Kabanata 7

1228 Words
Narnia's POV "Ano? Tititigan mo lang ako?" naiinis kong sabi, pilit pinipigilan ang pagtaas ng kilay ko. Halos ilang minuto na ang lumipas pero wala siyang ginawa kundi titigan lang ako, nakahalumbaba pa na parang nasa pelikula. Nakakapikon. Napasuklay ako sa buhok bilang pang-disgusto at pilit umiwas ng tingin, pero hindi sinasadyang napadako ang mga mata ko sa adams apple niya. Nakita ko itong gumalaw kasabay ng bahagyang pagnguya niya, dahilan para mas kumunot ang noo ko. Ano ba 'to? Bakit ako napapatingin sa parte na 'yan ng katawan niya? Ano bang meron? Agad akong bumawi ng tingin at tiningnan ang mukha niya, pero natagpuan ko na nakangisi na pala ang gago. "Enjoying the view?" tanong niya, bahagya pang iniangat ang baba niya na tila nanunukso. Umirap ako at muling sinandal ang likod sa upuan. "Sa hitsura mong 'yan? Ewan ko na lang kung paano ka nagkaka-girlfriend," tugon ko nang matalim. Tumawa siya, malalim at nakakainis. "So, na-confirm ko na... kanina pa pala ako type ng mata mo, Miss sexy. And for your information, wala akong girlfriend. No Girl Since Birth ata 'to." "Hanapin mo paki ko sa love life mo " Mabilis kong balik, pero naramdaman ko ang init sa mukha ko. Tangina, bakit ba ako napa-react sa ganito? Relax ka lang, Narnia! Hinilig niya ang ulo niya sa gilid, nakangisi pa rin. "Sus! Selos agad. Pero sa totoo lang, you look beautiful tonight," sabi niya nang biglaang seryoso, dahilan para hindi ko mahanap agad ang isasagot. Napakagat-labi ako at mabilis na umiwas ng tingin. "Kung ganyan ka nang ganyan, baka masapak kita mamaya." "Kung ganoon pala, sasamahan na kita mag-practice sa kamao mo. Pero mas gusto ko yung iba ang gawin natin pagkatapos," aniya, sabay kindat. Mas malakas pa sa kagat ng Margarita ang inis na naramdaman ko. "Ang creepy mo. Tumigil ka na bago kita sabuyan ng drinks." Ngunit imbes na matakot, mas lalo siyang natawa. "s**t! Mas lalo akong nahulog sayo. Tumigas din lalo. Kahit suplada ka, mas naging cute ka kapag nagagalit sa paningin ko." Napairap ako, pilit pinipigilan ang sarili ko na hindi sabuyan ng Margarita ang mukha niya. "Kung gusto mong tumigil ang mundo mo, sige, ituloy mo pa 'yang kalokohan mo. Pustahan, hindi lang yan ang titigas sa'yo mamaya." Napangisi siya, mas lalong nanunukso. "Grabe ka naman. Iba na ba ang ibig sabihin ng hard to get ngayon? Kasi parang gusto mong magka-Fight Club tayo dito." "Sus! Gusto mo bang subukan? Kasi mukha mo ang unang tatama sa table," sagot ko nang may halong asar at inis. Seryoso akong napahawak sa baso ko, iniisip kung effective ba talagang gawing weapon ang Margarita. Ngunit imbes na mag-back off, mas lalo lang siyang natuwa. "Kalma, Chronicles of Narnia. Hindi ko akalaing ganito ka ka-wild kapag galit. Pero alam mo, you're so... intense. Parang gusto kitang makilala pa lalo." Ayan na naman tayo sa Chronicles of Narnia na yan! Pero gago! Anong makilala? Wala kang makikilala kundi kamao ko kung hindi ka titigil. "Makinig ka, Smith," madiin kong sabi, tumingin ng diretso sa kanya. "Hindi kita lubos na kilala, ayokong makilala ka, at lalong wala akong pakialam kung anong iniisip mo sa'kin. So, tumigil ka na kung ayaw mong maging highlight ng gabi dahil sa basag na mukha." Napataas siya ng kamay na parang sumusuko, pero halatang hindi pa rin natitinag. "Alright, alright. Panalo ka ngayon. Pero aminin mo, kahit konti lang, na-enjoy mo 'tong usapan natin." Pinipigil ko ang sarili kong huwag mag-react. Gusto ko sanang sabihin na hindi, pero alam kong kahit paano ay naaliw ako—kahit nakakainis siya. Kaya imbes na sagutin, tumayo ako, kinuha ang clutch ko, at tumingin sa kanya nang matalim. "Inom ka na lang, baka sakaling maayos ang wiring mo sa utak." Naglakad ako palayo, pero narinig ko pa rin ang malalim na tawa niya sa likuran ko. Siraulo talaga. Gusto ko sana lapitan si Azyl pero ang gaga ayun may kalandian na. Iba talaga kapag nalasing ang babaeng 'to. Di ko na hinanap si Clythie dahil alam ko naman na kaya niya ang sarili niya. Naisipan kong pumunta sa comfort room. Medyo madilim at marami ng lasing. May naghalikan at kung ano-ano pa. Hindi ko na lang pinansin at pumasok sa comfort room. Walang tao sa loob. Buti naman at di nila naisipan gumawa ng kakabalaghan dito. Inayos ko muna ang buhok ko at damit ko sa harap ng salamin bago pumasok sa cubicle. Iniwan ko ang clutch bag sa ibabaw ng sink. Hindi ko naman inisip na may gagawa ng kabalbalan dito dahil private naman ang lugar. Habang nasa loob ng cubicle, narinig ko ang pagbukas ng pinto. Akala ko kung sino lang, pero narinig kong nag-uusap ang mga pumasok—dalawang lalaki, base sa mga boses nila. Kinabahan ako bigla. Anong ginagawa ng mga lalaki sa loob ng pambabaeng comfort room? "Sure ka ba na dito siya pumasok?" tanong ng isa, mababa at may halong kaba. "Oo, nakita ko siya. Maganda yung suot niya yung kulay itim tapos naka YSL heels, impossible na makalimutan mo," sagot naman ng isa, mas mataas ang boses at halatang sabik. Napatulala ako. Tangina, ako ba ang tinutukoy nila? Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Luminga-linga ako sa maliit na espasyo ng cubicle, pilit iniisip kung paano ako makakalabas dito nang hindi nila napapansin. "Hanapin mo na. Siguraduhin mong hindi tayo mahahalata. Bantayan mo yung pinto," sabi nung mababang boses. Narinig ko ang tunog ng sapatos nilang umiikot sa tiles. Tahimik akong naglabas ng cellphone mula sa bulsa ng dress ko. Buti na lang at hindi ko ito iniwan sa clutch bag ko. Agad kong tinext si Azyl. Me: Nasa CR ako. May dalawang lalaki dito. Tulungan mo ako. Napakapit ako sa cellphone ko, pilit pinapakalma ang sarili. Narinig kong bumukas ang isa sa mga cubicle sa tabi ko. Nanginginig ang kamay ko habang sinusubukang i-lock nang mas maayos ang pinto ng cubicle ko. Diyos ko naman, sana hindi nila makita na nandito ako. Nasa kalagitnaan ng pag-iisip ko kung lalaban ba ako o magtatago nang marinig kong bumukas ulit ang pinto. Sumunod ang pamilyar na boses—mababa at malamig. "Ano'ng ginagawa niyo dito?" Napahinto ang mga lalaki. "Zuhair? Anong ginagawa mo rito, bro?" tanong nung isa, halatang kinakabahan. "Ako dapat ang nagtatanong niyan. Wala kayong karapatang pumasok dito," sagot ni Zuhair, matigas at puno ng awtoridad. Narinig ko ang tunog ng mabigat na hakbang. Pucha, si Zuhair na naman? Ano ba ‘to, guardian angel na siya ngayon? "Tangina, di ka boss dito. Umalis ka na lang kung ayaw mong madamay," sabi nung isa, pilit nagpapakatapang. Narinig ko ang malakas na kalabog at ang ungol ng isa sa mga lalaki. "Sinabi ko nang lumabas kayo, hindi ba malinaw?" ani Zuhair, mas mababa na ang boses at mas nakakatakot. Tahimik akong huminga nang malalim sa loob ng cubicle, pilit nilalabanan ang kaba. Narinig ko ang mabilis na yabag ng mga lalaki palabas ng CR. "Labas, Alvarez. Ligtas ka na," malamig na sabi ni Zuhair mula sa labas ng cubicle. Napanganga ako sa inis. Tangina, paano niya nalaman na ako 'to? Nakalimutan kong natakot ako kanina at napalitan ng inis dahil sa kanya. Binuksan ko ang cubicle at bumungad sa akin ang nakakunot na noo ni Zuhair. Napatingala akong nakipagtitigan sa kanya. "Ano?!" Masungit kong tanong. "Ba't ka galit?" Inis nitong balik ng tanong sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD