bc

THE COLD CEO AND THE RAMEN GIRL

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
one-night stand
escape while being pregnant
second chance
heir/heiress
assistant
like
intro-logo
Blurb

ARIANE REYES x SEBASTIAN KURODAShe's sunshine. He's a storm.INTRODUCTION - The Full Story of Them Before The StormHindi lahat ng tao pinanganak sa magandang mundo. Yung iba, kailangang lumuwas pa ng Maynila para lang hanapin yun. At hindi lahat ng tao na nasa magandang mundo, masaya. Yung iba, nakatira sa penthouse ng pinakamahal na hotel sa BGC, pero mas malamig pa sa aircon ng lobby ang puso.Ito ang kwento ni Ariane Reyes at Sebastian Kuroda.ARIANE REYES — 23 YEARS OLDSi Ariane Reyes ay ipinanganak sa isang maliit na bahay sa Candelaria, Quezon Province. Hindi mahirap na mahirap, pero hindi rin mayaman. Yung tipong sapat lang. Yung tatay niya ay tricycle driver, yung nanay niya ay nagtitinda ng kakanin sa palengke tuwing umaga. Bunso siya sa tatlong magkakapatid. Lumaki siya na ang laruan ay hindi Barbie kundi mga takip ng bote ng softdrinks na ginagawang tansan.Pero kahit ganoon, lumaki siyang may mabuting puso. Hindi dahil tinuruan siya ng mundo na maging mabait. Lumaki siyang mabait dahil yun lang ang alam niya.Bagong graduate ng Hospitality Management sa Batangas State University. c*m Laude. Hindi dahil matalino siya na parang genius, kundi dahil masipag siya na parang walang bukas. Habang yung mga kaklase niya nagpa-party after exams, siya nasa library, nag-aayos ng thesis na paulit-ulit niyang ni-revise. Habang yung mga kaklase niya nag-a-apply sa barko para maging cruise ship crew, siya, nag-apply sa Maynila. Bakit? Kasi mas malapit sa nanay niya. Kasi gusto niyang uuwi pa rin siya tuwing linggo kung may pamasahe.Lumuwas siya ng Manila dala lang ang isang maletang kulay pink na sira na ang zipper kaya nakatali na lang ng alambre, isang resume na naka-plastic cover para hindi mabasa ng ulan, at isang panyo na may burda na "A. Reyes" na binigay ng mama niya. Sabi ng mama niya, "Anak, kapag kinakabahan ka, hawakan mo lang yan. Nandito lang ako."Hindi sanay si Ariane sa mayayaman. Hindi sanay sa City. Sa Quezon, kapag sinabi mong "hotel," ang ibig sabihin ay may aircon, may mainit na tubig, at may libreng sabon na maliit. Sa Manila, nalaman niyang ang hotel pala pwedeng may 57 floors, may private elevator na hindi pwede sakyan ng kahit sino, may lobby na amoy hindi niya ma-explain pero amoy pera, at may CEO na mas malamig pa sa aircon.Mabait si Ariane to the point na iniiwasan na siya ng iba kasi too good siya. Yung tipong ibibigay niya yung baon niyang dalawang boiled egg sa kasama niyang walang pamasahe. Yung tipong kahit sinungitan na siya ng guest, ngingiti pa rin siya at magsasabi ng "Pasensya na po talaga, Ma'am." Hindi siya martyr. Hindi siya tanga. Sadyang naniniwala lang siya na kapag mabait ka sa tao, babait din ang mundo sa'yo. Kahit ilang beses nang pinatunayan ng mundo na hindi totoo yun.Laging naka ponytail. Hindi dahil fashion, kundi dahil wala siyang pambili ng magandang hair clip at ayaw niyang nakaharang ang buhok sa mukha niya pag nagtatrabaho. Minimal make-up — pulbos lang at lip balm na may kulay. Yung uniform niya laging plantsado kahit luma na. Yung sapatos niyang black, ilang beses nang natahi sa ilalim pero pinupunasan niya pa rin gabi-gabi gamit ang lumang t-shirt.Hindi siya marunong mag-flirt. Ito ang pinaka totoo sa lahat. Hindi niya alam kung paano. Kapag may nagsasabing "Ang cute mo naman," ang sagot niya lang, "Thank you po, kayo rin po." Literal. Walang halong landi. Kapag may guest na medyo dumidikit, lalayo siya ng bahagya at magsasabi ng "Sir, may kailangan pa po ba kayo?" Hindi dahil pa-hard to get. Hindi niya talaga alam na nilalandi na siya.Kaya lahat ng tao sa Kuroda Grande ina-underestimate siya."Masyadong inosente 'yan, hindi tatagal kay Sir Sebastian. Isang tingin lang ni Sir, iiyak na yan.""Two weeks lang yan, magre-resign din. Hindi pang BGC ang batang yan.""Ang bobo mag-ayos ng sistema, ang bagal."Pero ang hindi nila alam — yung inosente, yun din ang pinakamatapang pag nasaktan na. Hindi siya lumalaban dahil matapang siya. Lumalaban siya kasi wala na siyang ibang pagpipilian. Kapag pamilya mo ang nakataya, matututo kang tumayo kahit nanginginig ka.At yun si Ariane. Isang babaeng inosente, pero hindi mahina.SEBASTIAN KURODA — 32 YEARS OLDSi Sebastian Kuroda naman, kabaliktaran ng lahat ng meron si Ariane.CEO ng Kuroda Grande, the most luxurious 5-star hotel in BGC. The only all-black themed luxury hotel sa Pilipinas. Hindi lang hotel — empire. Ang Kuroda Grande Manila ay isa lang sa labing-apat na Kuroda hotels sa buong mundo. Tokyo, Osaka, Singapore, Dubai, New York, at ngayon, Manila. At lahat ng yun, pag-aari ng pamilya Kuroda.Half-Japanese, half-Filipino. Ama niyang Japanese na si Hiroshi Kuroda ang nagtayo ng Kuroda empire sa Tokyo noong 1980s, from a small ryokan hanggang sa naging international chain. Ina niyang Filipina na si Teresa, dating receptionist sa Kuroda Tokyo, na nagmahal, nabuntis, at iniwan din sila nung 10 years old si Sebastian para sumama sa ibang lalaki sa Canada.Doon nagsimula ang lahat

chap-preview
Free preview
lumuwas ako ng Maynila upang maghanap ng trabaho para sa aming pamilya, at para na rin makalimot
Prolonged "Hi! Ako nga pala si Arianne', 22 years old anak ng Mag sasaka, Bunsong anak Nakipag sapalaran sa siyudad dahil, Ang panganay kong kapatid ay nag asawa ng maaga kaya ako na lng ang tanging pag asa nila, Nag tapos ako ng pag aaral sa kursong HRm sa isabg public na paaralan sa aming probinsya , isang skolar, Kaya namn pinag buti ko ang pag aaral ko dahil ayokong Ganun lng ang buhay ko, Habang binabagtas ko ang daan, Papuntang, Maynila, naalala ko ag ex ko, Na minahal ko ng lubusan, pero dahil meron siyang gustong kunin, na ayaw kong ibigay, pinagpalit niya ako, ayun Nasaktan ako, pero okay lng, dahil May pangarap ako, pangarap ko na iahon sa kahirapan ang magulang ko, Yung hindi na kami mag uulam ng puro talbos lng, ng bagoong isda, toyo at mantika, pero masarap naman Yun, Nasaktan man ako, pero okay lng mas Maganda naman ako, May promise promise pa siya na ng sampung anak pero, sa iba namn nanganak, tapos ang ang palagi pa niyang kinakanta ay "Dadalhin kita sa akong palasyo' by Regine Velasquez pero iba namn ang dinala niya sa sa kubo niya . Napaluha nlng ako, habang yung katabi kong si manong ang lakas pa ng hilik, Buti pa si manong malakas ang hilik, ako naiiyak parin ako, Kasi First love ko si Daniel Timing naman si Estella hiring dw sila sa Hotel kung saan siya Nagttrabaho, Kaya namn tinawagan niya ako At doon nlng dw ako paaplayin, Hindi namn sa pag mamayabang May itsura namn ako at matangkad, Clumsy nga lng! Fast forward! Nasa manila na ako Habang inaantay ko si Estella sa Terminal, kumain muna ako ng boiled Egg, kasi hindi ako kumain kagabi, Tumutunog na kasi ang tyan ko, Habang nakaupo ako sa couch, may nakita akong Gwapo nakatayo naka eyeglasses parang Oppa, dalawang metro ang layo mula sa kinuupuan ko Nakabag ng black bowling bag Tapos naka fit black T-shir and black pants Bakat na bakat ang mga abs at muscle sa legs. Naramdaman niya atang nakatingin ako sa kaniya biglang humarap tapos tumingin sa part ko , binaling ko nlng sa iba ang tingin ko bigla, Mayat maya biglang tumunog cellphone niya biglang nag salita ng japanese , "Kon'nichiwa! , basutāminaru de matteimasu. Mukae ni kite kuremasu ka? E e, kare to hamou hanashi o tsukemashita. 3Kagetsu-go ni, achira ni shiten o dasu yoteidesu. Ē! Totemo sutekina bashodesu yo, soshite josei-tachi mo . Na ang ibig sabhin Hello, I'm waiting at the bus terminal. Could you come pick me up? Yes, I've already settled things with him. We plan to open a branch there in three months. Oh, yes! It's a wonderful place-and the women are lovely, too. Tapos biglang ulit napatingin sakin Eksaktong tumingin din ako sa kaniya Namilog ang mata ko at namula ang pisngi ko , aba simpleng manyak ito! Akala mo di ko naintindihan ha, Nag aral kaya ako ng japanese kasama kaya yan sa sa subject ko 😒 at favorite subject ko pa nga nung college. Sa isip ko. maya maya May dumating na black wiggo na sasakyan tapos sumakay na siya. Hindi rin nag tagal dumating si Estella. Bibuhan namin ang isang carton, na dala ko, may laman ng 5 kilos na bigas at mga gulay at prutas. Nagpara siya ng taxi, ang mga ilang minuto lng nakarating kami sa apartment niya, may cr sa labas at lababo sa loob namn may double deck na higaan, tapos may dlawang bintana na nakaharap din sa malaking building, "Welcome, here sa Manila, Umalis yung kasama ko, kakaalis lng nung isang linggo nagforce to resign, kasi nag pull out sila ng item, may nag sumbong at pull out silang lahat sa branch kaya sabi ko Paaplyin kita kasi malaki sahod gorl , May service charge saka mababait ang boss wag ka lng talaga lalagpas sa rules and regulations, at behave lng gorl kasi yung CEO suplado, Napa tingin nlng ako sa kaniya Likas kasi siyang madaldal, At makwento pero namiss ko siya kasi siya ang kabody ko nung nag aaral pa kami, kasamA ko sa hirap at ginhawa hanggang makapagtapos kami nauna lng siyang lumuwas dahon ginusto ko mag trabaho sa hotel kung saan kami nag OJt nung college Madami pa siyang kwento ragarding sa boss niyang suplado, Cold mafia lng ang Peg. Kinabukasan, Nag walk in ako sa Agency kung saan nag apply si Estella, Nag book siya ng grab para hindi na ako mahirapan mag hanap hanap, Medyo malayo pero sulit namn dahil Pag dating ko doon, Schedule nlng ako for final Interview Kay Sir keichi Kuroda COO Ang sabi ng Hr " Kailangan nakasmile ka ha, tapos deretso sagot ka, pag sinabi niya na, halimbawa lilipat ka sa mas malayo, yes lng ng yes, Pagkatapos nun ay umuwi na ako, nag tanong tanong nlng ako kung saan yung sakayan kasi hindi ko na matawagan si Estella, siguro naka duty na siya, Kaya hindi na siya sumasagot. Pag karating ko ng apartment naglinis muna ako pagkatapos ay nagluto ako ng kakainin ko, Tinawagan ko ang akong inay, baka nag aalala na at hi di po pla siya natawGan kahapon " ARIANE! ano kumusta ka na jan, "Okay naman inay, nag apply na ako Schedule para sa final interview sa monday dalawang araw pa, " Naku sana matanggap ka anak , Kasi mahirap ngayun dto, krisis, walang mautangan ng pera, " Sige may, hayaan mo gagalingan ko, " oo anak, papanalangin ko din sa taas na sana matanggap ka agad, " Basta lagi mong tatandaan, kahit gaano kahirap ang sitwasyon , lagi kang ngumiti at manalangin, "Oo namn nay, miss ko na kayo jan". " I miss you na din anak" "Wala akong gigisingin ng maaga para pumasok, Yun lng at nag paalam na ko Naiiyak nanaman kasi ako dahil unang beses kong malayo sa kanila, Mahirap kasi sa amin dahil kakarampot lng ang sahod tapos, parang napupunta lng sa pamasahe lahat ng sinasahod ko, Ang kalahating ektarya ng lupa ni tatay ay nakasanla dahil sa pag aaral namin kuya kaso si kuya ay nakabuntis at isang taon nlng sana para makapag tapos siya kaya lng mas pinili nlng niyng tulungan si tatay sa bukid, Habang nag iisisp ako hindi ko namalayang nakatulog ako At pasado ala sais na nung magising ako, Nagising ako sa busina ng mga sasakyan sa labas , Napaiisp ako malayong malayo talaga ang katahimikan s probinsiya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Arranged Bride of the Moravilla

read
3.0K
bc

MANO PO, NINONG (The Forbidden Love)

read
259.3K
bc

Pleasuring my Senyorita (SPG)

read
89.4K
bc

Salatin Mo, Doc. Demetrius (SPG)

read
88.7K
bc

Kuya Obsession Series 3: Taming my Rude Seniorito(Spg)

read
178.0K
bc

UNANG TIKIM: MY DAD'S BESTFRIEND (SSPG)

read
11.6K
bc

Inangkin ako ni Ninong (SPG)

read
39.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook