"Cheating is a choice, not a mistake. Loyalty is a responsibility, not a choice!" -anonymous
Hindi tinantanan ni Celestine ng kakatawag si MJ. Maghapong nagriring ang phone ng dalaga at pinudpod din nito ng text ang inbox ng huli.
Litung-lito at naguguluhan si Ma. Janella sa takbo ng mga kaganapan. Hindi niya makontak si Roswald, ngunit ang "supposedly "girl" friend" nito ay mistulang sundalong sasabak sa giyera kung pasabugin ang inbox niya ng text messages.
Alam niya. Napagtanto niyang magkasama ang dalawa. Na naglihim si Roswald sa kanya. Na hindi nito sinabi ang totoo na magkasama pala silang dalawa. Ang sabi lang ay magrereview para sa Civil Service Exam.
Hindi niya alam kung ano ba ang dapat maramdaman nang mga oras na yun. "How could he do this to me? Bakit ngayong kailangan ko siya, hindi ko siya mahagilap?!" naiinis na turan ni MJ.
Maya-maya'y tumunog na naman ang phone niya. Napapikit siya sa inis. Ayaw siyang tantanan ni Celestine. Handa na siyang ioff ang phone niya ng rumehistro ang phone number ni Roswald. Nagtext ang lalaki.
"MJ, I'm sorry about what happened and what is going to happen. Hindi ko sinasadya na magsinungaling sayo. Alam kong ngayon, alam mo nang magkasama kaming dalawa ni Tin. "- Roswald.
"MJ, I'm sorry talaga. Nabasa niya kasi yung text messages mo. Naiwan ko yung phone sa mesa. Pinakialaman niya phone ko. And ngayon, nagwawala siya and she wants my explanation. Ok lang bang sabihin ko na gf ka ni Kuya Randall?" -Roswald
Nagtagis ang bagang ni MJ. Sobrang sakit isipin na kailangan siya nitong ikaila sa babae para lang mapayapa ito. Sobrang sakit na napakainsensitive nito magtanong kung ok lang bang sabihin na kasintahan siya ng kuya nito! Sobrang sakit malaman na sa kabila ng lahat, sa huli... Si Celestine ang papahalagahan nito.
"Are you serious? Naririnig mo ba ang sarili mo Roswald? Seryoso ka na itatago mo ko just to let her feel good na wala lang ako sayo. Na gf ako ng kuya mo?" itinype niya ang mga iyon sa phone.
Pero binura niya nang mahimasmasan. Napagtanto niyang hindi gagaan ang loob niya kung mag-aaway sila. Kailangan magkalinawan na muna si Roswald at Celestine.
"Ayusin mo yan. Ayoko ng gulo. Ayusin mo yan!" iyon lang ang pinadala niyang mensahe sa binata.
Lutang si Ma. Janella pagdating ng uwian. Dahil sa hindi naman nakuntento si Celestine sa kung anuman ang sinabi dito ng lalaki at nanigurado pang hindi siya gf nito. Sumasakit ang ulo niya sa kaiisip. Alam niyang nakikiamot lang siya ng atensyon at pagmamahal mula kay Roswald. Na si Celestine naman talaga ang gf nito. Nalaman niyang hindi naman talaga hiwalay ang mga ito. Nasa malayo lang ang babae kaya malayang nakakapunta at nakakadalaw sa kanya si Roswald. Unti-unti namang nagkwekwento sa kanya ang binata tungkol kay Celestine. Pasundot-sundot ay nagsasabi ito kung bakit hindi nito magawang palayain na lang ang babae at magfocus sa relationship nila.
Isang beses lang niyang nireplyan ang babae sa maghapong kakatext nito. Ayaw niya ng gulo at parang sasabog na ang utak niya sa dami ng iniisip at sama ng loob sa binata.
"Kung anuman ang sinabi sayo ni Roswald. Yun ang totoo". reply niya sa text nito na sinisigurado kung gf nga ba siya ng kuya ng binata.
Nalasahan niya ang pait ng laway. Hindi niya kasi magawang kumain man lang sa sakit. Sa hapo. Hapong-hapo ang pakiramdam niya. Gusto na lang niyang matulog. Kung pwede lang na magising na lang siya kapag tapos na ang lahat ng sakit na nararamdaman. Kung pwede lang na magising siya na panaginip lang pala ang lahat mula sa umpisa. Na hindi naman pala niya hinayaan muli ang sarili niya na magpakalubog sa pagmamahal na hindi naman para sa kanya. Na hindi naman pala siya nagpakalunod ulit dahil wala namang handang magligtas sa kanya mula dito. Tumulo ang luha sa kanyang mga mata.
Nagawa pa niyang pagtakpan din ang kalokohan ni Roswald. Ginawa na nga siyang tanga, nagawa pa niya itong pagtakpan. Diyata't sinabi talaga nitong gf siya ng kuya Randall nito.
Her phone beeps.
Hindi na siya nag-abalang basahin ito. She's done for today. Quotang-quota na siya sa katangahan at sama ng loob nang araw na iyon at hindi na magagawang pagandahin ang mood niya nang kung anuman ang mababasa niya sa text. Bagkus baka lalo pang ikasama ng loob niya kaya di na niya binigyang pansin maging ang sunud-sunod na pagring nito. She fell asleep na masamang-masama ang loob. Nakatulog siya na parang binugbog ang utak.
Kinabukasan.
Parang ayaw pang tumayo sa higaan ni MJ. Tila gusto niyang magpaday off bigla. Nanumbalik ang tila masamang panaginip na kaganapan kahapon. Namaluktot siya at napaiyak. Awang-awa siya sa sarili.
Gayunpaman ay gumayak na din siya at naligo. Napag-isip isip niyang, tatalunin lang siya lalo ng lungkot kapag nagkulong lang siya maghapon sa kwarto. Papasok na lang siya sa trabaho.
Nalowbatt ang phone niya sa kakatawag ni Roswald kinagabihan na hindi naman niya pinagkaabalahang sagutin pa. She just doesn't know what to say anymore. Ikinaila na siya nito para sa peace of mind ni Celestine without thinking of how her peace of mind would vanished instead. Ano pa ba ang dapat nilang pag-usapan?
Hindi ba't sa ginawa nitong pagkakaila sa kanya ay tahasan na din nitong sinabi na si Celestine pa din ang siyang pinakatatangi nito at kahit kailan ay di niya kayang palitan sa puso nito. So, para san pa? Para ano pa at kailangan nilang mag-usap? Isn't that another way of saying na, "I no longer need you. Celestine is here. She will stay with me, for good."
So, what good is it if she will talk to him? Para san? Para mabola na naman siya nito?
Sinabi niya ditong ayaw niya ng gulo. Ayusin nito ang dapat ayusin. At ayun, inayos nga nito ang sa kanila ni Celestine at iniwan siyang mukhang tanga na pinagtakpan pa ito. Ngani-ngani niyang batukan ang sarili. "Bakit ba, kahit kailan napakatanga mo sa pag-ibig na babae ka?" kastigo niya sa sarili.
Naiiling na inapuhap niya ang charger ng phone at nagcharge ng aparato. Binuksan niya ito at pumasok ang sunud-sunod na text ng pagbabanta ni Celestine na kung hindi totoo ang sinasabi nila ni Roswald, kayang kaya siyang ipahanap nito. At pagsisisihan niya ang bagay na iyon. Napaikot ang mata niya. Pakiramdam niya nasa soap opera siya at siya ang kontrabida sa teleserye ng buhay pag-ibig ng mga ito.
Sunud-sunod din ang text ni Roswald sa kanya. Saying sorry for what he did. And to let her know how much he missed her voice. Kausapin naman niya daw ito. Na naipit lang daw ito. Nagkabiglaan kaya sinabing gf siya ng utol nito.
"Ulol!" mura niya dito sa isip. Nasaktan siya sa pagmura niya dito. At muli nasabihan niya ng tanga ang sarili dahil siya na nga itong pinagmumukhang tanga, pati pagmura dito ay ipinagkakait pa niya sa sarili.
"Martyr!" sigaw ulit ng utak niya.
She dismissed all her thoughts. Papasok na muna siya for now. All work for today, MJ! Paalala niya sa sarili. And she turned off the power button of her phone again.