Narnia's POV
"Ano?! Siraulo ka ba? Sino ka ba para utusan ako?! Baba hinayupak kang sino ka man!" pero hindi ko rin napigilan na mapaangat ang tingin sa malalaking lalaki na papalapit na.
Mukha silang mga gangster na maton, galit, at handang gumulpi. Nagulat ako, at sa sobrang taranta, pinaandar ko agad ang motor.
"Bilisan mo, pre! Mga gago ‘yan, di ata alam ang salitang talo." sigaw ng lalaking nakasakay sa likod.
Nataranta ako lalo nang makita kong isa sa mga humahabol ay halos aabot na sa motor namin. Napakapit ako nang mahigpit sa manibela habang pinipilit takasan ang mga naghahabol. Pero bago pa makalapit nang husto ang isang lalaki, bigla siyang sinipa ng lalaking nakasakay sa likod ko. Napunta ang paa niya diretso sa mukha ng humahabol, at bumagsak ito sa kalsada na parang troso.
"Hahaha, s**t pakshet ka!" sigaw ng lalaki sa likod ko, halatang enjoy na enjoy.
Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis sa kanya lalo na ngayon na dikit na dikit ang katawan niya sa likuran ko at may naramdaman akong bagay sa ibaba.
Punyeta! Manyak ata 'to.
"Pisteng yawa ka! Wag mong idikit yang katawan mo sa likuran ko! Yung talong mo dumikit! Kadiri!" Naiinis kong sigaw sa kanya habang napabuga pa ako ng lollipop na nasa bibig ko. Di ko alam kung saan tumalsik yun.
Sayang!
Napatigil siya sa pagtawa. Ilang segundo lang yun pero napalitan ng mas malakas na halakhak. Ang kapal ng mukha! Ang walanghiya, nakuha pang yumakap ng mahigpit sa bewang ko. Mas lalo pa siyang dumikit sa akin, kaya sa sobrang inis ko, naapakan ko ang preno ng wala sa oras.
"Putangina! Ano ba! Gusto mo tayong maaksidente?!" sigaw niya habang muntik kaming matumba.
Lumingon ako nang bahagya para sungitan siya. "Aksidente ka diyan! Dumikit ka pa ulit at saksakan kita ng clutch lever sa mukha mo! Di kita kilala, gago ka ba?!"
"Huy, relax ka lang, miss sexy. Ako nga 'tong inaalalayan ka baka matumba ka eh. Nakakaawa ka naman kung mahulog ka, di ba?" sagot niya, sabay ngisi na parang nang-aasar.
"Alalay? Eh parang ikaw pa magpapahamak sa akin! At wag mo akong tawaging sexy!" Hirit ko habang pinilit kong hindi masiraan ng bait. Ang mga humahabol sa amin kanina ay mukhang nawalan na ng tsansa na abutan kami, pero itong lalaking ito? Siya ang tunay na problema ngayon.
Sino ba 'to? At ang kapal ng mukha. Nakalimutan atang siya ang biglang umangkas sa motor ko! Nilingon ko siya at ang piste naka ngisi nga. Nainis ako lalo.
"Bumaba ka, gago! At wag mo akong yakapin, piste!" Utos ko sa kanya.
Mas hinigpitan ang yakap niya sa bewang ko at ang baliw dikit la talaga sa pwetan ko ang talong niya. Kinakilabutan ako sa ginawa niya.
"Chill ka lang, miss sexy? Ako lang 'to, ang pinakapoging anak ni tatay D—" sabi niya, may halong yabang sa boses niya ngunit agad kong pinutol.
"Wala akong pakialam sayo! Bababa ka o ihuhulog kita sa tulay?!" banta ko.
"Okay, okay, fine! Chill, miss sexy. Pero seryoso, salamat sa pagligtas sa akin. Kung wala ka, baka nilapa na ako ng mga buhaya kanina," seryoso niyang sabi.
Napasimangot ako. Hindi ko alam kung totoo o nagpapaka-drama lang siya, pero napabuntong-hininga ako.
"Tsk. Pakialam ko kung malapa ka. Bumaba ka na, gago! At pwede ba, kumalas ka? Higpit ng yakap mo, ah! Parang bakla."
"Anong bakla? Ako? Oh, ito. Feel mo yan? Bakla ba ako sa lagay na yan? In fairness, ngayon lang nangyari 'to, miss sexy. Bilib na ako sayo! Astig pa, napatigas pa natutulog kong talong. Finally!" Tumawa siya ng parang baliw at mas yumakap pa sa akin.
Halos sumabog ang ulo ko sa sinabi ng gago. Walang alinlangang siniko ko siya sa tagiliran, dahilan para mapaungol siya sa sakit.
"Araaaay! Grabe ka naman, miss sexy! Ang sakit nun, ha!" reklamo niya habang nakahawak sa tagiliran.
"Eh ano ngayon? Akala mo ba matutuwa ako sa kalokohan mo? Bumaba ka na bago ko ipitin yang natutulog mong talong sa kickstand ng motor ko!" galit kong banta, kahit halata naman sa boses ko na nawawalan na ako ng pasensya.
"Okay, okay, relax. Joke lang naman, miss sexy. Pero grabe ka, astig mo talaga. Crush na kita," aniya habang umiiling, pero halata pa rin ang pilyong ngiti sa mukha niya.
"Bumaba ka na!" ulit ko habang tumigil sa gilid ng daan. Tinuro ko ang tabi ng kalsada, nagbabadyang itulak siya kung hindi siya susunod.
Pero bago pa siya makababa, may narinig kaming tunog ng mga makina mula sa likuran. Dumilim ang ekspresyon niya, at naramdaman ko ang biglang pagtaas ng tensyon. Napalingon ako at nakita ang isang grupo ng mga motor na mabilis na papalapit sa amin.
"Miss sexy, mukhang hindi pa ako pwedeng bumaba," sabi niya, seryoso na ang mukha, na para bang nawala ang kaninang pagbibiro niya. "Kung gusto mong mabuhay, tapak na! Tiwala lang."
"Putangina, tiwala agad? Di nga kita kilala, gago!" reklamo ko pero wala na akong oras para mag-isip. Naramdaman ko ang matinding kaba sa dibdib ko, kaya wala na akong nagawa kundi ang i-twist ang throttle at tumakbo nang mabilis. Ang bilis ng t***k ng puso ko, hindi ko alam kung dahil sa takot o sa inis sa lalaking ito.
"Hawak ka, miss sexy! Ituturo ko ang daan!" sigaw niya habang nakatingin sa likod namin, ang mga mata nakatutok sa paparating na grupo.
Ano bang napasukan ko?! Walanghiya talaga. Bugbugin ko ang gago na 'to mamaya. Makikita niya talaga kung paano magalit ang isang Narnia.