Love's Dilemma: MJ's Heartfelt Crossroads

1029 Words
Naglakad lang sila sa underground pass para makatawid sa Circle mula sa City hall. Ginagap ni Roswald ang kamay para alalayan siya sa hagdan. Hindi naman niya binawi iyon. Baka kasi mabuwal din siya. May pagkalampa din kasi siya at baka mahulog siya diretso sa dulo ng hagdan kapag hindi siya nito inalalayan. Nakainom pa naman siya. Hindi na nito binitawan ang kamay niya kahit noong nasa Circle na sila. Sa tapat ng fountain. Naupo sila ng magkatabi sa isa sa mga benches doon. "Ahm.. How should I start this?" tila di sigurado sa sariling baling ng binata kay MJ. Ilant minuto lang silang nakatitig sa isa't isa at walang gustong magsimula ng usapan. Binabasa ata ng lalaki kung ano ang nasa isip niya at ganoon din naman siya dito. "MJ, I can't apologize for kissing you last time. I've long to do it ever since I met you. You're the first woman to affect me this much that I can't control myself. I'm not sorry I kissed you." Halos bulong lang iyon pero parang sigaw na pumuno sa buong isip at puso ni MJ. "If I'm given a chance to turn back the time, I will and I still will, definitely will kiss you. Kung may pinagsisisihan man ako sa araw na iyon, iyon ay yung hindi ko nilinaw sayo kung ano ba ang meron tayo.." maramdaming pahayag ng binata. Nanatili lang siyang nakatingin dito. Pilit pinoproseso sa utak ang sinabi ng binata. "I like you MJ." Like? "Like daw hindi love, Ma. Janella. Ano ka f*******: status na ila-like lang?" sulsol ng isip niya. Nakatulong ang konting nainom niya para maging madulas ang dila niya sa pagsasabi ng nararamdaman. Isinatinig niya ang nasa isip. "Like? You're saying you like me? Ano ko f*******: status? Like mo ko? Ano like mo ko saktan? Like mo ko paasahin sa wala? Linawin mo naman! Kasi ang labo. Ang labu-labo! Ang alam ko lang may gf ka, may ibang babae kang mahal at minamahal pa din! So, anong sinasabi mo dyan na like mo ko? Gusto mo kong maging third party sa relasyon nyo? Ganun ba?" dire-diretsong sumbat ni MJ kay Roswald. Eksasperadong naikuyumos ni Roswald ang mga kamay sa mukha. Tila ninanamnam din ang bigat ng kanyang pahayag. "I can't be someone you like. I can't just replace the woman you love. Siya dapat ang nandito sa tabi mo! Siya dapat ang kasama mo! Hindi ako! Never na magiging ako, dahil ayokong maging mang-aagaw!" Naluluha na si MJ pero pinigilan niya ang sarili. Ayaw niyang makita ng lalaki na iiyakan niya ito. Ayaw niyang maawa ito sa kanya. "That's exactly the reason why you're here with me and not her! You already replaced her in my heart. At oo, siya nga dapat ang nandito sa tabi ko ngayon, pero wala siya! Matagal na siyang wala. Matagal na niya kong binabalewala! Kaya natutunan kitang mahalin!" naluluha na din na ani Roswald. "No, hindi ko lang maamin sa sarili ko na noon pa man gusto na kita! The first time I saw you, I already like you. At ngayon mahal na kita!" Hindi na niya nakayanan. Tuluyan nang naglandas ang mga luha niya sa magkabilang pisngi. Tumalikod siya ng bahagya para itago ang luha. Pilit namang ihinarap ng binata ang mukha niya gamit ang mga kamay nito. Pinahid ni Roswald ang kanyang mga luha. "Sssshhh.. MJ, please don't cry sweetheart. "Damn!" mahinang mura nito ng parang gripong lalong tumulo ang luha niya. Niyakap si MJ ng lalaki. Matagal. Hinagod-hagod ang likod niya at pilit siyang pinapakalma. "Everything will be fine. Pangako aayusin ko ito. I'll talk to Celestine. I'll break up with her. Just give me time, please." nagsusumamong hinalik-halikan nito ang kanyang mga mata. "I love you. I don't want to lose you. Please say you love me too." Napahagulhol na naman siya sa sinabi nito. Paano niya ngayon magagawang palayain pa ang sarili mula sa lalaki gayong nalaman niyang may katugon naman pala ang nararamdaman niya para dito? Paano na ang plano niyang paglayo? Alam niya sa sariling mali ang makipagsiksikan sa buhay ng lalaki gayong may nobya na ito. Alam niyang masasaktan lang siya kapag nagpatuloy pa siya. Pero sa lahat ng iyon nangingibabaw ang pagmamahal na nararamdaman niya para kay Roswald. Totoo pala. Napatunayan niyang totoo pala na kapag nagmahal ka, magpapakatanga ka talaga. Kahit alam mo ang mali sa tama, susundin mo ang mali maranasan mo lang ang magmahal at mahalin ng taong mahal mo. Kahit na walang kasiguraduhan na sa huli, kaya siya nitong panindigan. "I'm sorry, Ma. Janella. I'm sorry. Mahal ko siya! " humingi siya ng tawad sa sarili. "I love you too." Mukhang yun lang ang hinihintay na sagot ni Roswald. Bumaba ang mukha nito sa kanya at inangkin ang kanyang mga labi. Banayad. Dahan-dahan. Waring nananantiya. Ramdam ang pagmamahal sa bawat pagkilos ng mga labi nito. Tila di nakuntento ng walang makuhang tugon mula sa dalaga. Pinalalim pa nito lalo ang halik. Tinuturuan si MJ kung paano ba ang dapat ba pagtugon. Mabilis naman siyang natuto at pagdakay nakipagsabayan na sa paghalik sa lalaki. Tumigil lang ang binata para sumagap ng hangin at muling inangkin nito ang kanyang mga labi na tila uhaw na uhaw at di matitighaw ang uhaw na iyon kung hindi mahahalikan ang dalaga. Matapos ang tagpong iyon. Ipinaliwanag ni Roswald kay MJ kung ano ang plano nito para sa kanilang dalawa. Ibinahagi nito ang kwento tungkol kay Celestine at kung panong hindi nito magawang basta hiwalayan ang babae. Ito daw kasi ang rason kung bakit nakamove on ang binata sa isang matinding heart break mula sa dating kasintahan. Si Celestine daw ang nagparamdam dito na may tao pang nagmamahal sa kanya. Ito daw ang naging katuwang upang makita ng binata ang kahalagahan pa ng buhay. Kung hindi daw ay baka napariwara na ang buhay nito. Inulit nito na sana ay bigyan niya ito ng oras at panahon para itama at isaayos ang lahat tungkol sa kanila. Sumang-ayon siya at naniwala sa lahat ng sinabi nito. Kahit walang kasiguraduhan kung totoo ba ang mga sinasabi nito sa kanya ay isinantabi na niya muna. Ang mahalaga ay nagkakaunawaan na sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD