Chase me, love, chase me

1174 Words
Di makapaniwalang napailing na lang si Roswald. "Tsk.. Sorry, di ko alam na allergic ka. Kharlyn should have told me earlier. " apologetic na anang binata. "That's okay... Di ko din lang sinabi. Di naman isyu sakin yun. Madami naman ibang foods." pagdidismiss niya dito. Inabutan sila ni Kharlyn sa ganoong sitwasyon. "Okay lang kayo dyan? May problema ba? "tanong nito. Nagkatinginan na lang si MJ at si Roswald. Nagkibit-balikat ang dalaga saka alanganing ngumiti. "Allergic pala si MJ sa chicken. I apologized to her. Di ko naman alam. You guys, didn't mention about it. Muntik ko na tuloy ipakain sa kanya yung kalahati ng isang buong litson manok. " eksaheradong litanya ng binata. "Ay, yaikss.. Nakalimutan ko din. Sorry MJ. Nawala sa isip ko. Sorry talaga" napakamot sa ulong ani Kharlyn. "Hala. Ano ba yan haha.. Tawa ni MJ. It's ok ate. Di nyo naman sadya. Saka wag natin sayangin ang oras natin sa pagsorry sorry na yan. It's no big deal. Really. " Napanatag naman si Kharlyn. Ganon din si Roswald. Lumipas ang mga oras na nakikiramdam si MJ. Wala naman na silang masyadong napag-usapan ni Roswald. Nakatapos silang kumain at nasa sala. Nanunuod ng show ni Sharon Cuneta at Jay Manalo. Mukhang pinapalabas lahat ng replays nun dahil kanina pang pagdating niya yun na ang palabas. Nahihiya naman siya magsabi na ilipat ang channel. Naisip niya, wala naman din ibang magandang palabas sa t.v. kapag holy week. Pinagtyagaan na lang niya ang palabas. Maya't-maya din ang pagscroll niya sa f*******:. Tahimik lang din na nakaupo si Roswald sa sala. Engrossed sa panunuod ng t.v. at pagnguya ng chips. Di siya tinatapunan ng pansin. Napaingos na naman siya sa isip. "How dare he snub me. Panget ba ko? Wala na ba talaga kong charm? Grabe ah.. Nasan na ba si ate Kharlyn at iniwan ako sa hinayupak na supladong gorilya na ito." luminga siya sa bandang labasan. Medyo matagal tagal na din kasi ng iwan sila ng babae. At, yes, alam niya ang ginagawa nitong pagmatch sa kanya kay Roswald ng palihim. Aware siya na kaya sila iniiwan eh para makapag-usap pa sila ng masinsinan. Kahit pa nga sabihing nasa sala din naman ang batang si Ely. "Oh well, palpak ang plano mo ate. Hindi ako pinapansin ng manok mo. Or should I say "kulig" instead. Look at him. Ang chubby na nga eh kain pa ng kain ng chips." ismid niya habang kinakausap ang sarili sa isip. Napangiti na naman siya sa kalokohan. Di yata't masyado siyang bitter sa di pagpansin sa kanya ng lalaki? Kung anu-ano tuloy ang itinatawag niya dito. "Behave, MJ. Behave." paalala niya sa sarili. "Baka mahiyain din lang siya talaga. Or baka di ka lang niya trip kausap. You can't please everyone. Or baka tahimik lang siya talaga. Wag mo siyang pintasan ng pintasan porke "no pansin" sayo. Walang ginagawang masama sayo yung tao. Kakikilala mo palang din sa kanya. Don't be so judgmental." sawata niya sa sarili. Inabutan sila ni Kharlyn na tutok na tutok lang sa t.v. Walang imikan. Nginitian lang niya ito. Pinapwesto ito ni Roswald sa pagitan nila. Nagkwentuhan ang mga ito tungkol sa mga dating kasamahan sa trabaho at kakilala ni Kharlyn kung san doon pa din nagtratrabaho ang lalaki. Panaka-naka siyang napapasali sa usapan kapag may itinatanong ang babae sa kanya. She's getting bored. Wala naman na din siya mabasa sa newsfeed niya. Paulit-ulit na lang. Bahagya siyang napahikab. Sakto sa pagbuka ng bibig niya ang paglingon sa kanya ng lalaki. Medyo napahiyang naitikom niya ang bibig. Dahilan para lumaki ang butas ng kanyang ilong sa pagpigil ng paghikab. Pasimple niyang inayos ang buhok. Kunwaring di affected sa pagkahuli nito sa kanya sa nakakahiyang sitwasyon. Napapikit siya ng kaunti. Kung bakit sa tagal nilang nakaupo halos maghapon sa harap ng t.v. sa paghikab pa siya naaktuhan nito. Napalingon siya sa gawi ng binata. Hindi naman na ito nakatingin sa kanya. Matutuwa ba siya na di siya pinag-uukulan ng pansin o maiinis? "Pasalamat ka na lang at pinalampas niya yung paghikab mo, luwang-luwang pa naman ng bunganga mo girl pag naghihikab! Buti di ka binuska ng mokong." pagsaway niya sa sarili. "Anong oras ka uuwi? " kapagdaka ay tanong ni Roswald sa kanya nang maiwan ulit sila nito sa sala. Nagpaalam na bibili ng yelo sa labas si Kharlyn. Ngalingali niyang irapan ito pero pinigil niya ang sarili. "Diyata't atat na atat itong pauwiin na siya? Bakit? Istorbo lang ba ko sa kanya? What does he plan to do after kong umalis? Mas mageenjoy ba ang lalaki pag iniwan niya ito at si Kharlyn? Pagsolohin niya ba ang dalawa? May hidden agenda ba ang lalaki sa kaibigan niya kaya iniignora ang presensya niya?" Kung anu-ano na ang tumakbo sa isip niyang medyo advance mag-isip. Kung anu-anong ganap na ang nagsalimbayan sa utak niya. Maang na nginitian niya ang binata. "Hindi ko din alam kay ate Khar eh. Siya na lang tanungin mo kung what time niya ko papaalisin." Pigil na pigil niya ang pag-ikot ng mata. Nginitian niya na lang ito ng matamis. Yung kita ang dimple niya. Baka sakaling maakit ng ngiti niya ang mokong at pansinin na siya. Siya naman ang magsusuplada dito pag nangyari yun. Hmmp!! Nag-alok ng merienda sa kanila si Kharlyn ng dumating ito galing sa tindahan. May bitbit na itong yelo at softdrinks. May chips ulit at tinapay. Maginoo naman siyang pinagsilbihan ng binata. Ito na ang naglagay ng yelo sa kanyang baso at nagsalin ng kanyang inumin. "May pagkagentleman naman pala si Koooooyaaaa na tinatago." pagacknowledge niya sa pag-asikaso nito. "Khar, what time siya uuwi? " kaswal na tanong ni Roswald. Nakatingin sa kanya. "Luh. Binabawi ko na! Napaka-ungentleman naman talaga ng hayupak na ito! Di na nakapaghintay na umalis ako ng kusa? Kailangan harapan iparamdam sakin na di niya feel ang presence ko! What the---!! Tsehh!! Di din kita feel!! " tigas ng tili niya sa isip. "Ewan ko kay MJ. Wala naman yan gagawin sa kanila. Magkukulong lang yan sa kwarto. May gagawin ka ba sa bahay, emjii?" biglang kabig naman ng kaibigan sa kanya. "Actually, meron ate." Nag-isip siya ng maidadahilan. Tutal ayaw naman siya makasama ng lalaki. Napakaunwelcoming ng dating sa kanya adeh pagbigyan ang gusto. Uuwi na lang siya agad. "Madami kasi akong nakatambak na labahin. Baka manutong na yung mga damit kong nakatengga sa bahay. " palusot na lang niya. Hindi naman na nagtanong pa ang kaibigan. Nagkibit-balikat na lang. As if saying, "wala naman ako magagawa kung gusto mo na umalis". Maya-maya pa ay nagpaalam na nga siya. Mag-aalas otso y medya na din naman. Wala nga siyang kasama sa bahay. At para sa kanya, kung di lang din naman tungkol sa trabaho. Di niya kailangan magpagabi ng sobra sa daan. Ang ikinagulat niya ay ang pagpapaalam na din ng lalaki sa kaibigan nila. Ang akala niya ay magpapaiwan pa ito. Buo sa isip niya na gusto nitong umalis na siya para masolo ang kaibigan. Wala sa hinagap niya na sasabay pala ito sa kanyang pag-uwi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD