Thinking about you..

1570 Words
"True, love prompts us to do cute and crazy things we never thought that we are capable of doing.." Hindi matanggal ang pagkakangiti sa mga labi ni Roswald. Hindi niya maipaliwanag ang kakaibang nararamdaman maging sa sarili. Wari bang kinikilig siya na hindi niya din maintindihan. Sakay na siya ng jeep pauwi sa San Mateo. Nanghihinayanang siya at bahagya lamang silang nagkausap ni MJ. Bigla na lamang itong sumakay ng jeep nang hindi sa kanya pormal na nagpapaalam. Tila ba may tinatakasan, kulang na lang ay lundagin nito ang unang humintong sasakyan sa harap nito. Napatawa siya sa naisip. "Hindi, mali siya nang naunang sinabi. Hindi tila ba may tinatakasan ito. Obviously, that lady is avoiding her in some ways. Labag sa kalooban nito ang magpahatid sa bahay. " Well, di niya din naman ito masisisi. Halos kakikilala lang din naman nila. Ito siguro ang tipong mahirap hulihin ang loob. Mahirap kuhanin ang tiwala. Hindi basta-basta nagpapapasok ng kahit sino sa loob ng bahay. Very mysterious. And funny too. Kahit mukhang di nito sinasadya na magpatawa. He finds her very funny. And he admits she's quite pretty too. Bihira siya humanga sa mga babaeng maputi. Mas tipo niya ang may morena skin. Tatak pinay. Pero nagagandahan siya sa babae. Simple lang ito. Nakawhite t-shirt lang ito na malaki for her size. Maong pants. Flipflops. He finds her sexy dahil sa malaking boyfriend shirt' na suot nito. Though he's very much aware na single ang babae dahil na din sa information na pauna nang sinabi sa kanya ng kaibigang si Kharlyn bago pa man niya nakilala ng personal ang dalaga. Her style is his cup of tea. Hindi din ito nakamake up ng makapal gaya ng ibang babae na naireto na sa kanya noon. Natural beauty. Ewan kung aware ang babae na hindi naman siya nakafocus sa pinapanuod kaninang nasa bahay ni Kharlyn. She has this presence na sobrang lakas. Hindi mo kakayaning iignore. Nagmemake face ito sa phone habang matamang nagbabrowse sa aparato. Mukhang nagpefacebook at di naeentertain sa nababasa sa newsfeed. Nandyang biglang kumunot ang noo, mapaismid, simangot at biglang kikinang ang mga mata na tila bagang may nakakatawang nakita o naisip. Sa loob ng maghapon, di siya nagsawang pagmasdan ang hitsura nito. Mga facial expressions na kakatwa. Yun nga lang, hanggang sa simpleng pagmamasid lang ang nagawa niya dito. Ewan ba niya sa sarili kung bakit di siya nakaisip ng magandang topic para kunin ang atensyon ng babae mula sa hawak na phone at maging sa t.v. Naumid ang dila niya. Kibuin dili siya nito. Kapag lang may naisipan siyang itanong. Sinasagot naman din nito. Akala niya magkakalakas loob siya kapag sila na lang dalawa ang magkasama kaya tinanong niya ang babae kung anong oras ito uuwi. Di nakaligtas sa mga mata niya ang simpleng pagtalim ng mata nito. Naoffend ata. Baka inakalang pinapaalis na niya ito sa bahay. Which is not true. Balak lang naman kasi niyang sumabay dito palabas sa sakayan. Malay ba niya kung magkaigihan sila ng usapan kapag wala na sa paligid si Kharlyn? Naglakas loob siyang ayain ito sa dinner. Sa malas ay puro fastfood lang ang bukas sa FCM. at nakakadismaya din na walang ice cream ang halu-halo ng iseserve sana sa Chowking kung umorder sila. They ended up eating just con yelo in Jollibee. Well, hindi naman talaga siya nagugutom. Istilo lang niya yun para makasama pa at makausap ang dalaga. Pero wala naman din sila halos napag-usapan. Nabablangko ang utak niya kani-kanina lang. She told him na may kapatid ito sa Antipolo. At nasa Bulacan ang pamilya. Halos yun lang nakuha niyang information dito. Ilang din malamang makipag-usap sa kanya. Dahil sino nga ba siya? They are just strangers getting acquainted for the first time. Mukhang wala din itong idea na silang dalawa lang ang inimbitahan sa bahay ni Kharlyn. Base sa reaction nito nang malamang wala nang iba pang darating na bisita. Nagkunwari lang siyang disappointed din, well not really kasi akala din niya pupunta nga si Elaine. Close din siya sa babae. Nasa malalim siyang pag-iisip ng magvibrate ang phone niya sa bulsa ng pantalon. May nagtext. Si Kharlyn. "Kumusta? Nakauwi ka na? Ano masasabi mo kay MJ? "-Kharlyn "Ang tangkad pala niya nuh? I find her beautiful and sexy." He replied fast. "I want to get to know her better. Ang kaso, ang bata pa pala nun. Baka mapagkamalan kaming magtyuhin sa laki ng age gap namin na 10 years." worried na dugtong niya sa unang tinipa sa keypad. Saka sinend. "Ano ka ba, di naman halata ang age gap nyo. Mukha lang 3 years ang tanda mo sa kanya. Mukha kang bata for your age." -Kharlyn "Wow. Thank you. Pero di naman ba suplada yun? Baka di ako pansinin nun sa susunod? "- Roswald Hindi naman mukhang suplada ang babae. Pero mukhang ito yung tipo na magpapanis na lang din ng laway kesa makipag-usap lalo na at hindi nito gusto ang topic. Maging kung hindi mo naman ito kakausapin. Hindi ito magkukusa na magbukas ng mapag-uusapan. Pwedeng siya lang nag-iisip ng ganun. Pero yun ang impression niya kay MJ. He made a decision. He really wants to know her more. Kahit magsimula lang sila sa friendship. And who knows? Baka magclick sila kapag nagtagal at magkapalagayan ng loob. And there he sent a message to Kharlyn. "Please, let us meet again. Ikaw na bahala gumawa ng paraan, mag-isip kung paano. Basta I want to know her more. ASAP. " He smiled and returned his phone in his pocket. Kinabukasan.. Holy Friday, April 3, 2015. Nabuburyong na si MJ sa bahay. Gusto niyang magsisi na hindi pa siya nakauwi ng probinsya. Pero dagli din napalis yun sa kanyang isip ng makita sa newsfeed ng f*******: ang post kung gaano kakapal ang pila ng tao sa mga bus stations sa Cubao terminal kung saan siya sumasakay pauwi ng Bulacan. Ayaw na ayaw niya sa ganoong eksena na para bagang itik na naglisaw-lisaw ang mga pasahero sa kainitan ng araw. Pawis na pawis at nagpapaypay. Maganda pa din naman pala na nagstay siya sa bahay sa Fairview kahit papano. Makailang beses na niyang tiningnan ang inbox maski hawak naman niya lagi ang phone. Baka sakali lang kasi na hindi niya napapansin eh may nagtetext pala sa kanya. "Weh?! Sinong niloloko mo Ma. Janella? Nag-aabang ka lang kung may update si Kharlyn about Roswald. Curious ka din kung type ka ni koooooyaaaa EH! " panunuya niya sa sarili. "Oo, yun lang nga yun. Curious ako kung type ba niya ko o hindi. Nothing more, nothing less. " sang-ayon niya sa sarili. Hindi na kumontra ang kanilang bahagi ng isip. Pero mukhang ayaw makipagkasundo ng kabila niyang isip. "Weh? Hinihintay mo kung magtetext si Roswald eh. Kung kinuha ba kay Kharlyn yung number mo! " patuloy nito. Napasimangot siya sa isiping yun. Ni hindi man lang kinuha ng lalaki ang phone number niya kahit pabalat-bunga man lang. Kahit sabihin na just to be friends sa future. Hindi ito kagaya ng ibang lalaki na nakilala niya na unang kita palang ninja moves na agad sa pagkuha ng number niya. Kahit anong paraan gagawin. Kahit kausapin pa at suhulan ang mga taong may alam ng numero niya. "What the heck! Why am I thinking of that guy?" ingos niya sa sarili. Ipinilig niya ang ulo at naghanap ng pagkakaabalahan. Sinambot niya ang earphone at nagpatugtog. Halos puro hugot lovesongs ang laman ng playlist niya at nakaramdam siya ng lungkot at pagkayamot. Naalala na naman niya si Quirino. Ang lalaking dahilan kung bakit broken siya. Tagos sa puso bawat lyrics ng kanta. "Hey, hey, stop it girl. Move on!" Sinampal niya ang sarili. Ayaw na niyang maalala pa ang lalaki. Wala itong karapatan gambalain pa ang isip niya. Matapos siya nitong lokohin at paasahin. Tinanggal niya ang earphone. Napagdiskitahan niya ang sketch pad niya. Medyo matagal na din mula nung humawak siya ng lapis at papel. Lumabas siya ng mini garden sa bahay at umupo sa sementadong upuan doon. Nagsimula siyang gumuhit ng larawan. Maya-maya pa ay nagkahugis na ang mga guhit at linya mula sa kanyang tangan na lapis. She's drawing a flower. Rose. Matinik. Gaya ng puso niya. Masyadong matinik at hindi basta basta pwedeng hawakan ng sinuman. Dahil masusugatan ang sinumang magtatangka lalo na kung wala namang pag-iingat na wag masaling ang mga talulot nito. Napangiti na siya. It's really soothing to sketch or to write poems. Yun ang mga hobbies niya. Hobbies na boring sa karamihan. Pero naeenjoy niya. Because she was born and raised as a an introvert. Hindi siya talaga sanay ng masyadong madaming kilala at pinakikisamahan. Ayaw niya ng madaming kasalamuha. Dahil para sa kanya masyadong madami lang ang drama kapag madaming taong malapit sayo. Sadyang piling-pili at kakaunti lang ang taong involve sa buhay niya kahit noon pa man. Minasahe niya ang batok pati na din ang kanyang kamay. Medyo nangawit siya sa posisyon niya. Nakangiting pinagmasdan niya ang kanyang obra. Isa na naman ito sa mga drawings na itatago lang naman din niya sa bahay. For her eyes only. Tutal wala naman gusto magappreciate ng art niya. Ayos lang naman yun para sa kanya. Hindi naman niya yun ginagawa para ipagmalaki sa ibang tao. Ginagawa niya yun to cure herself. Kapag masyado siyang stressed o pressured sa isang bagay. Stress-reliever niya ito. She's expressing herself through art and literature. Makata. Masining. Tatak ng tubong Bulakan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD