“Nagbibiro lang ako!” Biglang bawi na sabi ni Jerico. Makalipas ang ilang sandali. “Nandito na tayo sa bayan, mag snack na muna tayo, ako ang taya, pag usapan natin ang nangyari,” “Jerico ihatid mo na ako sa amin, gusto ko na umuwi!” Walang nagawa si Jerico kaya inihatid na niya sina Hazel at Adel sa kanilang mga bahay. Pag dating ni Hazel sa kanila ay naka tulala pa rin ito, pumasok siya sa kanyang silid at naupo sa tabi ng bintana, nasa isipan pa rin nito ang mga pangyayari. Maya-maya ay pumasok ang kaniyang ina sa kaniyang silid. “Hazel anak, maghain ka na at kakain na tayo, darating na ang ama mo.” “Opo nanay lalabas na po ako.” Habang naghahain si Hazel ay napansin ito ng kaniyang inang si Mila na balisa. “Ano ba ang nangyayari sayo bata ka, kanina ka pa nakatulala dyan?” “Nanay kasi may nakita kami ni Adel kanina sa may dalampasigan ng batis., nakakatakot! “At ano naman ang nakita mo?” “May nakita po kaming isang Estatwa ng babae sa tabi ng puno,tapos biglang gumalaw yung mga mata at tumingin sa amin!” Hindi pa tapos magsalita si Hazel ay pinagalitan niya agad ito.. “Ano yang mga sinasabi mo? baka guni-guni lang yan, at bakit kayo nagpupunta doon?” “Si Jerico po kasi eh,” “Huwag na nga kayo sumasama kay Jerico, palibhasa anak mayaman at de kotse, sumasama naman kayo kahit saan kayo yayain,” “Kaibigan po namin sya ni Adel, at mabait naman po sya.” “Kahit na, basta huwag na kayo sasama sa kanya kung yayayain lang kayo sa mga ganong lugar, at huwag ka na pupunta ulit doon sa sinasabi mong lugar na yan ha? pati ako natatakot sa mga pinag sasabi mo.” Dumating si Kario, ama ni Hazel, nagmano si Hazel at binigay ang tsinelas ng ama. “Mano po tay, eto po tsinelas nyo.” ... Kumakain sila kasama pa ang isa pa niyang mas nakakabatang kapatid na si Mia. “O kamusta na pag aaral mga anak?” “Tatay mataas po ang nakuha ko sa quiz namin,” masayang wika ni Mia. “Aba very good, galing talaga ng anak ko, dapat anak laging ganyan ha?” “Opo tatay kasi gusto ko din po maging teacher gaya ng nanay,” “Ok yan anak, o ikaw naman Hazel, bakit ganyan itsura mo di ka mapalagay?” Hindi makapagsalita si Hazel. “O bakit di ka nagsasalita dyan? May problema ba anak?” “Ay naku , yang anak mo yan talaga,” “Saan naman nagpunta ang batang yan?” “Sa may dalampasigan, ang lakas ng loob pumunta doon, hay ewan ko ba sa mga batang yan kung bakit doon pa nila naisipan magsipagpunta,” “Ano? Nakarating kayo doon?” “Sorry po tatay.” “At alam mo ba may nakita daw silang babaeng Estatwa sa tabi puno.” “Nakita mo yung Estatwa?” “Opo” “Nung bagong lipat tayo dito narinig ko na yang tungkol sa estatwa na yan, ano na nga ba pangalan nun?” “Kasandra daw po,” “Tama, yun nga ang pangalan ng estatwa na yun, sabi nila naghahasik daw ng lagim noon kaya walang ng nagpupunta doon.” Ani Kario. “Kung ganon totoo nga ang balita na may maligno doon?” Sabi naman ni Mila. “Pero tatlong taon na tayo dito wala naman tayong nababalitaan na may lagim na nangyayari sa lugar na ito, bali balita lang na nangyari daw bago tayo dumating dito, pero hindi totoo yan, at ikaw anak huwag ka na babalik doon ha?” “Opo, hindi na po talaga!” “Pero bakit may Estatwa ng isang babae doon , nakakatakot naman yun.” Di mapalagay na tanong ni Mila. “At mas malaki pa sa inyo, nakakatakot po tumingin!” sabi ni Hazel. “Pero estatwa lang yun hindi naman nangangain ‘yon,kaya uli uli huwag na kayong babalik doon, ha Hazel?” “Opo tay, di na po mauulit.” … Samantala … sa Dalampasigan, paglubog na paglubog ng araw ay biglang lumakas ang hangin sa paligid ng puno, at gumalaw ang Estatwa at sinundan ang mga bakas ni Hazel at Adel na kasing bilis ng bulalakaw. … Samantala...sa bahay nila Adel, naghahanda ito para maligo, pumasok ng banyo si Adel.Kumakanta-kanta si Adel habang naliligo, maya-maya ay may narinig siyang kakaibang himig na parang may nag pi piano, DO MI FA SO FA... Napahinto siya sa pag kanta at nakaramdam ng takot, nagtaka kung saan nangagaling ang nakakakilabot na himig na ‘yon.Wala naman silang piano at kung sa tv naman ito nanggagaling ay hindi ito maririnig sa kanilang banyo.Agad tinapos niyang maligo at nagmadaling pinunasan ang kanyang katawan.At nang siya ay nagbibihis ay may narinig siyang pumaskwit, ‘Pssssst!” nakaramdam ng pagkakilabot si Adel at dahan-dahang lumingon at napatingin siya sa maliit na bintana ng banyo.At may napansin syang nakalaylay na mga buhok, tinitigan niya ito para alamin kung ano ‘yon, at maya-maya ay unti-unti itong humahaba at biglang nakita niyang nakasilip ang mukha ng Estatwa na nakita niya sa dalampasigan. “Ahhhhhhh!” Nagsisigaw si Adel ngunit walang lumalabas na boses sa kanyang bibig, nagmadali siyang buksan ang pinto ng banyo ngunit hindi niya ito mabuksan-buksan.Nangangatog sa takot si Adel hangga't nabuksan niya ang pinto. At tumakbo sa kanyang silid, nakita siya ng kanyang inang si Belen. “Anak bakit ka natatakot?” Nagtatakang sabi ni Belen. “W-wala po Mama!” sabi ni Adel at pumasok sa kaniyang silid at nagtalukbong ng kumot. Hindi sinabi ni Adel sa ina ang nangyari dahil papagalitan siya nito kapag nalaman na pumunta ito sa dalampasigan. Sa tiya Carmen niya ito gustong sabihin ngunit wala pa ito. … Naghahanda na rin sa pagtulog si Hazel. “Magsitulog na kayo,” Sambit ni Mila. Nung gabi na iyon ay hindi mapalagay si Hazel. Nakatulog na si Mia ngunit di pa din siya makatulog. Nakaramdam ng pagka uhaw si Hazel at bumangon.Nagpunta ito ng kusina..madilim sa kusina, hindi niya makita ang buksanan ng ilaw,tumuloy siya sa refrigerator at uminom ng tubig.At habang umiinom ng tubig ay may narinig syang isang himig ng piano. nagtaka si Hazel kung saan nanggagaling ang nag pipiano na iyon. "Do-mi fa re re la mi do" “Saan nanggagaling ang nagpi-piano na ‘yon?” nagtatakang sabi sa kaniyang loob. at maya maya'y may nakita syang nakatayo na medyo malayu layo sa kanyang harapan....hindi niya ito masyadong maaninag dahil madilim.At kinuha niya ang flash light sa ibabaw ng refrigerator at inilawan niya ito at lakngngimbal niya ng tumambad sa kanya ang Estatwa na kanyang nakita sa tabi ng puno, at lumalapit ito sa kaniya. Naririnig ni Hazel ang mga yabag nitong papalapit sa kaniya. Sumigaw si Hazel sa takot. “Tatay !! tulungan niyo ko ahhhh!” Malakas niyang sinasabi ngunit walang boses ang lumalabas sa kanyang bibig.EnterAa