Chapter 1 - Into the River Bank
May dalawang magkaibigan nag-uusap sa isang Coffee shop.Nakaupo sila sa tabi ng bintana. “Ang tagal naman nila Jerico,” Naiinip na sabi ni Adel habang nakatingin sa kanyang relo. “Sana nga hindi na lang sila makarating dito para di na tayo tumuloy sa dalampasigan, natatakot ako,” Kinakabahan na sabi ni Hazel at kaniyang ininom ang ice coffee. “Ano ka ba Hazel, matagal na nating plano ito,” “Sigurado ka ba na may Estatwa doon?” “Kaya nga tayo pupunta, para malaman natin,” “Parang natatakot akong makita ang estatwa na yun,” Kinakabahan na sabi ni Hazel. “Estatwa lang yun, huwag ka matakot,” Makalipas ang ilang sandali ay nakita nila na pumarada ang kotse ni Jerico sa tapat ng tindahan at binuksan nito ang bintana at kinawayan sila. “Halika na, nandyan na sila!” sabi ni Adel. At lumabas sila at sumakay sa kotse ni Jerico, katatapos lamang ng kanilang klase, anak mayaman si Jerico kaya naka kotse ito. Habang sila ay bumabiyahe… “Yes Excited na ko, Adel sigurado ka ba na may estatwa dun sa dalampasigan?” Excited na tanong ni Jerico habang nagmamaneho. “Yun ang sabi ng Tiya Carmen ko,” Naninigurong sabi ni Adel. “Bakit kaya may estatwa doon?” tanong naman ni Kyla na nakaupo sa tabi ni Jerico. “Hindi ko nga alam kung bakit eh, siguro nakakatakot itsura nun,” “Bakit pupunta pa tayo? nakakatakot naman pala eh, uwi na lang tayo,” Natatakot na sambit ni Hazel. “Hazel nananakot lang si Adel hahaha! may narinig na ba kayong may masamang nangyari dito sa Sta. Barbara?” wika ni Jerico. “Noon daw?” ani Adel. “Noon pa naman pala eh!” sabi ni Kyla. “Pero ang pagkakaalam ko ay wala ng nagpupunta doon,” Natatakot pa rin na sabi ni Hazel. “Kasi nga marami ang natatakot,” “Ayoko na talaga pumunta!” “Ikaw naman Adel tinatakot mo na naman si Hazel eh, nandito na nga tayo,” “Oo nga, gusto ko rin makita yung Estatwa na yun eh,” Sabi ni Kyla. “Ano ba kayo, hindi ako nananakot,” “Interesado akong makita yun, tsaka ang aga-aga pa, taas pa ng sikat ng araw.” Sabi naman ni Jerico. Makalipas ang ilang sandali, natanaw na nila ang b****a ng dalampasigan. Ipininarada ni Jerico ang kanyang sasakyan sa isang tabi. At pagbaba nila ay naglakad sila hanggang makarating sila sa mabatong batis.Nauunang naglakad sa batis si Adel at Hazel kasunod si Kyla at Jerico, maya-maya’y biglang nadapa si Kyla, binalikan ni Jerico para tulungan ito.Tuloy lamang naglakad sina Hazel papunta sa puno at nakalagpas sila sa batis. “Asan na yung dalawa na yun?” Sabi ni Adel nang napalingon ito. “Ayun sila Adel, hindi pa sila nakakatawid ng batis, nadapa ata si Kyla?” “Mauna na lang tayo, tingnan na natin yung Estatwa, tara na!” “Teka Adel, natatakot ako, balikan na lang natin sila!” “Ano ka ba naman Hazel, nandito na nga tayo eh!” Nagpatuloy maglakad ang dalawa hanggang nakalapit sila sa puno, minasdan nila ang malaking puno. “Hazel tingnan mo, ang laki ng puno na to at nakakatakot ang itsura,” “Nasaan na yung estatwa?” Di nila nakikita ang estatwa dahil natatakpan ito ng malaking puno, lumapit sila ng puno at nagtungo sa kabilang bahagi nito, at sa kanilang paghakbang ay doon nila nakita ang estatwa. Nakaramdam ng pagkakilabot ang dalawa.Inaanay na ang gawa sa kahoy na statwa, may maamo itong mukha at hugis ito ng isang magandang babae na nakasuot ng hapit na kamison hanggang tuhod, mas mataas ito kesa sa kanila. “Ahhhhh!” Napahiyaw na sabi ni Hazel nang nakita ang estatwa. “Shsss! Huwag ka maingay!” sabi ni Adel at nilapitan ang estatwa at minasdan. “Totoo nga na may estatwa dito haha!” “Bakit ba kasi nagkaroon ng estatwa dito?” “May kuwento tungkol dyan, ang Tiya Carmen ko ang nakaka alam,” sabi ni Adel. “Napakaganda ng mukha niya kaya lang nakakatakot!” “Oo nga, ano kayang misteryong bumabalot dito?” “At sino kaya siya?” “May pangalan na sinabi si Tiya Carmen.Nakalimutan ko lang,” Pinagmamasdan nilang mabuti ang estatwa at nakaramdam sila ng takot. Napatingin naman si Hazel sa taas ng puno. “Adel, tingnan mo tong puno ang daming bunga, ano kayang klaseng bunga yan, kinakain kaya yan?” “Oo nga, at hitik na hitik,tikman kaya natin?” “Naku! Huwag na lang Adel, baka lason pa ‘yan,” “Baka nga, ngayon lang ako nakakita ng ganyang uri ng bunga,” Makalipas ang ilang minuto ay biglang humangin ng napakalakas, natakot ang dalawa, napatingin sila sa estatwa at bigla na lamang gumalaw ang mga mata nito. Kinilabutan sila at sa sobrang takot ay napaatras at nagpunta sa puno at nagtago sa likod nito. “Hazel nakita mo ba?” “Oo! Umalis na tayo dito!” Hindi agad sila makakilos, parang may bagay na pumipigil sa kanila, at maya-maya ay gumalaw ang ulo ng estatwa at ang mga mata nito. Napahiyaw sa takot ang dalawa. "Ahhhhhh!" Humangin ulit ng malakas at napatingin sila sa kapaligiran. “Adel hindi ako makakilos Adel!” Nangangatog na sabi ni Hazel. Napatingin sila sa statwa at laking gulat nila nang nawala ito sa dati nitong kinatatayuan, “Ahhhhhh!” At may narinig silang pumaskwit, “Pssst!” nang narinig nila ito ay nagkatinginan sila ni Adel at dahan-dahan silang lumingon, at laking gimbal nila nang nakita nila ang statwa sa kanilang likuran at masama itong nakatingin sa kanila. “WAhhhhh!” sabay na hiyaw ng dalawa, at bigla silang nakagalaw at napakaripas sila ng takbo. Tumawid sila ng mabatong batis at nasusugatan na sila sa kanilang pagmamadali. Di na nila nilingon ang dalampasigan sa takot na makita muli ang statwa.Ngunit napalingon si Adel at nakita niyang nagbalik ang statwa sa kinatatayuan nito. “B-bilisan natin huhu!” takot na takot na sabi ni Hazel. “Natatandaan ko na! ang pangalan niya ay…..Kasandra!” Hinihingal na sabi ni Adel. Hanggang malapit na silang makarating sa kinalalagyan nila Jerico at Kyla. Nakita sila ni Jerico na humahangos. “Bakit anong nangyari sa inyo?” Nagtatakang tanong ni Jerico. Hindi agad makapagsalita sina Adel ngunit kitang-kita sa kanilang mga mukha ang takot. “Umuwi na tayo!” nangangatog na sabi ni Adel. “Teka muna, hindi pa namin nakikita yung estatwa,” sabi naman ni Jerico. Nang narinig ni Hazel ang sinabi ni Jerico ay napahiyaw ito, “Ahhhhh! umalis na tayo! umalis na tayo!” Takot na takot na sabi ni Hazel.. Inakay ni Jerico si Kyla papunta sa kanyang sasakyan. Pagkasakay nila. “Ano ba ang nangyari nakita niyo ba?” “Jerico paandarin mo na ang sasakyan, please!” Nakikiusap na sabi naman ni Hazel. At pinaandar na ni Jerico ang kanyang sasakyan. Habang nagmamaneho ay inusisa pa din niya ang dalawa. “Hazel ano ang nangyari?” “G-Gumalaw yung estatwa at tumingin sa amin,” nanginginig na sabi ni Adel. “Huwag nga kayo magbibiro ng ganyan?” Ani Jerico habang nag mamaneho. “T-totoo! hindi kami nagbibiro!’ “Sayang! hindi ko nakita!” “Ibig mong sabihin, gusto mong makita ang sinasabi nila?” Nagtatakang tanong ni Kyla,