Conflicted Hearts: Roswald's Dilemma Between Two Loves

1442 Words
Samantala... Hindi din naman mapakali si Roswald gaya ni MJ. Iniisip niya kung bakit hindi din niya napigilan ang sarili at nahalikan niya ang dalaga. Oo nga't mukhang nagulat ito sa una. Mukhang hindi naman din ito nagalit. Pero kapansin-pansin ang di nito pag-imik hanggang sa maihatid niya ito sa bahay. Nanahimik ito na tila may malalim na iniisip. Nagpaalam na lang siya agad dito. Ngayon natatakot siya na baka maging dahilan iyong kapusukan niya kanina sa paglayo sa kanya ng dalaga. Baka mailang ka itong sumama sa kanya. Baka isipin nitong nagtake advantage siya. Kundangan naman kasi at kaakit-akit ito lalo sa malapitan. Hindi niya napigilang gawaran ito ng halik. Nung una ay smack lang ngunit dala ng bugso ng damdamin niya dito ay inulit pa niya at mas dinama ang labi nito. Oo. Matagal na siyang may nararamdaman para kay MJ. Natatakot lang siya na baka mag-isip ito ng masama tungkol sa kanya dahil hindi naman din lingid sa babae ang ugnayan pa niya kay Celestine o munchkin kapag nababanggit niya ang babae dito. Natatakot siyang baka isipin nito na two timer siya. Gayong may idea naman siya sa naging karanasan nito sa isang guard na nanligaw dito noon at naging dahilan din kung bakit nasaktan ito ng husto bago pa sila magkakilala. Hindi din naman naglihim sa kanya ang dalaga tungkol sa bagay na iyon. He thinks it's unfair to let her experience the same trauma again. Wala itong ginagawang masama. Kung bakit hindi din niya kasi masabi kay Celestine ang tungkol kay MJ. Malinaw na usapan nila na kapag may ibang babae siyang nagustuhan ay maaari na niyang iwan ito. He's torn. Hindi din niya basta kayang bitawan si Celestine dahil ito ang karamay niya noong mga panahong lugmok na lugmok siya sa buhay. Si Celestine ang naging kaagapay niya noong ayaw na niyang mabuhay. Hindi madali para sa kanya ang hiwalayan ito kahit pa nga ito mismo ay wala naman nang oras sa kanya. Nasa ibang tao ang oras at panahon nito sa ngayon. Hindi niya din masisisi ito dahil noong magkakilala sila at maging magkaibigan ay alam niyang may asawa at mga anak na ang babae. Oo. Kabit siya ni Celestine. Kaya hindi niya maipakilala ito sa mga kaopisina at hindi madala sa bahay dahil may asawa at mga anak na ito. Knowing the pain of being a lover, a third party, he can't just let MJ to suffer the same thing as he has experience. Buong akala niya kasi noon ay wala nang dadating para sa kanya. Wala nang magmamahal sa kanya maliban kay Celestine. Kaya hindi niya mabitawan ang babae kahit pangalawa lang siya dito. Hanggang ngayon naman ay ganoon pa din. Kahit nandyan si MJ ay hindi naman siya sigurado kung may espesyal din ba itong nararamdaman para sa kanya. Kung may lugar ba siya sa puso nito. Kung kagaya niya ay unti-unti na din nahulog ang loob ng dalaga sa kanya. Pinakiramdaman niya ang sarili. Celestine has a big space in his heart. Pero hindi din siya nahirapang patuluyin si MJ sa puso niya. "Maaari bang dalawang babae ang mahalin niya ng sabay? " Tatlong araw. Tatlong araw na mula nung huling nagkita sila ni Roswald. Tatlong araw na din niyang hindi nirereplyan ang mga texts nito na simpleng "gud am po, lunch na ma'am, ingat" . Mula kasi nung halikan siya nito ay nakaramdam na siya lalo ng pagkailang dito na dati ay pinipilit lang niyang sawatahin dahil friends lang sila. Bigla siyang nalito sa laksang emosyon na naramdaman niya matapos ang first kiss. Hindi ganoon ang dapat niyang maramdaman para sa lalaki. Wala itong maipapangako sa kanya dahil alam naman niya simula't sapol na may ibang nobya ito. Kung hindi man nito matawag na nobya sa harap niya, alam niyang ganun na din ang katumbas ng sinabi nitong someone special. Nalulungkot man siya ay napagdesisyunan niyang umiwas na lang sa lalaki para hindi na mas maging kumplikado pa ang lahat. Natatakot siyang baka mas lumalim pa ang damdaming iniuukol niya para sa binata at sa huli ay masaktan na naman siya. Which will happen eventually under the present circumstances. Ilang ulit niyang inukilkil sa isip na hindi sila dapat na lumagpas pa sa pader ng pakikipagkaibigan. Hindi niya pinagsisisihan na nakipaglapit siya dito dahil ang mga panahong kasama niya ito ang isa sa mga pinakamasayang sandali ng buhay niya. Nagkaron ng kulay at sigla ang dating tahimik lang at boring niyang buhay. Ang pinagsisisihan lamang niya ay yung parte na nahulog ang loob niya dito hindi man niya sinadya. Bilang kapwa babae, inilagay niya ang sarili sa sitwasyon ni Munchkin. Kung siya ang nasa kalagayan nito at malaman niyang may ibang babaeng kahalikan ang nobyo niya ay baka mawala siya sa tamang pag-iisip at kung ano na lang ang magawa niya. Bilang babae ay alam niya kung gaano kasakit ang ipagpalit ka ng taong mahal mo. Though they aren't in that situation yet, hindi pa naman sila umabot ni Roswald sa pagkakaunawaan ay pakiramdam niya nagtataksil na silang dalawa. At hindi maganda sa pakiramdam ang isiping iyon. Kung makikipagrelasyon man siya muli ay ipinangako niya sa sarili na doon lang sana sa lalaking walang sabit. Doon lang sa lalaking kaya siya panindigan. Doon sa lalaking iibigin siya ng siya lamang at wala nang iba pa. At higit sa lahat doon sa wala silang matatapakan na ibang taong masasaktan. Ayaw niyang makasakit ng kapwa. Hurting doesn't give anyone a license to hurt another person. Kung may masasaktan man at dapat lumayo, siya na yun. Dahil siya naman ang panggulo sa maayos na relasyon ni Roswald at ng babae. Oo nga't missing in action ito parati, but it doesn't mean she doesn't love Roswald. It doesn't mean na pwede niyang palitan ito sa buhay ng lalaki. Tama na yung nakahiram siya ng kahit sandali lamang na panahon sa binata. Sapat na yung konting naamot na panahon na naging masaya siya. She decided it's time to say goodbye to him. Habang wala pang apoy na dapat apulahin. Tunog ng cellphone ang bumasag sa kanyang pagmumuni-muni. Nagtext si Roswald. "MJ, you haven't texted me for a while now. May problema ba tayo? " Nagsunud-sunod ang messages nito. "Please textback. Let's talk. Please talk to me? " "Magreply ka naman o'. Hindi mo din sinasagot ang mga tawag ko." Hindi siya makaisip ng irereply dito kaya hinayaan na lamang niya ito. Magulo pa ang utak niya. Ginugulo nito ang takbo ng utak niya. Maging ang puso niya ay nagririgodon sa simpleng pagrehistro ng pangalan nito sa screen ng cellphone. "May off ka ba this week? Let's meet and talk on Friday? Shall we? " isang text pa muli mula sa binata. Ewan kung ano ang nag-udyok sa kanya at nireplyan niya ang huling ng text nito ng "Sige, Friday. " Naisip niyang hindi nga basta lang na pwede niyang balewalain ang binata dahil kahit papano may pinagsamahan na sila. Kung mawawala man siya sa buhay nito ay mas mabuti pa nga ata na magpaalam siya ng maayos dito. She planned on exiting his life gracefully. Napahilot sa sentido si Roswald. Iyon na nga ba ang sinasabi niya. Matapos ang nangyaring pagnakaw niya ng halik kay MJ ay naging mailap na ito sa kanya. Kahit ang dating masigla nitong pagrereply sa bawat text messages niya ay hindi na naulit. Tila nagkaroon na naman ng pader sa pagitan nila. "Back to zero ka boy! Kasalanan mo din naman yan! " pag-usig niya sa sarili. Gabi na ngunit ni hindi pa din siya nito nirereplyan. Tatlong araw na mula nung huminto ito sa pagkausap sa kanya. Alam niyang may posibilidad na nag-iisip ito ngayon at naguguluhan. Ayaw naman din niya sanang makisabay pa sa mga isipin nito. Pero natatakot siyang tuluyang lumayo ang loob sa kanya ng dalaga kaya minabuti niyang padalhan pa din ito ng mga texts kahit hindi siya nito pinapansin. Maya-maya ay tumunog ang kanyang cellphone. Sa wakas nagreply din ang babae. "Sige, Friday." basa niya sa message nito. Nakahinga siya ng maluwag kahit papano. At least nagreply na ang babae at binigyan siya ng pagkakataon na makausap muli ito sa Biyernes. Karaniwang ito ang araw ng pahinga ng babae. Gusto niyang hilahin ang mga araw. Lunes palang ng gabi. Apat na araw pa ang titiisin niya bago makita muli ito. Ayaw naman niya itong puntahan sa trabaho dahil baka hindi siya nito lalo harapin at mapahiya lamang siya. He doesn't think she'll do that to him on purpose. Pero ibinigay na lang niya dito ang pananahimik para makapag-isip ito ng mas maayos bago sila magkita muli. "Oh God, I missed her so much! "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD