"O, pano ba yan 'wala, ikaw na bahala kay MJ?" habilin ni Kharlyn sa binata. Bago pa man siya makasakay sa tinawag na tricycle. Nagulat pa siya nung sumampa sa likod ng tricycle ang lalaki. "Diyata't sasabay nga sa kanya papuntang sakayan sa FCM ang mokong! "
"Don't worry, Khar. Ako na bahala maghatid sa kanya." nadinig niyang sagot ng lalaki.
"Bye, ate. See you when I see you sa work. " she waved her hands in gesture.
Di naglipat sandali at nasa FCM na sila. Halos sabay lang sila bumaba ng tricycle. Di niya malaman ngayon kung ano ang ikikilos sa harap ng binata. Magpapaalam na ba siya o ano? Aakyat lang siya ng footbridge at mag-aabang ng jeep papuntang Fairview. Pero ano nga ba ang dapat niyang gawin? Bakit kasi nakisabay pa ang lalaki sa kanya?
"Ahm pano? Mauna na ko? " pagbasag niya sa katahimikan.
"Di ka ba nagugutom? Ginutom ako. Konti lang kinain ko kila Khar na merienda. Mag-aalas nueve na din naman. Baka gusto mo kong sabayan magdinner?" anyaya ni Roswald sa kanya.
Tatanggi pa sana siya pero ipinagkanulo siya ng sariling tiyan. Pagkadinig sa salitang gutom, kumalam na ang sikmura niya. Pumayag siya sa alok ng binata. Ayaw din naman niya magpakagutom dahil lang sa pag-iwas na makasama pa ito ng matagal. May mangilan-ngilang fastfood chains na bukas kahit pa holy week. Chowking, Mcdo, Jollibee at Burger King. Pumasok sila sa Chowking dahil yun ang pinakamalapit sa kanila. Tatawid pa kasi ng kalsada kung sa Mcdo o Burger King kakain. She doesn't like the food there anyway. Mas ok na ang Chowking. She's craving for halu-halo too dahil sa alinsangan. Mukhang nabasa naman ito ng lalaki. He asked her kung gusto ba niya ng halu-halo. And she said, ok lang naman kasi medyo mainit nga.
Sa malas, walang available na ice cream ang halu-halo ng Chowking nung mga oras na yun. Para sa kanya ok lang naman na walang ice cream ang halu-halo. But looking at him, mukhang hindi ok yun sa binata. He looks frustrated nang dahil lang sa walang ice cream ang halu-halo sa Chowking. She stop herself from bursting into laughter. Ngayon lang siya nakakita ng lalaki na nafrustrate at kitang-kita sa mukha nito yun na disappointed dahil lang sa maliit na bagay. Inaya siya nitong lumipat na lang ng kakainan. They ended up going to Jollibee. Dun na sila nagorder ng makakain. He asked her kung ano gusto niyang kainin. Nawala ang gutom niya dahil sa pigil niyang matawa sa sitwasyon. Ewan ba niya sa sarili. Kani-kanina lang naiinis siya sa lalaki. But seeing him get frustrated because of halu-halo, really makes her giggle inside. Nauwi sila sa mais con yelo ng Jollibee. Hindi na din naman ito umorder ng sariling food. Pampalamig lang din ang binili para sa sarili. Now she's wondering why he asked her to stay with him to eat? Sabayan daw niya magdinner eh mukhang hindi naman din talaga gutom ang lalaki. Could it possibly be na pinapatagal lang nito ang oras na magkasama sila? She dismissed her own thoughts. Imposible naman yun. Kanina lang nga halos ipagtabuyan na siya nito pauwi. She recalls.
"So, how old are you? " basag nito sa katahimikan.
Nagulat pa siya sa tanong nito dahil sa kung anu-ano ang tumatakbo sa kanyang isip.
"Ahmm. Bakit mo natanong?" balik-tanong niya. Sa halip na sagutin ang tanong nito.
"Wala naman. I'm just curious. Obviously, di kayo magkaedad ni Kharlyn kasi tinatawag mo siyang ate. Meaning mas bata ka sa kanya. Mas bata ka pala samin. We're of the same age. Ah, nope, I may be older sa kanya ng isang taon." pagtatama nito sa sarili.
Habang nagsasalita ito ay pinagmamasdan lang niya the way he talks habang sumusubo ng palamig. She finds him amusing. Nakakatawa pala pati way ng pagkain nito. Parang tutulo ang laway!! Sinaway niya ang sarili. The man is being civil to her. She should at least try to do the same. Wala naman itong ginagawang masama sa kanya. Masyado lang siyang nagmamaldita in the first place. Pangungunsensya ng "angel" side niya sa kanya.
" I'm 25 years old. " aniya sabay ngiti. "Kung one year age gap niyo ni ate. It means, 35 years old ka na? Wow, akala ko nasa 28 years old ka palang. Di halata ah." talagang gulat din na nasabi niya ng marealize na mali ang pagkalkula niya ng edad nito kanina.
Tumango lang ang lalaki. Mataman siyang pinakatitigan. Waring may gustong sabihin o itanong pero nanatiling nakatingin lamang at ikom ang bibig. Sipping some water on the disposable cup.
"May muta ba ko? " medyo paso na aniya. Kung makatitig naman kasi ang lalaki. Nakakailang. At naiilang nga talaga siya. That's why she needed to say those words to break the silence.
"Ahh wala naman. " Wari namang natauhang anito.
Wala naman na silang mapag-usapan. Perhaps both of them is uncomfortable asking each other about personal lives. Kaya di din nagtagal at nag-aya na siyang umuwi. They took the footbridge. Kapagdali ay nasa ibaba na sila at nag-aabang ng masasakyan. Ang pagkakaalam niya ay taga Rizal ito. San Mateo, specifically. Ayon sa din sa nadinig niyang usapan nito at ni Kharlyn kanina. Napaisip siya kung bakit nagstay pa ito at nakatanghod sa kanya habang nag-aabang siya ng masasakyan. Wag nito sabihing ihahatid nga siya nito hanggang sa bahay? Bad idea! Tutol ng isip niya. She's not too comfortable with him around or should she say, she's uncomfortable with any guys around? Lalo na kung di pa naman niya ito lubos na kakilala.
Oo nga't pumayag siya na makasama pa ito saglit. Oo, given the fact na common friend nila si Kharlyn, pero ayaw pa din tanggapin ng isip niya na basta na lang siya magpapahatid sa lalaki sa bahay. Lalo na at mag-isa lang siyang nakatira sa apartment.
Nasa ganoon siyang pag-iisip nang saktong may humintong jeep sa tapat niya. Sm Fairview ang signage. Walang sabi-sabing sumakay siya ng jeep. Nilingon na lang niya si Roswald nung makaupo na siya at umaandar na paalis ang jeep. Kumaway siya dito. "Bye! " Pero sa isip niya, "no way! Di ako magpapahatid sayo! Belat!"
Yun lang at unti-unting nawala na sa paningin niya ang lalaki ng paandarin ng driver ang sasakyan. Napapangiti siya sa sariling kalokohan. Ngayon niya napag-isip -isip. Para siyang luka na biglang sumakay sa jeep. Nagmamadali pa siya. Ni hindi siya nagpaalam ng maayos. Nasan ang manners mo Ma. Janella? Ganyan ba ang pagpapalaki sayo ng magulang mo? Kastigo niya sa sarili.
Ngani-ngani niyang batukan ang sarili. Napasimangot siya. Ano na lang ang iisipin ni Kharlyn sa kanya pag nalaman na tinakasan niya bigla ang kaibigan nito, gayong nagoffer naman ang lalaki na ihatid siya pauwi? Saka si Roswald? Ano na lang ang iisipin nito sa kanya? Eat and run? Matapos pakainin, kahit pa nga sabihing ginadgad na yelo lang naman pinagsaluhan nila, ito pa din naman ang kusang nagbayad nun. Parang gusto tuloy niya bumaba ng jeep at bumalik. Pero naisip niyang baka wala na din naman ang lalaki dun kahit bumalik pa siya. Pinaalis niya sa isipan ang lalaki. Saglit lang ang byahe at nasa bahay na siya kaagad. Dumiretso siya sa lababo at naghilamos. Pakiramdam niya nasagap niya lahat ng alikabok sa kalsada sa bilis ng magpatakbo ng driver ng jeep. Inaalagaan niya ang mukha dahil kahit papano eh puhunan niya yun sa klase ng trabaho niya na laging nakaharap sa tao. Hinagilap niya ang tuwalya pagkatapos.
Nagpainit siya ng gatas na iinumin bago matulog. It helps her sleep earlier. Routine na niya yun. Nagbuklat siya ng mga babasahin na nasa ibabaw ng drawer. Bookworm siya. Nagkalat sa loob ng bahay ang mga binili niyang libro. Kung minsan kung saan-saan na lang niya nailalagay ang mga ito pagkabasa niya. But she still knows where each of one of them is located. Besides it is her sanctuary. Kahit magulo ang bahay niya, alam niya kung san nakalagay at nakapwesto ang mga gamit niya. At alam din niya kapag may gumalaw ng mga ito.
Tumunog ang phone niya. May nagtext.
"Emjiiii!!! Ano, kumusta? Ano masasabi mo kay Roswald? Nasa bahay ka na ba? "-Kharlyn
Napangiwi siya. Ang dalas niya makalimot magtext nitong mga nakaraan. Tumatanda na ata talaga siya. Nagtipa siya ng irereply dito. Napaisip kung ano nga ba masasabi niya sa lalaki? At teka nga pala, bakit kailangan niya magbigay ng opinyon tungkol sa lalaki dito? Maang na aniya sa sarili. Pinili pa din niya sumagot. Bagaman at sa tingin niya, hindi naman na kailangan magbigay ng opinyon ukol sa lalaki. Sabi nga ng nanay niya, kapag walang magandang masabi, manahimik na lang siya. At sa tingin niya, sa dami ng naisip niyang kalokohan tungkol sa lalaki kanina... Eh wala naman siyang naisip na maganda.
"Ok lang naman ate. Hindi na ko nagpahatid sa kanya. Nakakailang eh. Makatitig wagas. Hehe tinakasan ko nga siya eh. Halos di na ko nakapagpaalam at basta na lang sumakay ng jeep pauwi. Matapos niya ko ilibre sa Jollibee. ?" -MJ
Naiinis siya sa sarili sa pagkaalala na naman sa ginawa. Ano ba sumapi sa kanya at ginawa nga niya yun sa lalaki?
"Baliw ka talaga! Haha! Bakit mo naman tinakasan yung friend ko? Sabi pa naman siya na bahala maghatid sayo! ????" -Kharlyn
"Haha wala na eh. Nagawa ko na 'te. Naiilang lang talaga ko. "- MJ
Nagtipa ulit siya ng kasunod na itetext dito. Nacurious din siya kung may sinabi ba tungkol sa kanya ang lalaki at kung magkatext ang mga ito sa ngayon.
"Siya ba? Ano sabi tungkol sakin? Hahaha! Nagsumbong ba na nag-eat and run ako?! "-MJ
Nagsisi siya na nasend niya ang text dito. "Bakit ba siya curious sa iisipin ng lalaki sa kanya? Keber! Wala naman siyang paki kung di siya magustuhan nito. "Aba! Teka?! So, nasa level ka na ng kagustuhan na malaman kung ano reaction niya sayo? Ganun ba Ma. Janella? Hmmm? " Nagtatalo na naman ang magkabilang panig ng isip niya.
Tumunog ang phone. Nagreply na si Kharlyn.
"Wala. Wala pa naman sinasabi. Ikaw ang una kong kinumusta. Wala ka bang naramdaman na sparks? Kuryente ganun? Hindi mo ba siya type?"- Kharlyn
Nag-isip siya. Ano ba ang dapat niya ireply sa kaibigan? Alam niyang nirereto siya nito sa lalaki kahit wala naman hayagang sinasabi at puro pahaging lang. Hindi nga pala niya ito nakompronta tungkol sa kaalaman ni Roswald sa kanya maging sa kasama niya sa trabaho na si Lenie.
"Haha wala naman akong naramdaman na sparks 'te. Meron ba dapat? Teka lang.. Wag mo sabihin na sinadya mo na kaming dalawa lang ang imbitahin sa supposedly get-together nyo ng other friends nyo? Hindi mo din ininvite si Elaine at yung iba pa nuh? Aminin mo 'te. "-MJ
Inamin ni Kharlyn na hindi nga ito nag-imbita ng iba maliban sa kanilang dalawa ni Roswald. Pero inimbitahan naman din daw talaga nito ang common friend din nila ng lalaki na si Elaine. Hindi siya kumbinsido sa sinabi nito. Pero nagpatianod na lang siya sa sinabi nito. Parang napagod siya sa maghapon gayung wala naman siyang ginawa kundi maupo lang sa harap ng t.v. kila Kharlyn. She guessed, it's draining to mingle with someone na di mo alam ano ang iniisip. Kibuin ka dili at biglang mag-aaya kumain sa labas.
She called it a night at nagpahinga na. Wala sa isip na baka may susunod pang ganap na magkikita sila ni Roswald. Ang sa kanya, baka yun na ang first and last. Payapa siyang nakatulog dala ng pagod.