Unveiled Betrayal: Celestine's Revelation

973 Words
"You don't realize how lonely you are until it's the end of the day and you have so much to talk about, but no one to tell them to." -anonymous Hindi din makapaniwala si MJ sa bilis ng pangyayari. Anim na buwan na silang magkasintahan ni Roswald. Bagaman at alam niyang hindi pa nito tinatapos ang ugnayan kay Celestine ay hindi na lang niya pinapansin ang isyu para hindi na nila pag-awayan. Isa pa ay para namang hindi nag-eexist ang babae sa buhay nila. Hindi naman niya ramdam na may kaagaw siya sa atensyon ng kasintahan. Nawala na din ang madalas nitong pagtetext at pagtawag sa babae lalo na kapag magkasama sila. Pampalubag loob niya sa sarili ay at least siya ang kilala ng buong angkan nito at ihinaharap sa lahat ng tao sa tuwing may okasyon o kaya ay kahit simpleng araw lamang. Maging sa opisina naman nito ay legal siyang nakakalabas pasok dahil kilala siya bilang nobya nito. Which makes her happy somehow. Masarap sa pakiramdam na maacknowledge ang presence niya bilang girlfriend nito. At ibig sabihin lang din na walang nakakakilala kay Celestine bilang nobya nito kagaya na din ng sinabi sa kanya. Kahit papano ay hindi nagsinungaling sa kanya ang lalaki tungkol sa bagay na iyon. Dahil kung nagsinungaling man ito ay malalaman niya sa tindi ng pagkatsismosa ng occupant ng mismong katabing cubicle nito. Si Sally. Binawalan siya ni Roswald na makipagkwentuhan dito dahil ito daw ang isa sa mga rason kung bakit nagkahiwalay ito at ang dating nobya na si Jane na dahilan naman kung bakit ito nabroken hearted. Hindi na niya inungkat pa ang tungkol sa bagay na iyon. Para sa kanya ay nakaraan na yun at dapat nang kinakalimutan. Nakamove on naman na ang binata kay Jane. Si Celestine ang malaking threat sa kanya sa ngayon. Alam niyang hindi siya pwede magpakakampante dahil anumang oras ay maaari nitong bawiin ang maliligayang oras niya sa piling ni Roswald. Kahit pa nga ibinibigay naman ng binata ang lahat ng seguridad na kailangan niya. Still, Celestine is Celestine. At hindi pa hiwalay ang mga ito bago siya pumasok sa eksena. Kahit baliktadin ang mga pangyayari, ang labas ay nakikisawsaw siya. Kahit sa mata ng lahat ay siya ang legal, she knows exactly where her place is. Maayos naman ang naging takbo ng relasyon nila. Alam din ng mga kaibigan niya at katrabaho maging ng pamilya niya sa Bulacan ang ugnayan niya sa binata. Bagaman syempre, inilihim niya sa mga ito na may ibang nobya ang nobyo niya. Malilintikan kasi siyang tiyak sa kanyang ama kapag nalaman ang kanyang sitwasyon. Wala naman siyang maipipintas kay Roswald. Sobrang maalaga ito, nagkakaganun, malambing at masarap kausap. Walang araw na boring para sa kanya kapag ito ang kausap sa personal o kahit sa text lang. Laging may sense ang mga opinyon nito sa mga biglaang pukol niya ng tanong dito tungkol sa bansa, politika at kunt anu-ano pang nagpapagulo sa utak niyang nuknukan ng daming tanong. Hindi ito nakakalimot magtext sa kanya gaya noong magkaibigan pa lamang sila. Ito pa din ang kanyang human alarm clock. Kanina nga ay ginising siya nito sa isang text message, nauna pa itong makaalala sa 6 month anniversary nila. Binati siya nito sa pamamagitan ng text at ang sabi ay, "Rise and shine my beautiful sweetheart! Happy 6th month anniversary mahal ko! " Ganun lang kasimpleng bagay at napapangiti na siya nito. Kagat-labing nireplyan naman niya ang text nito. "Good morning mahal! Happy 6th month anniversary din po. I so missed you!" Sabado noong araw na iyon at nagpaalam itong makikipagkita kay Lex na bestfriend nito. Ang pagkakaalam niya ay nagpapaturo ito sa Civil service examination. Magte-take kasi ito ng eksamin sa darating na March kaya puspusan ang pagrereview nito kapag walang pasok at hinahayaan lamang niya. Nangako itong pupunta na lang kinabukasan para icelebrate nila ang monthsary. Itetext na sana niya ito na wag kalimutang kumain sa oras ng mapansing may ilang missed calls pala siya. Nakasilent kasi ang cellphone niya. Kunot-noong tiningnan niya ang numero. "Unknown number?" "May nawrongcall ba sakin ng madaming beses sa loob ng trenta minutos? " Maski anong isip niya kung sino ang caller ay wala siyang matandaan na pinagbigyan ng pribadong numero. Ilan lang ang may alam ng phone number niya dahil kapapalit lang niya ng sim. Biglang nagvibrate ang cellphone habang hawak niya. Tumatawag na naman ang unknown number. Naging habit na niya ang huwag sumagot sa unregistered number sa phone contacts niya pero parang kinakabahan siyang di mawari sa kung sinuman ang tumatawag. Kaya dala ng kuryosidad ay sinagot niya ang telepono. "Hello, good afternoon. May I know who's on the line? " sinadya niyang mag-ingles at ginamit din niya ang American accent na siyang natutunan niya noon bilang isang call center agent. Patlang. Maingay ang paligid sa kabilang linya. Saglit na tumahimik. Hindi pa din nagsasalita ang nasa kabilang linya. Tila pinapakinggan lamang ang boses niya. "Hello? Who's on the line please?" ulit niya. Nakarinig siya ng pagtikhim sa kabilang linya. Waring nililinis ang lalamunan nang kung sinuman ang tumatawag sa kanya. "This is Celestine. Kelan nyo pa ko pinaglololoko ni Roswald? "  Yun lang at nanlamig ang buong katawan niya. Dumating na ang araw na kinatatakutan niya. Dumating na ang babaeng tatapos sa maliligayang araw niya kasama si Roswald. Nabingaw siya sa kung ano pa ang sinasabi ng babae. Tila namanhid ang buong katawan niya at dumulas sa kamay ang tangan na cellphone. Nahulog iyon. Nadinig niyang nagsasalita pa din ang babae kahit nasa lapag na ang aparato. Parang sasabog ang utak niya. Naninikip din ang dibdib niya. Naglandas ang mga luha sa kanyang mga mata pababa sa pisngi. Namatay ang tawag. Kung inaakala ni Ma. Janella na iyon na ang katapusan ng lahat, nagkakamali ang dalaga dahil nagsisimula palang magpuyos sa galit si Celestine!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD