Chapter 1: Paanyaya

1234 Words
Chapter 1 Kasabay ng pag-indayog ng nagtataasan mga kawayan at halaman ay ang pagdampi ng malamig na hangin sa aking balat. Ang buong lugar ay napapaligiran ng kulay gintong palayan habang ang mga tao sa di kalayuan ay babad sa putik at initan. Matapos ang matagal na paghihintay, dumating na ang buwan ng sakahan, ang pinaka-paborito ko sa lahat. Ang amoy ng buong paligid ay kakaiba, ang masasayang mukha ng magsasaka at ang mga batang naglalaro sa malanis na damuhan. Ang buhay sa probinsya, kung saan lahat ay nagkakasundo ‘t nagbibigayan kahit kailan ay hindi ko ito ipagpapalit at iiwan. “Leng, maari ba na makisuyo na dalhin ito sa Hacienda ng mga Nevalga?” ani ni Irene dala ang dalawang baunan sa kamay nito, “may klase pa kami, mahuhuli ako kung ako ang magahahatid nito kela nanay.” Paliwanag niya. “Walang problema,” sabay abot ng kanyang hawak. “ako na ang magdadala.” Malaki ang kanyang ngiti na nagpasalamat at tumakbo na pabalik sa kanilang tahanan. Kinuha ko na din ang iilang mga gamit sa loob ng bahay at naglakad papunta sa Hacienda. Kailangan ko sukatan ang anak ng mayordona para sa ika-labing walong kaarawan nito. Nang makarating sa Hacienda ay bumungad sa akin ang ilang mga magsasaka, nagtatawanan at nagkwkwentuhan habang sabay-sabay na nagsasalo-salo sa kanilang mga pagkain. Hindi ako nahirapan na hanapin si Aling Merna at Mang Arturo, ang mga magulang ni Irene, na nasa sulok habang nagpapahinga. “Oh, Leng, bakit ikaw ang may dala nito at hindi si Irene?” nagtatakang tanong ni Mang Arturo bago dali-daling inabot ang dalawang baunan. “Iyon talagang bata na iyon, inistorbo ka pa na ihatid ito dito.” “Hindi po, may kailangan din po ‘ko kaya sinabay ko na ang mga ito.” Paliwanag ko. Naagaw ang aking atensyon sa malaking makina sa hindi kalayuan, ngayon ko lang iyon na kita at dito lamang din sa Hacienda. “Para saan po iyon?” tanong ko sabay turo ng bagay na iyon. “Makina na mas nagpapabilis ng paggapas ng mga palay.” Malungkot na tugon ni Aling Merna, “nakakatakot lang ang bagay na ‘yan dahil baka susunod ay makina nalang ang kanilang paandarin at tuluyan nang mawalan ng hanap buhay ang magsasakang katulad natin.” “Kaya kung iyong mapapansin, kumapara sa nakaraaan ay kalahti ng magsasaka ang nawala ng trabaho dahil inangkin na ng makina ang kanilang mga trabaho.” Dagdag pa ni Mang Arturo. Tumingin ako sa paligid, tama nga ang kanilang tinuran, mas kakaunti ang mga tao ngayon kumpara sa dati at kung patuloy na gagamitin ang makina ay mas mapapabilis ang pagtapos ng kanilang hanap-buhay sa Hacienda Nevalga. Hindi ako makapagsalita matapos ang kanilang sinabi. “Myle!” matinis na sigaw ng dalagitang papalapit sa aking pwesto, “kanina pa kita hinihintay, gusto ko makita ang mga bago mong desenyo.” Nagpaaalam na ako sa mag-asawa at nagpahila sa anak ng mayordoma. “Ito ang lahat ng mga desenyo ko na binasa sa lahat ng sinabi mo, magmula sa kulay ng tema, sapatos, at pusod na iyong isusuot.” Inabot ko sa kanya ang libro kung saan nakalagay ang mga gawa ko. Sa dami niyang pabor na ipinalalagay sa kanyang susuotin ay nahirapan akong gawin at inabot ng ilang buwan bago makagawa ng desenyo na papasok sa kanyang panlas. Laking pasasalamat ko na lamang din dahil maaga nilang sinabi sa akin. “Mamimili na muna ‘ko at hihintayin si mama para sa kanyang opnion.” Tumango lang ako at hinayaan siyang magbuklat. Inilibot ko ang tigin sa buong hacienda, magmula sa mamahaalin na materyales na ginamit upang maitayo ito hanggang sa malilit na pang-desenyo sa buong lugar. Sa lugar pa lamang na ito ay kita na ang rangya ng buhay ng nagmamay-ari ng buong lugar na itto. At kahit isang beses ay hindi ko pa nakita ang itsura o naramdaman ang presensya ng mga ito. Lumipas ang oras at laking ginahawa ko ng mapili na siya. Nagbigay na din ng paunang bayad ang kanyang ina para sa materyales na aking gagamitin sa pagbuo ng kanyang susuotin. Magdidilim na din sa labas at may kalakasan ang hangin na tila nagbabadyang umulan. “Hija, magkakaroon ng malaking handaan ang hacienda sa darating na sabado at imbitado ang lahat ng taga-rito. Maari ba asbihin ito sa lugar niyo upang makadalo ang lahat?” may ngiti na ani ng mayordoma. “Sige po.” Tugon ko bago nilingon ito, “pero maari din po ba malaman kung bakit magkakaroon ng handaan?” ito ang unang beses na magkakaroon ng handaan, siguradong may malaking magaganap at kailangan asahan. “Darating ang nag-iisang anak ng may-ari ng Hacienda. Gusto niyang pasalamatan ang lahat ng taga-rito sa pagtratrabaho at pagbabantay nitong buong lugar at hanggang sa maari ay gusto niyang makadalo ang lahat.” Paliwanag nito. Pasalamatan ang lahat? Hindi naman pala ganon kasama ang ugali ng may-ari ng Hacienda na ito maliban sa pagpili nilang maglagay ng makina kesa tumanggap ng mga manggagawa. At sa dami ng maaring dumalo sa handaan, hindi kaya mabutas ang kanyang bulsa? “Maari ba, hija?” nabalik ako sa katinuan ng magsalita muli ang ginang. “Opo, wala pong problema.”tugon ko sabay ngiwi. Nagmamadaling akong umuwi bago pa tuluyan dumilim ang paligid, kakaunti na lamang sa daan kaya ‘t lakad-takbo ang aking ginawa makauwi lamang. Mabuti nalang at nakita ko si Mang Arturo sa daan habang hila-hila ang kanyang alagang kalabaw. Nang makarating sa bahay ay bukas na ang ilaw, ang lakas ng kabog ng aking dibdib at dali-daling pumasok ngunit laking panghihinayang ng makita si Irene sa maliit na hapag habang nagbabasa ng makapal na aklat. “Andito ka na,” aniya na di nagtataas ng tingin. “Dito na muna ako sa iyo, kanina pa magmula ng umuwi si nanay ay hindi na tumigil sa pagsesermon, hindi ako makapagbasa ng maayos. Mukhang nagtatalo na din sila ngayon ni tatay.” Paliwanag niya. Tumango ako. “Kumain ka na ba?” “Hindi pa pero nagdala ako ng pagkain na kasya sa ating dalawa, sabay na tayo.” sa pagkakataon na ‘yon ay binababa niya na ang libro at tinanggal ang nakatakip sa pagkain. “Naiingit ako sa iyo, mayroon kang tahimik na buhay dito at malayang nagagawa ang gusto mo samantala ako kailangan pang magpaalam kung aabutin ng alas-sais sa labas.” Nakatalumbaba niyang usal bago inilibot ang tingin. “Mas naiingit ako sa iyo, may maingay sa bahay niyo at napagpapatuloy mo ang pag-aaral na walang ibang iniisip.” Malungkot na ngiti ang sumilay sa aking mga labi ng maalala kung gaano na katagal ang huling narinig ko ang masayang tawanan sa loob ng bahay, ang pagtatalo nila, ang walang katapusan na sermon na minsan ko na din kinainisan. Ngayon ay hindi na maibabalik at maliit na tyansa na lamang na magkita kami muli. “Oo nga pala, magkakaroon ng malaking salo-salo sa Hacienda Nevalga sa darating na sabado.” Usal ko. Napansin ko ang agad na pagningning ng kanyang mga mata, “kung interesado ka magpunta ay gawin mo ang lahat ng gawain mo ng maaga.” “Pupunta ka?” mabilis niyang tanong. “Dipende.” Kibit balikat kong sagot. May mas marami pa ‘kong kailangan trabaho na tapusin bago ang magpunta sa kasiyahan na hindi naman ako kikita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD