Isang buwan pa muli ang lumipas. Nakasanayan na ni MJ na text ni Roswald ang gumigising sa kanya sa umaga. Naging human alarm clock na niya ito. Tagagising sa umaga, tagapagpaalala na kumain sa oras at pati na din sa pagpapaalala na mag-ingat sa pag-uwi. Parang kailan lang nung nahihiya pa itong kuhanin ang number niya. Pero ngayon ay mistula na silang bestfriends. Itinuring na niya talaga itong kaibigan. "Kaibigan lang!" Lagi niyang pinapaalala sa sarili na hindi sila maaaring humigit pa sa pagkakaibigan lang dahil ayaw na niyang masaktan muli. Pero kung tutuusin, kapag magkasama sila ay para silang magkasintahan sa sweetness nila sa isa't isa. Hindi na lamang niya binibigyan ng kahulugan ang kung anuman na ipakita nitong lambing at atensyon para hindi siya mailang dito. She enjoys his companion afterall. Kapag kasama niya ito ay nakakalimutan niyang nag-iisa lang siyang namumuhay sa lungsod. Ito na ang maituturing niyang male bestfriend. Nakakuha siya dito ng isang kaibigan, kapatid, pagkaminsan ay parang tatay pa dahil sobra din itong magpaalala sa kanya. Madaming bilin. Hindi naman niya minamasama dahil para din naman sa kanya iyon.
Hindi natuloy ang plano nitong outing kasama siya dahil may namatayang kaopisina nito. Bilang respeto sa namatayan ay hindi na lang itinuloy ng mga ito ang plano. Which is good on her part dahil hindi na siya nahirapan noon magpaalam pa na magleave ng ilang araw. Gayunpaman, nagpatuloy ang kanilang komunikasyon ng binata at ngayon nga ay close na close na sila nito. Halos kilala na din siya sa buong opisina nito dahil sa tuwing wala siyang pasok ay "dinidisplay" siya nito sa City hall. Dinidisplay ang terminong ginamit niya dahil aminado naman din ang binata na tuwang-tuwa itong kainggitan ng ibang kaopisina kapag nakikitang magkasama sila. Kahit papano daw ay nakaganti ito sa mga pambubuska dito ng mga kasamahan noon na tatanda na lang itong binata ay hindi na muli nagkaroon ng babaeng magkakainteres pa dito. Balewala naman na ito sa kanya. Ipinagkikibit-balikat niya na lang iyon. Kahit pa nga iniisip din ng mga ito na magkasintahan na sila ng binata. Naiinis din kasi siya sa isipin na binubully ito sa opisina na walang magkakagusto na dito dahil para sa kanya hindi naman panget ang lalaki. At hindi naman talaga. Gwapo ito. Medyo chubby at hindi katangkaran para sa isang lalaki pero hindi din maitatanggi na may angkin itong kagwapuhan. Hindi nga ba't si Paulo Avelino ang peg niya para dito? Hindi niya itinatama kunt anuman ang isipin ng mga kaopisina ng lalaki. Bagkus ay sinasakyan na lamang niya. He doesn't mind anyway. Hindi rin nito itinatama ang kung anumang kumakalat na tsismis tungkol dito. It seems he found a new level of confidence nang dahil na din sa kanya. At bilang isang kaibigan ay natutuwa siya para dito.
Hindi lang naman ito ang may pakinabang sa set up nilang laging magkasama, sweet pero walang relasyon kundi pure friendship lang. Napapakinabangan din niya iyon. Madalas din kasi itong bumisita sa mall na pinagtratrabahuhan para makita siya. Gaya ng mga kaopisina nito ay inaakala din ng mga kapwa niya tenants na magnobyo sila. Tuluyan nang nabaon sa limot ang nakaraan niyang "pagiging kabit" di umano ni Efraim.
Mga kaibigan lang nila ang may alam ng real score between the two of them. Kahit na maging ang mga ito ay may konting pagdududa na wala talaga silang relasyon. Lalong lalo na si Kharlyn. Hindi na lang nito masyadong inuungkat ang tungkol sa bagay na yun dahil alam naman nitong wala itong makukuhang impormasyon sa kanya. Her lips are sealed. Well, not totally sealed dahil totoo naman ang sinasabi niya na wala silang relasyon. Ayaw lang nitong maniwala. Masaya naman daw ito sa kung anuman ang meron sa kanila ni Roswald. At kung sila na nga daw ay hindi naman ito kokontra. Bagkus ay baka magpaparty pa daw ito na ikinakatawa niya parati.
Pilit niyang iwinawaksi ang kung anumang damdamin na sumisibol sa kanyang puso. Katwiran niya ay hindi pwedeng maging sila ni Roswald. May iba na itong itinatangi, hindi lang nito nakakasama parati dahil ayon na din dito ay nasa malayong lugar ang babae at mukhang sa pageenjoy sa kalayaan ay nakalimutan na na may lalaki palang naghihintay dito. Hindi naman nito itinatago sa kanya ang bagay na iyon. Madalas niyang makita itong may katext na "munchkin" sa screen at alam niyang iyon ang babae. Patuloy pa din ang komunikasyon ng mga ito kahit sa cellphone lang. Hindi siya nagtatanong dito kung nasan ang babae. Ayaw naman niya kasing lumabas na atribida o pakialamera. Kung may nalalaman man siya tungkol dito ay yung kung ano lamang ang sinasabi sa kanya ng binata. Kaya hindi niya ineentertain ang sariling nararamdaman. Alam niyang nahuhulog na ang loob niya kay Roswald. Ineenjoy na lang niya ang presensya nito sa buhay niya. Alam niyang isang araw ay dadating na lang bigla ang babaeng minamahal nito. Si "someone special o munchkin" gaya ng endearment nito sa babae. At ayaw niyang maging hadlang ang nararamdaman niya para dito kung sakali.
Ayaw niyang gawing mas kumplikado pa ang sitwasyon gayong wala naman din sinasabi ang binata kung ano ba talaga sila bukod sa friends. Kunswelo na lamang niya na hindi naman kahit kailan nagtake advantage ang lalaki kapag magkasama sila. Kahit hindi maitatanggi ang sweetness na ipinapakita nito sa kanya ay hanggang ganun lang naman ito. Gentleman ito. Iyon ang isa sa mga bagay na hinahangaan din niya dito. Mula sa pagsakay sa jeep, pagpapaupo nito sa matanda at bata sa bus, pag-alalay nito sa kanya o kung sinuman ang nangangailangan ng tulong ay bilib siya dito.
"How can I not love you Roswald?" yun ang tanong niya sa sarili habang nakatitig sa screen ng cellphone kung saan nakapaskil ang mukha nito. Ginawa niya itong wallpaper. Wala itong kaalam-alam tungkol sa bagay na iyon. Sa tuwina ay tinitingnan niya ang larawan nito kapag namimiss niya ang lalaki.
Kuha iyon minsang nasa Farmer's Plaza sila sa Cubao. Stolen shot. Naglalakad ito sa harap niya ng bigla niya itong tawagin ng malakas dahilan para mapalingon ito sabay kuha niya dito ng litrato na ikinangiti naman nito. Idinahilan niya na gusto kasing makita ng mga kapatid niya kung ano ang itsura ng bago niyang kaibigan na ibinibida sa mga ito. Pauwi din siya ng Bulacan noon at bago pumunta ng terminal ng bus ay inaya muna siya nitong kumain sa naturang mall na hindi naman niya tinanggihan.
"Here I am, standing close to you
And it's still so far away
So many times, I tried to say
But my heart was afraid
Look at you is all that I can do
Like a silly girl, I stare
'Coz you might leave me when I reveal
What my heart is really feeling.."
Nagpatugtog siya gamit ang cellphone. Tila siya tinutuya ng kantang "If you and me" ni Juris. Sakto sa nararamdaman niya ang bawat letra ng kantang iyon.
If I could just say the words
All the secrets in my heart and in my soul you'll hear
Will you take me in your arms or let me go
Our lovely days will they just fade like whispers in the wind?
If I could just say the words
All the secrets in my heart and in my soul you'll hear
Can't you see the love I hide slip through my eyes
This silly girl so scared she just can't say "I Love you."
Malungkot na pinatay niya ang tugtog at nag-ayos ng sarili. Magkikita sila ni Roswald ngayon. Inimbitahan siya nitong manuod ng show sa Quezon Memorial Circle. Mahilig ito sa fliptop battles at naimpluwensiyahan na din siya nito. Paborito niya si Abra. Dahil sa kakatwang pagfliptop nito. Idagdag nang para lamang itong nagsisitula na talaga namang hilig niya.