Unexpected Kiss: MJ's Confusion and Confrontation

710 Words
"Never get too attached to anyone unless they also feel the same way towards you, because one-sided expectations can mentally destroy you." -anonymous June 12, 2015. Independence day. Alas siyete ng gabi. Hindi magkamayaw ang dami ng taong dumating para manuod ng event sa Circle. Enjoy na enjoy silang dalawa sa panunuod ng fliptop. Nakakaaliw kasi ang banatan ng mga kasali. Halos dalawang oras ang itinagal ng show na nagmistulang mini concert na din. May ibang artists din kasi ang naimbitahan para kumanta. Nahawi din ang mga tao na parang walang nangyaring show doon at naiwan na lang ang mga kalat at pinagbalatan ng pagkain ng mga taong nagsipunta kanina. Mangilan-ngilan na lamang silang naroon. Iginiya siya ng binata sa stage malapit sa mga "skater boys" kung tawagin nito. Grupo ng mga kabataang nagpapraktis magskate board. May kataasan ang stage at balak sana niyang maupo muna doon para magpahinga pero hindi niya makayang iangat ang sarili. Nagulat na lamang siya nang alalayan siya ni Roswald sa magkabilang baywang. Nagmistula itong nakayakap sa kanya habang pilit siyang tinutulungan sumampa sa stage. "Anong ginagawa mo?" maang na aniya. Hindi siya makahinga ng maayos dala ng sobrang kaba dahil halos magkiskisan na din ang dibdib nila. Namumulang inalis niya ang pagkakatangan ng binata sa kanyang baywang. " I can manage coz I'm a manager. Bitiwan mo na ko, dudong!" pakwela niya para kahit papano ay maibsan ang nararamdamang pagkatuliro. Ninenerbyos siyang baka ipagkanulo siya ng sariling katawan. Baka mayakap niya ito at makahalata ito sa damdamin niya para dito na pilit niyang iniignora. Hindi naman siya sinunod ng lalaki. Nang-aasar na lalo nitong diniinan ang pagkakahawak sa baywang niya. Hindi niya mapalis ang kamay nito. Maang na tinitigan niya ang binata para lamang lalong bumilis ang t***k ng kanyang puso. Pano ba naman ay titig na titig ito sa kanya. Sa isang iglap lang ay nagawa nitong angkinin ang kanyang mga labi. Saglit lang. Banayad. Pero ramdam niya ang kilabot na idinulot ng ginawa nito sa kaibuturan ng kanyang p********e. Tila nananantiyang kumibot-kibot muli ang mga labi nito. Dilat na napatili siya sa isip. "OMG! This guy just stole my first kiss! At ni hindi ko siya boyfriend!" Natapos ang halik na nakatulala lamang si MJ. "What the heck just happened? Yun na ba yung first kiss ko? Bakit parang bitin?" reklamo niya sa isip. Tunog ng tawa ni Roswald ang nagpanumbalik sa katinuan niya. Napakurap-kurap siyang minasdan ito. Hindi niya makuhang magalit sa ginawa ng lalaki. Kahit pa nga sabihing nakaw ang haliw na iyon. Hindi maitatanggi na nagustuhan niya. Nagrereklamo pa nga siyang bitin ang halik na pinagsaluhan nila. Di niya nagawang magtanong kung ano ang nagtulak dito at nagawa nito ang bagay na iyon. Parang walang anuman ang nangyari na nagpakanormal siya ng kilos. Baka kasi isipin ng lalaki na ito palang ang nakahalik sa kanya. Kahit totoo man yun ay ayaw naman niyang malaman nito. Sa panahon ngayon ang pagiging virgin ay ikinahihiya na ata sa halip na ipagmalaki. Siya pa kayang kung may "extra-super-mega virgin" na award ay baka siya na ang nagwagi. She's never been kissed. She's never been touched. Ika nga. Nabalewala lahat ng effort ng dalaga para ignorahin ang feelings niya sa binata. Windang na halos sabunutan niya ang sarili habang paulit-ulit na tumatakbo sa isip ang nangyaring paghalik sa kanya ni Roswald kanina sa Quezon Memorial Circle. "Kung bakit ba naman kasi kinaibigan mo pa ang lalaking yun Ma. Janella?! Hindi nga ba't umpisa palang ay binalaan na kita na bawal kang ma-fall sa kanya dahil it will make your situation more complicated!" Inis na nagpapadyak siya sa kama habang nakahiga. Hindi pa nakuntento sinabunutan pa niya ang sarili hanggang sa magulo ng tuluyan ang mahaba niyang buhok. Mukha na siyang mangkukulam ng matapos. Problemadong mangkukulam dahil di pa din mawaglit sa isip niya ang unang halik. "Pano na ngayon? Ano na? How will you act in front of him ng hindi ka awkward?! How can you be just a friend to him now? Hindi ka naman pwede pumayag na maging friends with benefits kayong dalawa. Kaloka ka! " parang baliw na pinapagalitan niya ang sarili. Kung may makakakita lang ng mga pinaggagagawa niya ay baka tumawag na sa mental hospital para ipadampot siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD