Kabanata 2

1093 Words
Narnia's POV Isang malakas na suntok ang sinalubong ko sa kanya nang bumaba siya sa motor matapos naming mailigaw ang mga baliw na humahabol sa amin. Di ko na inisip kung nasaan kami, wala akong pakialam. Ang gusto ko lang ay maipasa ang inis at takot na nararamdaman ko, at siya ang tamang target. "Araaaay! Ano ba problema mo?!" reklamo niya habang napaatras at napahawak sa kanyang panga. Nakakunot ang noo niya, pero imbes na magalit, napangisi pa siya. "Problema ko? Ikaw! Gago ka! Anong akala mo, trip ko ‘tong nangyari? Wala akong paki kung bakit ka hinahabol ng mga gago na 'yon! Nadamay pa tuloy ako!" sigaw ko habang nakapamewang, ang init ng ulo ko abot hanggang langit. Ngumisi siya, kahit halatang masakit ang suntok ko. "Relax ka lang, miss sexy. Hindi ko naman sinasadya. In fact, nailigtas mo pa nga ako. Kaya dapat nagpapasalamat ka na naging hero ka ngayon," biro niya, pero alam kong hindi ako natutuwa. "Hero? Shuta ka! Gusto mo bang sumunod diyan sa mga manyakis na 'yon? Hindi ako bayani, gago. Isa kang malaking abala!" bulyaw ko ulit, habang tinuturo siya gamit ang nanginginig kong daliri. Pero imbes na sumagot nang maayos, bigla siyang tumawa nang malakas. "Alam mo, astig ka talaga. Ang init ng ulo mo, pero ang cute mo pa rin. Bagay sa'yo yung pagiging cool, bagay na bagay sa pangalan mong Narnia, parang Chronicles of Narnia," Tumigil siya sa pagtawa at biglang seryoso ang mukha niya. "By the way, ako nga pala si Zuhair, you can call me baby. And yes, I owe you big time. Pasensya na sa abala." Tinitigan ko siya nang masama, pero sa loob-loob ko, nagulat ako. Paano niya nalaman ang pangalan ko? Napatingin ako sa tattoo ko sa collarbone. Ah, doon siguro. "Tsk. Wag mo akong matawag na 'miss sexy' o kung ano pang s**t na nickname ang tawag mo. Narnia lang," sabi ko, pilit na hinuhupa ang galit ko. "At wala akong pakialam sa utang na loob mo. Basta lumayo ka sa akin." Napakamot siya ng ulo, parang bata na nahuli sa kalokohan. "Sure, sure. Pero bago 'yon, kailangan muna nating umalis dito. Sigurado akong hindi pa sumusuko ang mga 'yon. At mukhang mas malala kapag nahuli nila tayo." Napalingon ako sa paligid. Madilim ang lugar, parang nasa gitna kami ng kung saan-saang desyerto o probinsya. Napakagat-labi ako. "Putangina, saan ba tayo ngayon?" "Somewhere safe… for now. Pero kung gusto mong makaalis, kailangan ko ulit sumakay sa motor mo. Promise, this time walang talong na didikit," sabi niya na may pilit na ngiti, parang nagpipilit maging magaan ang sitwasyon. Tinuro ko ang motor ko at nagtaas ng kilay. "Sumakay ka na. Pero tandaan mo, isang maling galaw mo lang, hindi na suntok aabutin mo. Sipa sa talong mo." Natawa siya, pero sumunod agad. "Noted, mahal. Sipa-proof na 'to." Sinimangutan ko siya habang inaandar ang motor. Sa isip ko, sana matapos na ang kalokohang 'to. Pero may kung anong kutob ako na hindi pa tapos ang gulong pinasok ko. "Dito lang...dyan. Hay salamat! Ikaw ang hero ko." Di ako umimik dahil sumakit tenga ko sa kadaldalan niya. Kalalaking tao, madaldal. Ewan ko sa kanya pero in fairness ang bango niya hindi masakit sa ilong. Bumaba siya ng motor at huminto sa tabi ko. Tinaas ko ang shield para makita siya at binigyan ng masamang tingin. Pero ang hinayupak, sumaludo sa akin habang nakangisi. Piste! "Thank you for your service. Until next time! See you around, Chronicles of Narnia! Don't forget my name, Zuhair, your bebe." Sabi nito. "Wala akong pakialam kong Zuhair ang pangalan mo. Sabi ng wag mo akong tawaging Chronicles of Narnia." Bago ko pa siya matadyakan sa binti ay agad itong kumiripas ng takbo. Puta! Lagot yun sa akin kapag nagkita kami. Napailing nalang akong nakatitig sa likuran niyang papalayo sa akin. Nailibot ko ang tingin mapansing hindi ako pamilyar dito. Kumunot ang noo ko ngunit ramdam ko naman na safe ako sa lugar na 'to. Muli akong napalingon sa gawi ng lalaki kung saan ay hindi ko na mahagilap. Binaba ko na lang ang shield at pinatunog ang motor. Sumulyap ako ng isang beses sa daan na tinahak niya bago umalis. Habang papalayo ako ay hindi nawala sa isipan ko ang asul nitong mga mata. Pamilyar siya sa akin ngunit di ko maalala kung saan ko siya nakita. Buzz cut, siya yung lalaking kakambal ang gulo, medyo bad boy ang dating, at may tattoo sa likod. Alam ko yun dahil sumilip sa neck back niya. Tapos may hikaw na silver hoop sa kaliwang tenga. Habang patuloy akong nagpapatakbo ng motor, di mawala sa isip ko ang lalaking 'yun. Nakakainis na nakakaintriga. Sino ba siya? Pamilyar siya, pero hindi ko talaga mawari kung saan ko siya nakita. Kinabahan naman ako dahil baka kalaban ko siya, namin. "Tangina naman, Narnia, wag ka ngang praning. Malay mo, stalker lang talaga yun o adik," bulong ko sa sarili habang bahagyang umiiling. Pero kahit anong pilit kong kalimutan, bumabalik ang eksena ng mga mata niya at ng ngising walanghiya. "Sino ba talaga ang lalaking 'yun?" Napabuntong-hininga na lang ako, pilit na tinatakpan ang bumubulong na bahagi ng isip ko na baka hindi pa ito ang huli naming pagkikita. Huminto ako sa isang kanto para magpahinga saglit. Inikot ko ang tingin sa paligid at napagtantong nasa gilid na ako ng highway. Walang gaanong sasakyan, tanging ilaw mula sa poste ang nagbibigay liwanag. Nakaramdam ako ng malamig na simoy ng hangin, kaya't inabot ko ang leather jacket ko sa compartment ng motor. Habang isinususuot ko ito, biglang tumunog ang cellphone sa bulsa ko. Tinignan ko agad ang screen, isang unknown number ang nag-text. Ingat ka palagi, Chronicles of Narnia. See you soon. - May crush sayo Napatigil ako, parang tumigil din ang mundo ko. Paanong....? Chronicles of Narnia Teka! "Gago 'to! Paanong nakuha 'to numero ko?" Halos mapasigaw ako, pero agad kong nilibot ang mata ko sa paligid, baka nasa malapit lang siya. Pero wala. Tahimik ang paligid, bukod sa dumadaang ilang sasakyan. Napapikit ako at huminga nang malalim, pilit na pinapakalma ang sarili. "Okay, Narnia, relax. Baka coincidence lang. O baka trip lang niya." Pero alam kong hindi. At ang kaba ko, lalo lang lumala. Putcha! Sabi na eh! Paano niya nakuha ang impormasyon ko? Piste! Kalaban nga. Sumakay ulit ako sa motor at pinaandar ito nang mas mabilis. Habang bumabaybay sa kalsada, naramdaman ko ang kakaibang kaba na parang may mata na nakamasid sa akin. At sa likod ng utak ko, isang bagay ang malinaw, may kalaban akong natulungan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD