Chapter 2: Napakagandang Pangalan

1647 Words
Ang lahat ay naghahanda para sa darating na kasiyahan sa sabado, mas lalo na ang kababaihan na nag-aasam na mapansin sila ng haciendero na bibisita. Karamihan sa mga dalagita ay dadalo, laking usap-usapan din ang nalalapit na gabi na ‘yon. Sa hindi mabilang na pagkakataon ay pinasan ko ang aking noo. Tirik na tirik ang araw at heto ako nagbibilad ng palay. Ilang araw na din ang lumipas ng pumasok ako bilang trabahador sa hacienda bilang taga-bilad ng mga sinakang palay. Ilang sako ‘yon, sobrang lawak na din ang sinakop para sa pagbibilad ng mga ito. “Hija, nailatag na ang lahat. Magpahinga ka na at bumalik na lamang dito mamayang hapon upang ibalik ang mga iyan sa mga sako.” Tawag ng namamahala sa pagbibilad. Maraming trabahador ngunit bibilang lamang ang mga dalagitang katulad ko na tumutulong, karamihan sa kanila ay tinanggihan ang pagbibilad dahil sa paghahanda sa kasiyahan. Akala ata nila ay mapapansin sila dahil sa balat nila. “Sige po. Babalik na lang po ‘ko dito mamayang hapon.” Kailangan ko pa tapusin ang na-umpisahan sa ginagawa kong gown. Nang pumayag ang namamahala ay dali-dali kong inayos ang aking gamit at umuwi. Sa aking pagdating ay si Irene ang agad na bumungad sa akin, tahimik itong nagabbasa habang nakatapat sa electricfan. “Ano na naman ang ginagawa mo dito?” tanong ko sa kanya. “Maingay sa bahay, hindi ako makapag-aral ng maayos.” tugon niya na hindi nag-abalang itaas ang tingin sa akin. “Sisingilin din kita ng kuryente.” Paalala ko. Ilang araw na siyang andito, hindi ko alam kung ano ang pinag-aawayan sa kanila pero alam kong naapektuhan na siya sa gulo ng pamilya. Ganito naman ang madalas niyang inaakto sa tuwing may hindi magandang nangyayari sa kanila, tatakbo siya dito hanggang sa maging ayos na sa kanila. Inilalayo niya ang sarili sa stress kaya hinahayaan ko na din siya. “Sabado na bukas, matatapos ko na ang lahat ng ito.” Pagputol niya sa katahimikan na namamagitan sa amin, “anong balak mo?” “Dipende kung matapos ‘ko ito.” Sabay taas ng tela na hawak ko. Sa bawat araw ay kailangan may matapos akong parte, medyo matagal pa naman pero mas mabuti ng matapos kaagad para Maitama pa ang mga bagay na mali. Mas lalo na ‘t medyo demanding ang bata na magsusuot nito. “Parang ayaw ko na dumalo.” Napahinto aking ginagawa. Nakaraan lang ay nasasabik siyang dumating ang sabado pero ngayon ay tila nagbago. “Nang dahil sa pagpapakilala at pagdala sa lugar natin ng makina na iyon ay maraming magsasaka ang mawawalan ng trabaho.” “Nakakapanibago, hindi mo madalas problemahin ang ganyang problema mas lalo na ‘t hindi naman sa loob ng inyong pamilya.” “Pagsasasaka ang hanap-buhay ng pamilya ko, Leng. Apektado ang mga magulang at ako sa dinala nilang bagong teknolohiya na magpapabilis ng lahat. Nakakatakot isipin na baka sa susunod ang magsasaka dito sa atin ay mawalan ng silbi at mapalitan ng makina na iyon.” Pagak siyang tumawa na nagpatahimik akin. Iyon din ang aking iniisip. Ngayon na kilala na ang makina at usap-usapan na din ‘yon sa ibang may-ari ng lupa ay maaring doon na lamang din sila umaasa. Tanging pagsasaka ‘t pagtatanim lang ang hanap buhay ng mga tao dito sa probinsya at kung pati iyon ay mawawala sa kanila ay wala silang ibang pagkakakita at mapipilitan lumuwas upang magtrabaho. “Pero bilang negosyante ay malaking kalamangan iyon sa kanila. Iyon nga lang ay marami talagang mawawalan ng trabaho at mas mapapadali ang lahat.” Sagot ko. Malalim na hinihinga ang kanyang pinakawalan. “Ang babaw ko ba? Nag-aaral ako sa negosyo at batas pero sa ganito ay kinagagalit ko.” Umiling ako. “Hindi lang naman ikaw ang nag-aalala pero parte ‘to ng buhay natin at wala tayong magagawa.” Dahil ang tao ay patuloy na magdidiskubre ng mga bagay na alam nilang magiging malaki ang pakinabang sa kanila. “May magagawa tayo, pwede natin sunugin at sirain ang makina.” Biro niya sabay tawa. Napatitig ako sa kanya at ng mapansin na hindi na ako tumatawa sa biro niya ay agad niyang itiniokom ang bibig saka binalik ang atensyon sa binabasa. Inumpisahan ko na ang pagtatahi, kompleto ang aking gamit kaya mas lalong napapadali ang lahat. Ilang oras ang lumipas at sa wakas ay natapos ko ang ibang parte. Tumayo na ‘ko sa aking pwesto at pinatay ang makinang pangtahi saka lumapit kay Irene na ngayon ay natutulog. Kinuha ko ang isang pirasong sticky note at naglagay ng sulat bago umalis upang bumalik sa hacienda. Gamit ang bisekleta ni Irene ay mabilis akong nakarating sa Hacienda saktong pag-uumpisa ng iba kong kasamahan. Dali-dali akong tumulong at binalik sa sako ang nakalatag na palay ng may magsalita mula sa likod. “Bakit hinahayaan nila na isang magandang binibini ang balik ng mga ito?” hindi ako nag-abalang tapunan siya ng tingin at nagpatuloy lang sa trabaho. Halata ang dahilan niya sa paglapit mas lalo na ang kanyang panglalandi. “Ano ang pangalan mo?” muli niyang tanong at sa pangalawang pagkakataon ay hindi ko siya pinansin. Wala akong panahon para makipagsabayan, trabaho ang pinunta ko dito at hindi ang humanap ng kasintahan. Ramdam ko ang pag-alis niya. Mukhang na pansin niya na wala akong balak na sagutin ang panlalandi siya ngunit iyon ang pagkakamali ko ng muli siyang bumalik at sa pagkakataon na ‘yon ay may dala siyang walis na katulad ng aking ginagamit. “Tulungan na kita—” “Ako na.” putol ko sa sasabihin niya bago kinuha ang hawak niya. “Hindi ko kailangan ng tulong mo.” “Miss, kung ayaw mo sabihin ang pangalan mo ay hayaan mo na lang akong tulungan ka.” May pang-aakit niyang ani at ng itaas ko ang tingin sa kanya ay parang may sakit sa mata na kumindat-kindat. “Malawak ang pinaglatagan, doon ka sa kabilang dulo at mukhang doon kailangan ang tulong mo.” Sa lahat ng nilatagan ay dito niya pa talaga balak manggulo. Kung gusto talaga niya tumulong para mapabilis ng gawain ay inumpisahan niya na mismo kung saan niya kinuha ang kanyang dalang gamit. “Ito naman ang sungit,” komento niya sabay na upo sa isang sako na puno ng binilad na palay. “Nagmamagandang loob lang naman ako na tulungan ka.” “Hindi ko kailangan ng tulong.” Hindi ko malaman kung bakit sinasagot ko pa siya samantalang kahit anong sabihin ko ay pinagpipilitan niya ang gusto niya. Bago ang mukha niya dito sa Hacienda. Ilang beses na ‘kong nakapasok at nagtrabaho dito pero ngayon ko lang na kita ang pormahan niya, hindi din siya trabahador dahil kahit saan tignan ay makinis at maputi ang kanyang balat na tila hindi nasisikatan ng araw. “Ang sungit talaga.” Komento muli nito, “pupunta ka ba mamaya sa handaan dito bukas ng gabi?” Hindi ko siya sinagot. Sino ba siya para malaman kung pupunta ako o hindi, siguradong mangungulit lang ang isang ito kung patuloy na sasagotin ang mga tanong niya. Kung maayos at walang kalandian lang sana ang una niyang pakikipag-usap ay sinasagot ko pa siya ng maayos. “Ngayon ay hindi mo naman ako sinasag—oops, sorry!” natigilan ako sa aking ginagawa ng magkalat ang laman ng matumba ang sako na kinauupuan nito at muling nagkalat ang inilagay ko. “Ano ba?! Kung wala kang gagawing matino dito ay umalis ka at huwag akong guluhin! Mas lalo mo lang dinaragdagan ang trabaho ko!” inis na bulyaw ko sa kanya saka tinulak ang kanyang balikat upang ilayo siya sa kanyang pwesto. “Pasensya na.” mababa ang kanyang boses at akmang tutulong ng muli ko siyang itulak. “Sasabihin ko na lang namamahala na dagdagan ang sahod mo—” “Bakit sino ka ba?” nagdidikit ang aking kilay. Mahaba ang aking pasensya pero ewan ba pagdating sa kanya ay bigla na lamang umiigsim, mas lalo na ‘t nakikita ko ang kanyang mga mamahalin na kasuotan. Magmula ulo hanggang paa ay tumataginting na bentemil ang presyo ng kanyang suot. Nasa probinsya man ako nakatira ay alam ko ang presyo ng kanyang mga kasuotan dahil minsan nang— “Yaji. Nag-iisang anak ng—” “Yaji.” Pagputol ko sa sinasabi niya, “kasing igsi ng pangalan mo ang natitira sa pasensya ko kaya kung ayaw mo ibato ko sa iyo itong hawak ko ay umalis ka na sa harapan ko. Wala akong oras sa mga katuilad mo kaya hayaan mo ‘kong magtapusin ng trabaho ko na hindi nauubos ang pasensya ko.” Nakatitig lang siya sa akin na tila kinakabisa ang aking itsura, mukhang hindi din siya na sindak sa aking sinabi at may ngiti pa sa kanyang labi. “Sagutin mo ang isang tanong ko at aalis na ‘ko. Pupunta ka ba bukas ng gabi sa pagdiriwang ng Hacienda?” tanong niya. Tumaas ang kilay ko. “Hindi ko alam, baka hindi.” “Ano ang pangalan mo?” muling tanong niya. “Sinagot ko na ang isa mong tanong kaya umalis ka na sa harap ko.” pagtataray ko buong lakas na tinayo ang natumbang sako. “Okay. Okay.” Pagsuko niya bago tumalikod. Napabuga ako ng malalim na hininga ng medyo nakalayo na siya ng isang matinis na boses ang tumawag sa aking buong pangalan. “Myle Rae Arevalo!” sigaw ni Irene na kumakaway papalapit sa akin. Napalingon sa aking pwesto ang iilan, isa na doon ang makulit na lalaking ‘yon na may malaking ngiti sa kanyang labi na at huminto sa paglalakad. “Myle Rae. Napakagandang pangalan.” dinig kong komento nito. “See you tomorrow, Rae.” Usal niya na may pang-asar na ngiti sa mga labi. Asar.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD