Unspoken Melodies: MJ's Dilemma at 'I am a Zinger'

1260 Words
"The biggest coward of a man is to awaken the love of a woman without the intention of loving her."- Bob Marley Friday night. Ang buong akala ni MJ ay mag-uusap lang silang dalawa ni Roswald. Yung silang dalawa lang at seryosong usapan. Bagkus ang nangyari ay kasama sa lakad nila ng binata ang mga close friends nito sa opisina. Sila Anna, Cris, Sahara at Rands. Kasalukuyan silang nasa "I am a Zinger" na KTV at restaurant sa Matalino St. Malapit lamang sa Quezon City hall kung saan ang mga ito nagtatrabaho. "Ok, for the last time. Tutal andito naman na din ako. I should just enjoy the night. Pagkatapos ng araw na ito, I'm totally gone in Roswald's life. Ito na ang huli naming pagkikita. " May pait sa pusong nasabi ni MJ sa sarili. Pinilit niyang maging normal lang ang mga kilos para di makahalata ang mga kasama na may isyu sa pagitan nila ng binata. Magdadalawang oras na silang nandoon at sa tingin naman niya ay napagtagumpayan niya ang pagtatago ng totoong nararamdaman. Wala ni isa man sa mga ito ang nakapansin na nagkakailangan sila ni Roswald. Magaling din namang aktor ang lalaki. Bilib siya sa walang pinagbagong atensyon na iniuukol nito sa kanya. She wonders if he is also faking it or he's just accustomed to it. Ipinagkibit-balikat na lamang niya yun. Sa isip ay mag-uusap silang dalawa kapag silang dalawa na lamang ang magkasama. Nakaligtas ang lalaki sa ngayon pero hindi mamaya. "MJ, ano ba naman yan. Kaya tayo nandito para magsaya. Kumain at kumanta. Kumanta ka naman kahit isa lang!" hirit sa kanya ni Cris. "Siyanga naman MJ. Padinig naman kami ng mala-ginto mong boses. Baka kanina pa kami nagkakanta na parang palaka tapos may kasama pala kaming "songer"." susog naman ng nakatatanda sa lahat na si Anna. "MJ, MJ, MJ, kakanta na yan! " sabay sabay na buyo ng mga ito. Tiningnan niya si Roswald na nakatingin lang din sa kanya habang nakangiti. Tumango ito na tila sinasabing, "pagbigyan mo na yang mga iyan. Di ka nila titigilan". Napatikhim siya na tila nangati ang kanyang lalamunan. Tinungga niya muna ang tanduay ice sa lamesa. Isang lagukan lang saka namili ng kanta. "If you and me" ni Juris ang napili niya. Ang kantang sakto sa lahat ng nararamdaman niya. Si Rands na ang naglagay ng kanta niyang napili sa videoke. Maya-maya pa ay tumugtog na ito at kanyang sinabayan. Here I am, standing close to you And it's still so far away, So many times, I tried to say, But my heart was afraid Look at you is all that I can do, Like a silly girl, I stare 'Coz you might leave me when I reveal, What my heart is really feeling.. Sinabayan niya ang tugtog ng malamyos niyang boses na sakto lamang sa version ni Juris ng kantang iyon. Hindi naman sa pagyayabang pero hindi naman siya sintunado at alam niya sa sarili iyon. Maganda ang boses niya. Dati siyang choir member sa simbahan. Kulang nga lang siya sa practice. Patuloy siya sa maramdaming pagkanta. If I could just say the words, All the secrets in my heart and in my soul you'll hear, Will you take me in your arms or let me go, Our lovely days will they just fade like whispers in the wind? If I could just say the words, All the secrets in my heart and in my soul you'll hear, Can't you see the love I hide slip through my eyes, This silly girl so scared she just can't say "I Love you." Tila nakalimutan niya saglit ang buong mundo. Ang lahat ng tinatagong damdamin ay ibinuhos lang niya sa kanta. Ramdam na ramdam niya bawat letra na tila isinulat ang awiting iyon para sa kanya. Para maipahayag niya ang nararamdaman niya para sa binata. Kahit sa awit lamang. Ipinikit niya ang mga mata para hindi tumulo ang nagbabadya niyang mga luha. Here I am, holding on to fate, What we have may never change 'Coz you might leave me when I reveal, My lips will seal the love I'm hiding. If I could just say the words, All the secrets in my heart and in my soul you'll hear, Can't you see the love I hide slip through my eyes, This silly girl so scared she just can't say "I Love you." She just can't say, "I love you! " ulit niya sa huling lyrics. Saktong pagdilat niya ng mga mata ay nagkahulihan sila ng tingin ni Roswald. Tila ba nabasa nito ang damdaming kalangkap ng kanyang pag-awit. Hindi niya alam kung ano ba ang tumatakbo sa isip nito nang sandaling iyon. Nagpalakpakan ang kanilang mga kasama. Hudyat para manumbalik siya sa katinuan at makaramdam ng hiya. Namumulang ibinalik niya sa lamesa ang mic at naupo muli. "Wow! MJ! Ang ganda naman pala ng boses mo! Nahiya na ko sa sarili ko. Kanina pa ko ngawa ng ngawa dito sa mic eh ikaw pala ang tunay na singer dito! " litanya ni Cris. Kamot-ulong nginitian lang niya ito. "O, game na! Si Rands naman ang kakanta! Walang dayaan ah. Si MJ, tapos na! Kaya ikaw naman Rands! " nandidilat na ani Sahara. Napipilitang kumanta nga ang lalaki. Nakahinga ng maluwag si MJ ng mawala sa kanya ang atensyon ng mga ito. Naramdaman niyang mas lumapit pa sa inuupuan niya si Roswald. Hindi siya lumilingon kahit alam niyang nakatingin ito sa kanya. Natatakot siyang mabasa nito ang katotohanan sa mga mata niya. Baka tuluyan siyang ipagkanulo ng sarili. Hinuli ni Roswald ang kamay niya at ginagap nito iyon. Dahilan para mapatingin na siya dito. He kissed her hand. Walang pakialam kahit makita ng mga kasama nila ang ginawa nito. Naisip niyang lalo silang mapaghihinalaan na may relasyon kaya sinita niya ito sa mababang boses na silang dalawa lang ang makakadinig. "What are you doing?" pinanlakihan niya ito ng mata. Yun ay kahit tila tinatambol na drum ang t***k ng puso niya. "Lalo tayong pag-iisipan na magjowa niyan sa ginagawa mo! " dagdag pa niya. Pigil na pigil ang sarili. Para siyang aatakihin sa tindi ng pagkabog ng dibdib. This man just doesn't know how much she missed him and how torturing it is to be with him, knowing the fact that she likes him but she can't have him. " Parang walang anuman ito sa binata. Nginitian lang siya dahilan para lalong maghurumentado ang malandi niyang puso. "Peste, napaktraydor ng puso ko!" "Let's talk later. I think we really should talk." pahayag ni Roswald. Halos hindi na niya namalayan ang mga sumunod na pangyayari dahil lamang sa simpleng pagkakadaop ng kanilang mga palad na naghahatid ng init sa buong katawan ni MJ partikular na sa kanyang puso. Tila ba may kamay na humahaplos doon. Nagkanya-kanyang uwi na ang grupo matapos ang isang oras. Nagsibalik muna ang mga ito sa opisina at doon naghiwa-hiwalay. Naiwan sila ni Roswald sa tapat ng Civic Center B. "Gusto mo magpunta muna tayo sa Circle? " basag ni Roswald sa katahimikan. Awkward pa din siya sa mga nangyayari. Bago umalis ang mga kaopisina nito ay tinutukso silang sana silang dalawa na ang magkatuluyan. Hindi niya alam kung mangingiti ba o ano sa hayagang pagboto nito para sa kanya sa binata. Kung alam lang ng mga ito ang sitwasyong kinasusuungan niya sa ngayon. Baka mainis pa ang mga ito sa kanya. Baka sabihan pa siya ng mga ito na malandi at mapanira ng relasyon. Napabuntung-hininga siya sa tumatakbo sa isip. "Sige, mukhang maganda nga pumunta muna tayo doon. Para makasagap ng hangin."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD