Zuhair's POV
Nakangisi akong pumasok sa bahay mula sa likurang pinto, sinisiguradong walang nakakapansin sa akin. Pasipol-sipol akong dumiretso sa kusina, nagbubukas ng ref habang hinahanap ang kahit anong makakain. Medyo nagutom ako dahil sa gulong nangyari kanina.
Kanina
Napahinto ako habang inaalala ang amazonang babaeng nagpapatigas ng alaga ko este, nagpapatibok ng puso ko. Napangisi ako, at napahawak sa dibdib. Putcha! Ang lakas ng pintig. Parang may naghuhurumintadong kabayo sa loob ng dibdib ko.
"s**t, na-love at first sight ata ako. Yare na, pre!" Napailing ako habang napapakamot sa ulo.
Pero teka, bigla akong napasimangot nang maalala kong hindi ko nakuha ang premyo kanina sa motor circle. Nanalo na nga ako, pero sinabihan pa ako ng kalaban kong nandaya raw ako. Mga siraulo! Hindi lang nila matanggap ang salitang talo. Ang mga gago, sinugod pa ako. Mabuti na lang at dumating si Chronicles of Narnia.
Napangiti ulit ako habang inaalala kung paano niya pinagalitan at sinuntok ako. Ang tapang niya! Hindi siya katulad ng ibang babaeng nakakasalamuha ko na puro pa-cute lang. Siya? Astig. Diretso. At Diyos ko, ang ganda ng pagkakasabi niya ng pangalan ko habang galit na galit.
Zuhair! Parang musika sa tenga ko.
Napakagat-labi ako sa excitement.
"Tsk, Narnia. Narnia, Narnia. Ang ganda ng pangalan mo. Pati ikaw. Paano kaya kita makikita ulit?" bulong ko sa sarili habang inuubos ang isang boteng tubig.
Maya-maya, narinig ko ang tunog ng pinto sa sala. Napakunot-noo ako at mabilis na nagtungo sa pintuan ng kusina. Pagbukas ko, bumulaga sa akin si nanay, ang pinakamaganda kong nanay.
"Zuhair Eros Smith! Saan ka na naman nagsusuot, bata ka?! At Ano nangyari sa mukha mo?" bungad niya habang nakatingin sa pasa ko sa panga.
Napangisi ako, sabay hawak sa baba ko. "Wala yan, nay. Bakit gising ka pa, nay?"
Umirap ito sa akin at pinagkrus ang mga braso sa dibdib. Ang cute talaga ng nanay di na ako nagulat kung bakit patay na patay si tatay kay nanay.
"Ikaw nga gising pa rin at may pasa pa. Sagutin mo tanong ko, bata ka! Saan ka na naman ng galing?" Masama ang tingin nito sa akin.
Nakapagtataka. Bakit ang lambot pa rin ng boses ni nanay kapag nagagalit? Katulad ng babae kanina. Ah, Narnia!
Napangisi ulit ako ng wala sa oras kaya nakatanggap ako ng batok ni nanay. Napatayo ako nang diretso habang hinihimas ang batok ko. Ang lakas ng kamay ni nanay, para bang sinasabi niyang hindi ako makakalusot sa interogasyon niya ngayong gabi.
"Relax ka lang, Nay. Galing lang ako sa Circle of Death," sagot ko habang pilit na umiiwas sa matalim niyang tingin.
"Circle of Death na naman?" Umangat ang kilay niya.
"Naku naman, anak, di naman sa pinagbabawalan kita tapos malaki ka na rin pero delikado kase yang motor-motor na yan. Jusko!"
Napakamot ako sa ulo at umakbay kay nanay. Naglakad kami papuntang sala at doon ko nakita si Tatay na gising na gising din pala habang nakapajama. Terno pa sila ni Nanay.
Binigyan niya lang ako ng tingin bago tumingin kay Nanay. Napailing na lang ako.
"Di naman delikado ang Circle of Death, Nay," sagot ko, at napangiwi dahil di ko alam kung ano pa ang sasabihin ko para lang hindi mag-alala si nanay.
Umupo kami sa tapat ni Tatay kung saan iniayos ang salamin niya at hawak ang isang tasa ng mainit na kape.
"How many are you in Circle of Death?" Biglang singit ni Tatay na kinangisi ko.
"10 riders." Proud kong sagot na kinatango niya.
Napatampal naman sa noo si Nanay sa kayabangan ko.
"Basta, anak, tigilan mo na 'yang Circle of Death na 'yan. Naku, parang sinasadya mo talagang pahirapan ang puso ko," reklamo ni Nanay habang hinahagod ang noo niya.
Ngumisi lang ako at sinubukang magpaliwanag. "Nay, puro professional riders naman kami. Wag kang mag-alala." Tumawa ako, pilit na pinapakalma ang kanyang nerbiyos.
Napailing nalang ito at tumayo. "Ewan ko sa'yo, bata ka. Babalik muna ako sa kwarto. Ikaw na bahala sa anak mo, Smith."
Sabi pa nito at binigyan ng tingin si Tatay na ngayon ay nakakunot ang noong sumulyap sa akin pero parang tuta naman tumingin kay Nanay.
"Noted, honey. Susunod ako sayo." Malambing nitong sabi.
Parehas kaming nakatingin kay Nanay na paakyat sa kwarto. Nang hindi na ito nakita namin ay mabilis akong nakipagtitigan kay Tatay sabay sandal sa sofa. Legs slightly spread, and arms resting loosely at my sides.
"Who won?" Agad niyang tanong.
"Syempre, ako po. Ang anak niyong pinakagwapo," sagot ko nang mayabang, sabay kindat kay Tatay.
Ngumiti siya, pero alam kong may susunod na tanong. "And who's the next best of the best?"
Napakamot ako sa ulo, pilit iniisip kung paano ayusin ang usapan.
"Wala, Tay. Pitik ko lang sila," biro ko, pero hindi siya natawa.
Napailing lang si Tatay at binigyan ako ng malamig na tingin. Umayos ako ng upo, nagdahilang maghaplos sa leeg, para lang maibsan ang tensyon.
"How's mafia?" Seryoso nitong tanong, ramdam ko ang bigat sa tono niya.
Sumeryoso rin ako. "Ayos lang. Sa ngayon. Walang kumalaban. Hands-on si Pareng Zephyr sa mga gawain sa labas ng Pilipinas. Si Pareng Zeus naman, ganun din. Pareho silang naka-focus sa international operations."
Tumango-tango siya, pero hindi niya inalis ang tingin sa akin. "And you? What's your plan? You can't keep fooling around with motorbikes. You know the responsibilities tied to your name, Zuhair."
Napabuntong-hininga ako at tumingin sa kanya. "Tay, alam ko. Hindi naman ako tumatakbo sa tungkulin ko. Nagre-relax lang minsan. Kailangan din naman 'yun, di ba? Para hindi mabaliw."
Hindi siya umimik agad, pero naramdaman ko ang bigat ng sinabi niya nang magsalita ulit. "Remember this, son. Your position in this family doesn't allow for 'just relaxing.' Everything you do has consequences, for the business, for the family, for everything. I don't want to see you fall apart because you got too complacent."
Napatingin ako sa malayo, nawalan ng pakialam sa paligid. Alam ko ang punto ni Tatay. Hindi ko naman pinababayaan ang mga responsibilidad ko o ang sarili kong negosyo. Pero si Tatay sobrang higpit niya, lalo na kapag usapang pamilya na. At, sa totoo lang, naiintindihan ko siya. Ganoon din naman ako. Isang maling galaw, mabigat na parusa ang kaakibat.
Pero ang bagong Pakhan ng La Nera Bratva, nakakapanggigigil. Hindi naman sa wala akong respeto sa kanya, meron. Pero, putik, ang higpit niya minsan nakakabaliw. Laging nagmamasid, laging nagkakalkula. Minsan, parang nakakalunod.
Ang pamamahala sa negosyo ng pamilya habang pinapatakbo ko ang sarili kong mga gawain ay parang paglalakad sa manipis na alambre sa ibabaw ng hukay na puno ng mga ahas. Ang mga pagkakamali ay hindi lang kinukutya, pinarurusahan ng mabigat, kahit sino ka pa.
Pero wala akong karapatang magreklamo. Ang Pakhan ay nakuha ang posisyon niya sa pamamagitan ng talino at walang awa. Kung tutuusin, sa ilalim ng pamumuno niya, naging mas malakas ang Bratva kaysa dati, at mas lalong naging untouchable. Pero hindi ibig sabihin niyan na mas madali siyang pakisamahan.
"Naiintindihan ko, Tay," sagot ko makalipas ang ilang sandali, pilit nilalabanan ang ngiting pumasok sa isip ko nang maalala ang babaeng sinuntok ako kanina. "Hindi ko pababayaan ang pangalan natin. Pero minsan, Tay, kailangan ko rin ng... distraction. Something different."
Napakunot-noo siya. "What do you mean by 'something different'?"
"Ah, wala, Tay. Wala," sagot ko agad, pero ramdam ko ang alingasngas ng adrenaline sa dugo ko. Si Narnia. Tsk, hindi ko talaga siya maalis sa isip.