay sa magulo niyang isip. Baka makita pa siya ng gulo—ayaw na niyang dagdagan pa ang gulo ng buhay niya. “Click.” Tumunog ang heater. Kumulo na ang tubig. Sa wakas. Makakapag-almusal na rin siya. Hindi kumpleto ang umaga niya kapag walang gatas. Pakiramdam niya agad siyang nanlalata kapag wala iyon. Sumimsim siya at sabay kinain ang noodles na niluto niya. Paulit-ulit na pagkain, pero parang hindi pa rin siya nagsasawa. Buhay single. Ganon talaga. Tamad magluto ng totoong pagkain dahil mag-isa lang siyang nakatira sa maliit na inuupahang bahay sa Quezon City. Nasa Bulacan ang pamilya niya—ang parents niya at ang dalawang nakababatang kapatid niyang lalaki. May dalawang kapatid din siyang babae na mas nakatatanda sa kanya. Yung isa, maagang nag-asawa at naninirahan din sa Bulacan kasama ang asawa at anak nilang lalaki, ilang barangay lang ang layo sa magulang nila. Yung isa naman, dalaga rin tulad niya, nasa Antipolo dahil sa trabaho. Sa kakaisip niya sa pamilya at sa kakabrowse sa f*******:, hindi niya namalayan ang oras. Pasado ala-una na. Napangiwi siya ulit. Isa na naman iyong habit—kapag magulo ang pakiramdam niya, napapangiwi siya na parang doon niya nailalabas ang lahat. Hindi pa rin siya sigurado kung tama ba ang desisyong pumunta sa get-together sa bahay ni Kharlyn. Tumayo siya at iniligpit ang pinagkainan na kanina pa nakatambak sa lababo habang siya’y nakalugmok sa social media. No choice siya. Kailangan niyang pumunta. Hindi niya gustong magtampo si Kharlyn—at mas lalong ayaw niyang dagdagan pa ang taong kailangan niyang i-please sa buhay niya. Dinampot niya ang cellphone at nagtipa ng mensahe para sa kaibigan. “Ok po, see you later Ate Kharlyn. Sensiya late reply. Maliligo lang po ako at gora-bells na ko sa mansion mo…” Nakangiting biro niya habang pinipindot ang send button. Ibinaba niya ang cellphone at tumayo na. Pumunta siya sa kwarto at naglabas ng susuotin para mamaya. Kinuha ang nakasabit na tuwalya sa hanger at dumiretso sa banyo. Yes, she decided to go with the flow. Pupunta talaga siya sa bahay ni Kharlyn later. Alas tres ng hapon. “Hello ’te?! Nasa FCM na ko, ano nga ulit yung sasakyan kong tricycle papunta sa mansion mo?” pabirong tanong niya habang nasa kabilang linya si Kharlyn. “Jaguar St., Daang Malibu. Sabihin mo sa driver. Abangan kita sa gate, gaga ka. Maka-mansion ka naman—tunog yayamanin naman ako ’dun!” ganting biro nito. Napangiti si MJ habang sinunod ang direksyon. Nagsi-text siya habang nasa biyahe, pero mukhang wala na namang signal ang phone ni Kharlyn dahil delayed ang replies. Luminga siya sa paligid. Hindi niya kabisado ang lugar. At kung tutuusin, wala rin siyang tiwala sa itsura ng driver ng tricycle—mukha kasing ‘di papahuli ng buhay kung sakali. Napailing siya sa sariling naisip. “Miss, nasa dulo na tayo,” sabi ng driver sabay hinto. Tumingin siya sa paligid. Nakita niya ang street sign—Jaguar St. Tumango siya, medyo napanatag. “Kung dulo na ito, malamang nalampasan ko si Ate Kharlyn,” bulong niya. “Manong, pakibalik po sa pinanggalingan natin.” Umaasa siyang nasa labas na ng gate si Kharlyn at saktong makikita niya ito pagbalik nila. Hindi siya nagkamali. Ilang minuto lang ay nakita niya ang kaibigan niyang nakaabang sa labas ng isang gate—malamang ay bahay nito. “Manong, pakihinto po sa tapat nung babaeng nakaputi.” Huminto ang tricycle. Binayaran niya ang trenta pesos. At bago pa siya bumaba, napansin pa niyang kumindat ang driver sa kanya bago umalis. Napailing si Kharlyn nang makita ito. “Gaga si manong, manyakis! May pakindat-kindat pang nalalaman. Magkano siningil sa’yo?” “Trenta ’te. Naligaw ako ng konti, nalampasan ko pa,” sagot niya sabay kamot ng ulo. “Tamo, overpricing pa siya. Disi-sais lang ’yan kahit magbalikan ka pa,” reklamo nito. “Hayaan mo na ’te. Ang importante, nakarating ako sa’yo ng maayos.” “Hay naku, ikaw talaga. Pinaandar mo na naman yang pagiging rich kid mo. Halika na sa loob, mainit dito.” Tama nga si Kharlyn—mainit. Pagpasok pa lang sa loob ng bahay, ramdam niya agad ang init ng panahon. Naninikit sa likod niya ang puting T-shirt dahil sa pawis, kahit nakatutok pa sa kanya ang electric fan. Buti na lang at hindi siya nag-make up. Pulbo at lip gloss lang. Kasi kung hindi, sa init ng Semana Santa, malamang humulas na ang buong “ganda” niya bago pa man magsimula ang araw. Ilang minuto siyang nakaupo sa sala nang mapansin niya ang isang bagay. Tahimik. Masyadong tahimik. Kung get-together ito, nasaan ang ibang bisita? Nandito lang siya, si Kharlyn, at ang dalawang anak nitong sina NC at Eli na abala sa gilid ng sala. Kunot-noo siyang napatingin sa kaibigan. At bago pa siya makapagtanong, parang nabasa na agad ni Kharlyn ang iniisip niya. “Naku, nagsipag-cancel ang mga friends ko. Si Elaine at Roswald na lang ang pupunta, pero baka mamaya pa ’yon.” Napabuntong-hininga na lang si MJ. Hindi naman siya sobrang excited makipag-socialize. Okay lang din sa kanya kahit si Kharlyn lang at ang mga anak nito ang kasama niya. Nanuod na lang siya ng TV habang naghahain si Kharlyn ng merienda sa coffee table—biscuits at soft drinks. Normal. Kalmado. Walang kahit anong senyales na may magbabago sa araw na iyon. Hanggang sa— DING DONG. Sabay sabay na napatingin sila sa pinto. At sa sandaling iyon, hindi pa niya alam… na ang simpleng pagbisita niyang iyon ay hindi na magiging kasing-simple ng inaakala niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Hidden Heiress of Daemon Delavega Jr.

read
105.5K
bc

My Dangerous Ninong Mafia Boss

read
53.0K
bc

After Divorce: The Secret Wife Became The Zillionaires’ Princess

read
49.9K
bc

The Forgotten Wife

read
43.9K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
324.8K
bc

Deeper, Ninong Isidro

read
31.5K
bc

Built to break you, meant to love you-SPG

read
22.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook