Unexpected Connections: MJ and Roswald's Growing Friendship

766 Words
"I could talk to you for hours and not get tired of your voice or your laugh. I could never get tired of seeing you smile. I really could never get tired of you at all." -anonymous Hindi makapaniwala si MJ sa bilis ng mga pangyayari. Natagpuan na lang niya ang sarili na pumapayag sa imbitasyon ni Roswald na isama siya sa outing ng mga ito. Kasalukuyan silang kumakain sa labas kasama si Kharlyn na sige din naman sa pagbuyo sa kanya na sumama na lang at magenjoy paminsan minsan. Para daw maiba naman at hindi pulos apat na sulok ng bahay ang nakikita niya. Napaisip tuloy siya kung paano magpapaalam sa superbisor niya na ubod ng istrikta. "So, as I was saying, I'll just pick you up sa bahay mo that day, MJ." Yun ang nakapukaw sa naglalakbay niyang diwa. "Huh? " "Sabi ko po, susunduin na lang kita sa bahay mo nun. All you have to do is prepare your things." nakangiting ulit ni Roswald. "Ah, sige. Oo, sige. Ganun na lang nga." "Yehey!! Excited na ko para sa inyong dalawa. Mag-enjoy kayo ah! Gusto ko pagbalik nyo, you're closer than today ah." nakangising singit ni Kharlyn sa usapan. "Yes, of course. I think ngayon lang ako mageenjoy sa tanang buhay ko nang dahil sa outing." Hindi na naman mapuknat ang mata ng binata sa pagkakatingin sa kanya. Tila ba nagsasayaw na naman sa tuwa pati mga mata nito. "Is that mere amusement or fondness that I can see in his eyes?" Hindi na lang siya nagkomento at kiming ngumiti. Maling isipin na fondness nga ang nakikita niya sa mga mata nito. Hindi naman sila higit pa sa magkaibigan. Kakikilala lang din nila isang buwan na ang nakaraan. Pang-apat na beses pa lamang silang nagkasama nito. At sa tuwina'y saglit lamang. Pinayapa niya ang sarili. Sinimsim niya ang inumin sa harap. Maya-maya ay nagkaayaan naman na din sila umuwi. Ihinatid nila sa sakayan si Kharlyn at hindi naman pumayag si Roswald na umuwi siyang mag-isa kahit malapit lang naman ang bahay niya. Sinabayan siya ng binata sa paglakad pauwi. Isang kanto lang naman kasi ang layo ng kinainan nila sa bahay. Tahimik lang silang naglakad. Sobrang tahimik na hindi na natagalan ng lalaki at ito na ang kusang bumasag ng katahimikang bumabalot sa paligid. "Ahm, MJ." Napalingon siya dito. May agwat kasi sa pagitan nila kahit sabay silang naglalakad. Nasa bandang likuran niya ito. "Yes?" "Ahm.. Can I have your phone number?" tila nag-aalangan pang sabi nito. "You see, ang hirap kasi lagi pa kong dumadaan muna kay Kharlyn bago kita makita. I mean, ahm.. I wanted to text you, talk to you. Argh! I'm not good at this! Can I just have your phone number? " Napangiti siya sa tila frustration nito sa paghanap ng tamang salita na dapat sabihin sa kanya. Gaya din noong nafrustrate ito dahil lamang sa walang ice cream ang halu-halo ng Chowking noong una nilang pagkikita. Nagkatinginan sila. Ang tinginan ay nauwi sa tawanan dahil mukhang nahulaan nito kung bakit nangingiti na naman siya. "Pwede ko na bang mahingi ang number mo ngayon?" Gusto niya atang kiligin sa uri ng tingin na ipinupukol sa kanya nito sa ngayon. Para bang mahal na siya nito. "Tseh! Ma. Janella. Tumigil ka! Ayan ka na naman sa pagka-assumera mo! " Iwinaksi niya ang gayong isipin. "Sige ba. Basta ba ibibigay mo din ang number mo sakin. Mahirap na, baka mamaya may unknown number na magtext sakin eh ma-who-you-po pa kita ng wala sa oras. " "Sure. Sure. Let me borrow your phone for awhile." Ito na ang kusang nagtipa ng numero nito sa cellphone niya. "There. Saved. Yung number mo naman. Walang dayaan." "Haha. Jinojoke lang kita. Binigay mo naman agad number mo sakin. Yari ka ngayon! Ipopost ko sa f*******: number mo para madami ka na katextmate! " nambubuskang aniya sa binata. Napasimangot itong bigla sa tinuran niya. At ewan ba, parang mas lalo itong naging cute sa paningin niya. Parang batang inagawan ng lollipop at nagtatampo ang itsura. Yun lang at natawa na naman siya sa inaasal nito. Nagtipa siya sa keypad ng "Emjay" just like how her friends type it on text. At isinend sa numero ng lalaki na kakabigay lang nito. Tumunog ang cellphone nitong hawak. Napangiti na ito ng makita ang message sa inbox na walang iba kundi ang text niya dito ng pangalan niya. "Ano, ok ka na? " "Yes. Satisfied. Thank you." Ganun nito nakuha ang number niya. Pagkauwi ng bahay ay tinext na siya nito agad ng isang simpleng "good night, sweet dreams!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD