bc

Zuhair Eros

book_age18+
21
FOLLOW
1K
READ
dark
HE
badboy
mafia
bxg
campus
surrender
like
intro-logo
Blurb

❗WARNING ❗RATED SPG ❗MATURE CONTENT❗Narnia Melpomene Alvarez—ang tinaguriang "rebelde" na kakambal ni Urania, ayon sa kaniyang tiyuhin na si Luis Grimaldi.Buong buhay niya, iisa lang ang kanyang layunin: ang makamit ang hustisya para sa kanyang mga magulang, anuman ang kapalit. Sa murang edad pa lamang, buo na ang kanyang loob na ipaglaban ito, kahit sariling buhay ang isugal, lalo na para sa natitira niyang pamilya—ang kakambal niyang si Urania. Kaya’t hindi na nakapagtataka nang sumali siya sa isang lihim na grupo na konektado sa underground society. Alam niyang delikado ito, pero iyon ang tanging paraan para maabot ang matagal niyang pinapangarap.Ngunit isang gabi ang nagbago ng lahat—isang gabing ginulo ng hindi inaasahang estranghero. Ang pagtulong niya kay Zuhair Eros Smith ay tila isang maling hakbang na hinding-hindi niya makakalimutan. Bigla na lang napasok si Eros sa buhay niya—isang lalaking misteryoso, mapang-asar, at puno ng mga lihim. Wala sa plano ni Narnia ang pagbukas ng kanyang puso para sa sinuman, lalo pa’t hindi niya lubos kilala ang lalaking tila may koneksyon sa kanyang madilim na nakaraan.Hanggang saan ang kaya niyang isugal para sa pangako niya sa kanyang pamilya? Paano kung ang taong nagbubukas ng pintuan sa pagmamahal ay isa ring susi sa kasinungalingan? At paano kung ang laban para sa hustisya ay makasira sa pag-ibig na unti-unting namumuo?Ngayong nagbabanggaan ang kanyang puso at prinsipyo, kailangan niyang pumili: ipaglaban ang nakaraan o tanggapin ang pagmamahal na dala ng lalaking hindi niya sigurado kung kaibigan o kalaban.Written in: Taglish

chap-preview
Free preview
Intro
Narnia's POV "Nyemas ka! Pakyu times two. Di ako puta. Bartender ako. Alam kong maganda ako. Wag niyo ng ipagmukha sa akin." Naiinis kong sambit sa dalawang ugok na nakatitig sa akin habang pinaghalo ko ang mga alak. Di naman ito bago sa akin pero putcha talaga. Di ko sila bet at di ko rin sila bati. Pakialam ko sa kanila? Punyemas talaga. Kapag ako sasabog, pati t**i nila ubos. Sumulyap ako sa kanila at nakitang nakatitig pa rin sa akin. May histura pero wala akong paki. Nakakunot ang noo kong napatingin sa suot ko. Di naman nakakasaludo ng talong ang suot ko ah. Ano ba nakain ng mga ito? I'm wearing black shirt at black pants. Litaw ang kaputian ng balat ko, napakakinis at napakalinis din tignan ang tattoo sa kaliwang banda ng collarbone ko, a minimalist of my name, Narnia. Patuloy akong naghalo ng mga alak habang pilit na hinahawi ang inis na bumabalot sa akin. Kung tutuusin, hindi na bago ang mga ganitong klaseng titig sa bar na ito. Pero iba ang araw na 'to, iba ang pakiramdam. Hindi ko maipaliwanag. "Ano ba naman yan. Letche talaga," bulong ko sa sarili ko habang pinapanood kong bumubula ang shaker sa bawat alog ko. Sinubukan kong huwag pansinin ang mga manyakis na tila ba wala nang ibang gawin kundi magnasa. Bigla kong narinig ang tawanan ng mga kasama nila, mas malakas ngayon, at ramdam kong mas papalapit sila. Nag-init lalo ang ulo ko. Hindi ako magpapadala sa mga gago. Hindi ako magpapatalo sa ganito. Pero sa totoo lang, nasa dulo na ng pasensya ko. Mabilis akong bumuga ng hangin, tinakpan ang naiinis kong mukha ng isang pilit na ngiti. Tumalikod ako at inabot ang basong gagamitin ko, nagpopokus na lang sa trabaho. Ilang segundo pa at natapos ko rin ang inumin. Nang humarap ako, nakatayo na sa harap ko ang isa sa kanila, ang mukha niya palapit na sa mukha ko. "Miss, baka naman pwedeng..." hindi niya natapos ang sinasabi niya dahil bago pa siya makalapit pa lalo, nagawa kong maibuhos sa mukha niya ang hawak kong shaker. "Ayos ba?" Mataray kong tanong habang nakapamewang. Ang mga kasama niya ay napahinto sa tawanan at gulat na gulat sa ginawa ko. "Putangina, ano ba problema mo?!?" sigaw ng basang-basa at amoy alak na lalaki. Lumayo ako nang kaunti, handa kung sakaling may balak silang gumanti. Pero bago pa sila makagalaw, pumasok sa eksena si Mang Tano, isa sa mga bouncer ng bar. "Oy! Ano to? May gulo ba dito?" boses niya na may halong banta. Napatingin sa kanya ang mga lalaki, at parang mga basang sisiw na umurong at tahimik na tumabi. "Huwag kayong mag-iskandalo rito kung ayaw niyong magkabukingan," seryosong sabi ni Mang Tano. Alam ng lahat na hindi siya dapat binabastos. Tumahimik ang buong bar, tila ba natuto na silang lahat na wag nang magkamali sa harap ni Mang Tano. Sumulyap ako kay Mang Tano at tumango nang pasasalamat. "Salamat," bulong ko habang nagpapakawala ng matamis na ngiti. Tumalikod ako muli sa kanila at nagpatuloy sa trabaho. Maingay sa bar, normal na yun. Pero itong bar hindi yung tipong kagaya ng mga elite. Simple lang at mura para sa mga tao. Yung tipong para lang sa middle class at lower class. Di naman talaga ako dito nagtatrabaho eh. Sa ibang bar pero kilala ko ang manager dito at kailangan nila ng temporary bartender dahil absent ang bartender nila. Di ako makatanggi dahil malaki offer eh, sayang pera. Pera na yun. Mukha pa naman akong pera. Matapos ang oras ko, mabilis akong nagpaalam sa manager matapos niya akong bayaran. Nakangisi akong lumabas ng bar habang binibilang ang papel na kulay asul. Tiba-tiba ang linggo ko ngayon ah! Naks. Mabilis ko itong inilagay sa wallet at umangkas sa motor. Agad kong sinuot ang helmet sabay andar ng motor. Habang nasa byahe ay tahimik ang lugar. Walang gulo. Mahigpit ang kapulisan dahil sa riot noong nakaraang gabi. May gang wars na nagaganap sa pagitan ng dalawang grupo at maraming sugatan. Wala naman kaming pakialam sa kanila dahil mga weaklings lang naman yun. Naghahanap lang ng gulo para magpakitang gilas. Nek nek nila. Kung magpakitang gilas sila dapat sa underground para makita talaga ng ibang gang kung hanggang saan ang kaya nila. Sayang energy. Napalunok ulit ako ng laway. Kanina pa 'to. Medyo nabaguhan ang bibig ko dahil walang kahit ano sa bibig ko. Di kase pwedeng magsigarilyo dahil bawal. Wala. Choice ko lang ma di muna mag sisigarilyo baka di ako abutin ng ilang years at patay na ako. Nangangati na lalamunan ko. Di pwede 'to. Pambirang hobbitat na yan. Naisipan kong huminto sa isang convenience store. Buti't may bukas pa kahit madaling araw na. Tinignan ko muna ang store at wala namang nakatambay sa labas. Naghanap ako ng mapaparkingan ng motor pero wala. Mukhang okay naman magpark sa harap nito dahil walang sign na bawal magpark. Nagkibit-balikat akong hinubad ang helmet kasabay nito ang bagsak ng medyo mahaba kong buhok. Bumaba ako sa motor habang nagsusuklay ng buhok gamit daliri at sa isa kong kamay naman ay ang helmet. Matapos kung suklayan ang buhok ay pumasok ako sa loob ng store. Naghanap agad ako ng coins sa back pocket habang hinahanap ang pwesto ng mga lollipop. Meron naman akong nakita kaya agad akong kumuha ng isang pack. Dinala ko agad ito sa cashier na nanonood ng t****k. Di ako napansin kaya kinatok ko ang lamesa niya ng tatlong beses. Napaigtad ito at tinignan ako ng nakanganga. Tinaasan ko siya ng kilay. "Magkano?" Tanong ko. Kumurap-kurap siya. "Ah, wait lang." Kinuha niya ang pack at nagscan. Pinagmasdan ko lang siya habang panaka-naka niya akong sinulyapan. Di ko na lang pinansin. "99 pesos." Sagot nito. Napakamot ako sa ulo. Shuta! Piso na lang sukli sa one hundred. "Di pwedeng isa na lang kunin ko dyan?" Umiling siya. "Hindi pwede. Dapat one package talaga. Ano? Bibili ka ba?" Kinunutan ko siya ng noo. "May choice ba ako?" Kumuha ako ng one hundred sa wallet ko at binigay sa kanya habang may binubulong ang cashier. "Bibigay pala tapos dami pa sinabi. Hmmp! Kababaeng tao nasa labas pa rin. Porket ang astig niyang tignan kung makaasta parang gangster." Bulong nito. Tinignan ko lang siya. "Ito po piso. Salamat po." Sabi nito at inabot sa akin ang piso at ang nakabalot na package. Tumango ako at inabot ito. Iniwan ko siyang walang lingon-lingon at agad umangkas sa motor. Binuksan ko ang plastic sabay kuha ng isang lollipop sabay sabit nito sa holder. Matapos kong pakpakan ang lollipop agad ko itong sinubo at dinukot ang phone sa bulsa. Titignan ko lang kung anong oras na. 2 am na pala sa madaling araw. Napailing ako. Pinili kong tumambay muna sa harap ng convenience store dahil tinamaad akong bumyahe. Pahinga muna tayo. Umupo ako sa motorbike habang nagbubuklat ng kung ano-ano sa phone. Nakapasak pa rin sa bibig ko ang lollipop, tamang chill lang. Pero habang nakakunot ang noo ko sa pagbabasa ng mga memes sa feed, bigla akong nakarinig ng commotion sa di kalayuan. Napalingon ako at nakita ang isang lalaki, naka-all black, tumatakbo na parang hinahabol ng demonyo. Pero teka, hindi pala demonyo, isang grupo ng malalaking lalaki ang naghahabol sa kanya. Malalaki ang katawan, parang mga bouncer na galit na galit. Bago pa ako makapagsalita o mag-react, bigla na lang siyang tumalon sa likod ng motor ko. Agad niyang kinuha ang helmet ko at sinuot ito sa ulo ko. "Andar na! Bilis!" madiin niyang sabi, halata ang pagmamadali. Nanlaki ang mata ko, hindi makapaniwala sa bilis ng pangyayari.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

30 Days to Freedom: Abandoned Luna is Secret Shadow King

read
318.9K
bc

Too Late for Regret

read
362.9K
bc

Just One Kiss, before divorcing me

read
1.8M
bc

Alpha's Regret: the Luna is Secret Heiress!

read
1.3M
bc

The Warrior's Broken Mate

read
153.0K
bc

The Lost Pack

read
471.4K
bc

Revenge, served in a black dress

read
160.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook